"Violet, alis na ako ha! Bye bye! Kita na lang ulit tayo bukas!" Agarang pagpapaalam ko kay Violet nang sumapit ang saktong oras ng aming uwian. Makikita pa nga ang labis na pagkagulat sa mukha ni Violet dahil sa pagmamadali ko na iyon na umalis. Lakad takbo pa ang aking ginawa para lang mauna na makasakay sa elevator. Kaya nang makalapit ay mabilis na pinindot ko ang button nito pababa. Kaso nanlumo ako nang makita ang numero na nakalagay sa itaas nito. "Naman..." asar ko pang bulalas dahil mukhang nalampasan pa ang floor na kinaroroonan ko ng pagbaba ng elevator. Ngayon ay hihintayin ko muna na makaakyat muli ito bago pa ako makasakay pababa. Dahil doon ay inip na napatingin ako sa suot kong wristwatch bago muling pinindot ang button nito pababa. "Mukhang hindi rin agad makakaba

