Chapter 6 - Huwag mo akong hawakan

1470 Words
Wala sa mode na bumalik si Kathlene sa table nito. Kitang kita niya kung paano kasama ang tingin sa kanya ng mga staff sa cafeteria kanina pagkatapos siya iniwan ni Tyron doon. “Hoy, bruha ano daw ang ginawa mo kay Sir Tyron?” sita ni Mariz habang hawak ang isang box ng pie. Umiling na lamang siya para iwasan ang anumang kadadatnan ng usapan. Alam niyang mabilis kumalat ang nangyari, kung ikaw ba naman na lalapitan ng bagong may-ari ng Garments Company hindi ka maging center of attractions ng mga personnel na naroon. Pababa sila ni Mariz during meryenda time para bumili ng sandwich nang makasalubong nila si Sir Tyron sa hallway na hindi maipinta ang mukha. Kitang kita dito ang malagkit nitong mga titig nang sinulyapan siya nito at kaagad na tumalikod papunta sa elevator. “Mukhang galit ah!” kumento ni Mariz “Baka kulang lang sa kain! “Bruha, hindi ganoon ang ibig ko sabihin! Hindi mo ba nakikita ang sama ng tingin niya sa’yo! Hindi na niya sinagot pa ang kaibigan at kaagad na ipinindot ang elevator. “Bilisan ninyo hinintay ko na papasok kayo!” boses na nagpatigil sa dalawa na humakbang. Hindi pa nakababa ito. Itinulak siya ni Mariz papunta sa bandang kinatatayuan ni Tyron kaya tuloy nasa harapan siya ng lalaki nagkapwesto. Nagkasagi-an ang kanilang kamay na hindi niya sinadya. Nang dumating sa 2nd floor may pumasok pang mga empleyado sa elevator kaya tuloy nagkasiksikan na sila. Naramdaman ni Kathlene ang kamay ni Tyron na umalalay sa kanyang beywang para pumihit palapit sa tabi nito. Hindi naman nahahalata ng ibang pumasok dahil napapwesto sila sa likuran. Nararamdaman niya ang buntong hininga ng lalaki sa kanyang likuran habang ang kamay ay hindi inalis sa kanyang beywang. “Sir!” lingon niya dito na may warning ang titig. “Hmmm..h!” bulong nito at ibinaba pa ang mukha palapit para pakinggan ang sasabihin niya. Napapikit na lamang si Kathlene at minabuting tumahimik at hinayaan ang mga kaganapan. Tilang nag-eenjoy pa yata ang mokong dahil bumaba pa ang panga nito at dumantay sa balikat niya. Narinig niya ang pagtikhim ni Mariz na tilang ipinapahawatig na nakikita nito ang mga nangyayari. Pagdating sa ground floor kumilos siya para maunang makalabas pero kaagad na pinigilan siya ni Tyron sa pamamagitan sa pagsaklit sa kanyang beywang. “Stay! Let them go out first!” bulong nito sa kanyang tainga na nagpatindig ng kanyang balahibo. Napakabango ng hininga nito na nagdadala sa kanya ng kakaibang pakiramdam. Nang lubusan nang nakalabas ang lahat kaagad siyang humakbang palabas ng elevator. “Bakit ba kasi nagmamadali ka!” sita pa nito habang nakaalalay ang kanyang kanang kamay sa bisig ng dalaga. “Naku sir gutom na po kami, sige po Sir Tyron mauna na po kami!” si Mariz ang pumutol sa usapan ng dalawa. “Just sit there at the waiting area sa lobby and I will call for food delivery or you may go back to your office and wait!” sabi nito habang nakatayo at hawak ang sariling telepono at may tinatawagan. Napapailing si Kathlene at napakamot sa ulo. “Halika na Mariz balik na lang tayo sa itaas!” wala sa mode na anyaya sa kaibigan. “Dalian mo pinagtitinginan na tayo ng mga empleyado!” bulong sa kaibigan. Si Mariz na lang kusang nagpaalam dito dahil nauna nang nagmamadali si Kathlene. “Bakit ba kasi ang init ng ulo mo kay Sir Tyron? Nakita mo naman kung paano ka niya kanina i-take care sa loob ng elevator!” pagbibiro ng kaibigan. Mabilis na tumalima sa office table nito at kaagad na napaupo at hindi man lang sinagot ang sinabi nito. “Hoy, huwag ako ang awayin mo bruha! Hindi ka ba kinikilig na isa ka sa apple of the eye ni Architect Tyron? Pag ako sa posisyon mo babakuran ko na iyan!” napaupo din ito sa tabi ng kaibigan. “Mariz, di ba nakwento ko na sa’yo kung bakit mailap ako sa mga lalaki, so please huwag mo ako itukso diyan!” “Hay naku bakit ba kasi hindi mo na lang kalimutan ang nakaraan mo, sobrang tagal na noon! Tingnan mo maraming mga lalaki ang humahabol sa’yo na sinayang mo lang! Why don’t give yourself a chance to fall in love para maranasan mo na rin ang mahalin!” ang mahabang litaniya ng kaibigan. Tama ang kaibigan, marami ang nagpaparamdam at gustong manligaw pero sa simula pa lang pinipigilan na niya ito. Lalo na’t marami siyang bagay na iniiisip isa na rito ang kanyang Daddy na wala siyang balita dito. “Saka na Mariz pag truly decided na ako at matanggap ko sa sarili ko na ready na ako harapin ang mga bagay na walang pag-aalinlangan! ‘Ewan ko sa’yo, sige ka tumandang dalaga ka na lang kaya! Naputol ang kanilang pag-uusap nang lumapit si Sir Tyron at may dalang pagkain sa kanilang table. “Here’s your food!” at ipinatong ito sa table ng dalaga. “Kainin mo iyan at huwag magpagutom!” at kaagad na tumalikod na hindi man lang hinintay ang kanilang pagpasalamat. Napahinto si Mariz sa nais nito sabihin at napakindat kay Kathlene. “Sana naman masarap ang ihip ng hangin palagi hindi yung habagat ang dumadaan!” sabay hagikhik. Hindi niya kinain ang nakabalot na pagkaing dala nito. Yung isang piraso ay kinuha ni Mariz at bumalik sa kabilang office. Hindi pa umabot nang 4:00 p.m. nakaramdam na siya ng pangangasim ng sikmura. Alam niyang nagpapahiwatig na ito na gutom siya. Hinanap niya ang dalang chocolate doon at saka kumain ng ilang piraso at uminom ng tubig. “Kathlene, ipinapatawag ka ni Architect Tyron sa private office niya!” sabi ng isang staff na lumapit sa table niya. Napakamot siya sa ulo. “Ano daw ang kailnagan niya Miss? “Iyan ang utos niya nang tumawag, hindi din binanggit ang pakay niya basta pumunta ka lang daw doon agad!” Alam niyang nasa 6th floor ang opisina ni Sir Tony Delmundo at natitiyak niya doon din ang office ng bagong boss nila. Minsan lang naman siya mapunta doon if ipinapatawag siya para sa isang close door meeting. Nanlalambot siya na napahakbang na pinihit ang pintuan ng opisina ni Tyron. Tumambad sa kanya ang kulay asul na desenyo nito at maging ang silid halos naamoy niya same sa male scent na naamoy niya kanina sa lalaki nang malapitan sa loob ng elevator. “Come inside!” ang baritonong boses na nagpakislot sa kanya. Nakasandal sa swivel chair nito at nakatalikod habang nagsasalita ito. “G..good afternoon Sir!” ang buhol buhol niyang sabi. “And do you think my afternoon is good?” balik tanong nito at hinarap siya. Sa mukha ng babae ang titig nito at tilang pinag-aaralan ang bawat anggulo ng mukha. “Sir? “Kathlene, ano ba talaga ang problema mo at sobrang ilap mo sa akin! Gusto ko lang naman makipag kaibigan sa’yo! “Huwag mo sana masamain ang actuation ko! I want all of my employee will be close to me at isa ka na doon dahil isa ka sa mga asset ng kompanya ko at proven na ang serbisyo! Napanganga siya at hindi kaagad nakapagsalita. “So, hoping na okay na tayo Miss Kathlene May Cruz!” madiin ang pagkasabi nito. “Okay Sir! Pwede na ba akong bumalik sa opisina ko? “Nagmamadali ka naman yata! Gusto lang naman kita makausap ng tayong dalawa lang, about the business!” at tumayo ito at umikot sa long table at saka umupo sa mahabang couch. Natigilan siya na sinundan ang kilos ng lalaki. “Come here!” sabay turo sa malapit na upuan. She is so tense and ashamed lalo na’t sila lang dalawa sa silid na iyon. “So, kwentuhan mo ako about the company! Gusto ko malaman ang lahat na nagaganap sa negosyo ko habang si Tito Tony ang namamahala dito!” Sa dami ng empleyado na mas mataas ang posisyon keysa kanya bakit siya ang tinatanong nito ngayon. At saka wala naman siyang hindi magandang nakita sa pamamalakad dahil lahat ng empleyado ay ibinibigay naman ang mga benepisyo na nararapat para sa kanila. “I think wala naman akong maisabi dahil mabait naman si Sir Tony sa amin na mga empleyado niya! “Lahat kayo iyan din ang ipinapahayag, I think hindi naman ako nagkamali na asahan si Tito sa negosyo ng aming pamilya!” turan nito at saka napangiti. Ngayon lang niya nasilayan ang matamis na ngiti nito na nagpapakaba ng tuluyan sa kanya. Nang tumayo ito at inilahad ang kamay para patayuin siya nito hindi niya tinanggap sa halip kusa itong ginawa. Umiba ang timpla ni Tyron. “Napakailap mo naman Kathlene!” “Sorry Sir hindi lang ako sanay na hinahawakan ng lalaki sa kamay!” salitang nagpahalakhak sa kasama.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD