Chapter 7 -Sitting beside you

1379 Words
Isang meeting ng lahat nang heads of every department ang nagaganap nga araw na iyon. At isa na doon si Kathlene sa naroon para mag-attend. Si Tyron mismo ang nagpatawag para daw sa isang mahalagang kaganapan. Halos lahat at excited sa maaring pag-uusapan. “I knew every year you have conducted a sportsfest o di kaya’y teambuilding and I want it sabay na gagawin iyon!” “Pero Sir ma-hamper po ang takbo ng negosyo natin pag ganoon” wika ni Tess “I already think about it! At saka ang mga oldies nating mga staff na walang hilig sa outing sila ang maiiwan sa opisina but of course they have a special bonus for taking our part habang wala kayo sa post ninyo!” “Sir saan ba tayo pupunta? “Sa isang Resort ko sa Zambales doon tayo mag spend ng tatlong araw. “Kaya, I’ll give you the responsibility to organized a committee to spearhead and act for the said activity. After you convene and decide just give me the full details and activity design so that we can set aside financial on that!” ang sinabi nito. Sobrang excited si Mariz pagkarinig sa sinabi ni Kathlene sa kanya. “Naku, bruha sinisigurado ko sa’yo magkaka-boyfriend na ako doon!” “Sana nga, bakit hindi mo na lang tanggapin si Ronald para may partner ka sa pagpunta sa Zambales!” biro sa kaibigan. EVERYTHING has all set. From transportation papunta sa food and activities pagdating doon napaghandaan na ng HR department. Sobrang aga pa ni Mariz tumawag kay Kathlene para ipaalala dito ang kanilang pag-alis. “Oo na nga kinausap ko pa si Aling Tisay na samahan niya si Mama dito sa bahay habang wala ako! Kung pwede lang dalhin ko siya isasama ko na sana iyan eh! “Hoy, bruha tatandang dalaga pag ganyan ka, hayaan mo na kasi si Tita diyan at saka kaya niya ang sarili niyan, just monito her okay! Tama nga ang kaibigan lagi kasi siyang praning pag ina ang napag-usapan. Ito lang kasi ang natitira niyang pamilya at kailangan alagaan. 7:30 a.m. ang usapan na alis ng buong team pero lumampas na siya sa nakatakdang oras narito pa siya sa kalsada nag-aabang ng taxi papunta sa kompanya. Kinunan pa kasi niya ang ina ng blood pressure nito at binilhan ng additional na gamot sa malapit na tindahan kaya hindi niya napansin na late na siya. Isang tunog sa kanyang telepono ang nagpahinto sa kanya. “My sweet lady nasaan ka na, kanina pa galit si Sir Tyron dito hinahanap ka, bakit ba kasi wala ka pa!” si Mariz ang tumawag. “Aalis na ba kayo? If hindi ako makakahabol hindi na lang ako sasama sa inyo! Sobrang hirap sumakay dito sa amin! “What? Sa tingin mo makakaalis ang grupo na wala ka rito? Ikaw ang unang hinanap ni boss dito!” ang biglang may umagaw ng telepono dahil sa pagkawala ng boses ng kaibigan. “Kathlene where are you? Huwag ka na lang umalis diyan dadaanan ka na lang namin diyan sa inyo!” boses iyon ni Tyron. Naghintay na lamang ito. Ilang minuto ang nakalipas may humintong van sa kanilang tapat. Lumabas si Mariz na nakangiti at sinalubong siya nito. “Haysst, kung alam, ko lang na matatagalan ka e di sana pinadaanan na lang kita dito ng sinakyan kung taxi! Halika na..!” sabay bukas ng pintuan sa backseat habang ang bag niya ay ipinasok ng driver sa likuran ng sasakyan. Pagbukas pa lang diretso ang tingin niya sa loob ng sasakyan. Nandoon si Tyron nakaupo sa likuran at tilang natutulog ito dahil nakapikit ang mata. “Doon ka sa tabi ni Boss!” utos ni Mariz sa kanya. “Bakit saan ka ba nakaupo? Tabi na lang tayo..! “Si Ronald ang katabi ko dito! At saka may nakaupo na diyan sa ibang seats at dadaanan pa natin sila para sumabay sa atin!” wika ng kaibigan. “Halika na pasok na at nagmamadali tayo!” boses ni Tyron na sa kanya nakatingin. Napasulyap siya at tumalima sa upuan na itinuro nito. Isang buntong hininga ang kanyang pinakawalan bago mag-settle down. Sa dulo siya ng upuan samantala si Tyron naman sa isang dulo na rin nakaupo. Mabuti nga lang at napapikit ito dahil baka mahuli siya na nakatingin siya sa bandang kinasandalan nito. “Pwede kang matulog 4 hours travel tayo ngayon!” lingon nito at pumikit ulit. Pagkatapos nila madaanan ang mga kasamahan nila kaagad na rin sila nagbiyahe. “Lapit ka dito!” mahinang boses ni Tyron at pumihit ito palapit sa kinauupuan ng kasama. Napalunok si Kathlene sa paglapit nito dahil hindi lang malapitan dahil halos nakasandal na sya sa dibdib ng lalaki sa sobrang dikit. Gumalaw pa ang kanang kamay ng lalaki at sinaklit siya sa beywang kaya tuloy napalapit siya ng tuluyan at naamoy na niya ang hininga ng katabi. “Sir Tyron!” warning words niya na may kahinaan. “Stay and sleep!” bulong nito. Pero naasiwa pa rin siya sa nagaganap. Nakakahiya at insulto para sa kanya na hayaan lang niya na mangyari ito. Kahit kailan wala pang gumawa nito sa kanya. Kahit ngang simpleng hawak ng isang lalaki walang naglakas loob na gawin iyon maliban kay Richard na lagi niyang kasama sa bawat lakad. “Mar sumama din ba si Richard? Bakit hindi natin siya kasama dito?” tinanong ang kaibigan na nasa unang upuan nakaupo. “Nandoon siya sa kabilang van sumakay!” si Tyron ang sumagot ng kanyang tanong. “Sir Tyron salamat sa ganitong pagkakataon na makapag-unwind din tayong lahat!” sabi ng isang sa mga kasama nila. “Bago lang ako sa kompanya ko, gusto ko rin kayo lahat makilala at makausap na wala sa mundo ng trabaho!” sagot pero nakasandal ang panga nito sa balikat ni Kathlene. Sa bawat pag-isod ni dalaga, ganoon na rin ang pigil ni Tyron na hindi ito makakalayo. “Stay on my side, I warn you hindi mo naisin ang maari kung gawin kahit dito tayo sa loob ng sasakyan ngayon!” may nais ito ipinahihiwatig sa bawat salitang binitiwan nito. “Tayo lang dalawa dito sa likuran kaya mag-behave ka!” mahinang bulong nito sa tainga ng dalaga. “Sir bakit ba kasi dinami dami naming empleyado mo, ako ang gusto mung paglaruan sa biyaheng ito!” inis niyang sabi. Napakislot siya ang gumalaw ang kamay nito at inakbayan siya. Na-alarma si Kathlene kaya mabilis niyang itinanggal ang kamay na handang aakbay dito. “Just because you’re different and interesting! Bakit hindi mo na lang i-enjoy ang moment na kasama mo ang boss mo! Yung ibang babae diyan halos mamatay na sa kilig sa akbay at yakap ko pa lang, tapos ikaw iwas nang iwas!” Nakakainsulto naman ang mga salitang ibinabato nito. Mabilis niyang tinanggal ang kamay ng lalaki at kaagad na dumistansya rito. “Diyan ka lang!” inis niyang sabi na nagpangiti sa lalaki. Mabuti at hindi na ito nagpumilit pa na lapitan siya. Malayo na ang kanilang biyahe kaya naglalaro na lamang siya sa kanyang telepono. Alam niyang ito ang makapapaantok sa kanya ito ang naisipan niyang gawin. Nagising siya nang ingay ng kanyang mga kasamahan na nag-uusap. But the most shocking is she is sleeping while his head is on the lap of Tyron. Habang ang kanang kamay ng lalaki nakadantay sa kanyang beywang at ang kaliwang kamay naman nakadantay sa ulo nito. Napakabilis niyang bumangon at nagkunwaring walang man lang nangyari. Kitang kita niya ang seryosong mukha ni Tyron na nakatingin dito at tilang hindi nagustuhan ang ikinilos niya. She is pretending na nakatingin sa mga kasamahan at hindi na nilingon pa ang katabi. “Let them go out first! Tayo ang huling lalabas sa van na ito kaya huwag kang masyadong magmadali! You have enough time to room around the resort!” buo ang pagkabanggit nito. Lumapit ito sa kanyang tabi at gumalaw ang kamay nito papunta sa beywang ni Kathlene. Napakislot siya at umiwas pero alam yata ng lalaki ang balak niyang gawin kaya humigpit ang pagkahawak nito. “Namimihasa ka na Sir Tyron!” inis niyang turan dito. “Huwag mo ako hamunin Kath dahil hindi mo alam ang kaya kung gawin! I warn you!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD