Doon ay sinimulan na iminubra ni Sir Apollo ang kanyang sasakyan. At habang nakapokus siya sa kanyang pagmamaneho ay nilibang ko naman ang aking sarili sa pagtingin sa labas ng bintana. Nakakatawa dahil nitong nakaraang linggo lang ay sobrang awkward ako na makasama si Sir Apollo sa iisang lugar. Ngunit sa sandali na ito ay sobrang kabaliktaran nito ang nadarama ko. Sa naisip ay pasimple ko na ninakawan ng tingin si Sir Apollo sa aking tabi. Nakakagulat na sobrang komportable ako kahit may maliit na distansiya lang sa amin ngayon. Para bang napaka-natural na lang na magkalapit kami ng ganito sa isa't isa. Dahil doon ay wala sa sarili na napahawak ako sa tapat ng aking puso. Inaalam ko kung ano na nga ba ang damdamin ko. Kung ang nadarama ko na ito ay resulta pa rin ng pag-ibig ko kay

