Nasa tapat sila ng elevator nang bumukas ito at kitang kita ang pagsalubong ng kilay ng bago nilang boss pagkatapos sila masilayan dalawa na naghihilahan papasok.
“Hindi ito panahon ng ligawan, pag oras ng trabaho dapat bigyan din ninyo ng halaga ang perang pinapasweldo ng kompanya sa inyo!” ang boses na nagsasalita sa kanilang harapan sabay hakbang palabas.
Nagkatitigan silang dalawa at bigla niyang binitiwan ang kamay ni Richard.
Hanggang sa loob ng elevator panay bungisngis ni Richard at kantiyaw sa kanya.
“Nagtataka talaga ako sa bagong boss natin sa dinami dami ng mga babe dito sa kompanya pero ikaw talaga ang napansin niya! Iba talaga ang ganda mo Kath!
“Naku naman Richard huwag ako dahil malabong mapansin ko siya! Boys is my least priority sa buhay at alam mo iyon!”
Isang buntong hininga ang kanyang narinig buhat dito. Simula’t sapol alam niyang may espesyal itong nararamdaman sa kanya kaya lang hindi niya hinayaan na lalagpas sila bilang magkaibigan.
“Paano ba ‘yan Kath mukhang hindi ka talaga lulubayan ng prince charming mo!” bulong ni Richard sa kanya habang nasa packaging area sila dahil nasa pintuan ang boss nila nakatayo at nakapameywang pa.
Sa gulat natisod siya sa bundle ng nagkapatong patong na orders at napadapa talaga siya ng tuluyan. Kung gaano kabilis ang pangyayari ganoon din kabilis na nalampasan pa ni Tyron si Richard para ma saklolohan si Kathlene.
“Careless woman!” ang salitang lumabas sa labi habang inalalayan siyang makatayo. Ito pang ang nagbaba ng kanyang palda na pagkatapos tumaas ito at kitang kita ang mapuputing hita niya. Mag-Naramdaman niya ang paghaplos ng lalaki sa kanyang binti bago siya nito bitiwan.
“Sir!
“Next time mag-ingat ka! Kung ganito ang lugar na pupuntahan mo magpalit ka ng damit dahil hindi appropriate ang suot mo sa trabaho na gagawin mo! Or you just want to seduce anyone!” dugtong pa nito.
Namumula siya sa tinuran ng bagong boss. Kung magsalita ito parang walang buto ang mga dila nito.
“Salamat Sir Tyron!” at tumalikod dito at bumalik sa pag-inventory.
“Wait!” lumapit pa ang lalaki sa kanya at tiningnan ulit ang kanyang kamay, siko at maging ang kanyang tuhod. Napakislot siya bigla sa paglapat ng kamay nito sa kanyang binti at siko tilang magnet na nagdulot ng kakaibang init sa kanyang katawan. Sinipat nito ang kanyang paa at sinisiguro na walang galos o sakit.
“Sir ang OA naman, ok lang ako kunting sakit lang yon!” pabirong sabi nito. Pero bigla siyang napakislot nang makitang may dugo ang kanyang talampakan. It might be na tumama ito sa nakausling matalim na tali sa mga sako naka-bundle.
“S-it!” Natataranta na ipinaupo siya ni Tyron sa ibabaw ng stocks at lakas loob na sinipat iyon. “Richard just call the medics natin, Kathlene need some first aid!” utos nito sa kasama na kitang kita niya kung paano kumindat ito at nakangising tumalikod.
Kunting hapdi lang naman at natitiyak niyang kunting galos lang iyon or sugat na naging cause ng pagdugo.
Napapangiti ang medics nang ito’y matingnan.
“Maliit na sugat lang naman Sir, malayo sa bituka!” sabi pa habang ginagamot ito.
“Kaya nga sabi ko eh.. ayaw kasi ni Sir maniwala..!” dugtong pa niya.
Hindi man nagsasalita pero kitang kita sa seryoso nitong mukha ang pag-alala sa nangyari.
Akma na siyang tatayo pagkatapos malagyang gamot at plasters pero maagap na inalayan siya ni Tyron.
“I’ll carry you!” ang lumabas sa labi nito.
Naalarma naman si Kathlene sa sinabi ng boss kaya kaagad siyang naglakad at tinalikuran ito papunta sa pintuan.
“Kaya ko na Sir..!” nagmamadali na lumabas sa packaging area. Nalingunan pa niya ang pag-iba ng timpla ng mukha nito.
PANAY ang kantiyaw ni Mariz sa kanya habang nasa cafeteria sila kumakain. Alam niyang mabilis kumalat ang nangyari kanina sa loob ng packaging area.
“So ano ang masabi mo sa special attention ni Sir Tyron sa’yo, aber?
“Wala na challenge lang iyon!
“Iba kasi ang nakikita ko friend…Bago pa lang iyan dito kaya hindi ka ba nagtataka na ikaw lang ang napansin niyan araw-araw?
“Mariz, pwede ba wala ako sa mode sa ganyang topics at saka wala sa isip ko ang ganyang bagay! Boys is my least priority, hangga’t hindi ko pa makikita ang daddy ko!
“Mag-move on ka na kasi! Matagal na iyon..!
“Pasensya na hanggang ngayon sa nakaraan pa rin ang pangako ko! Kaya huwag mo nang ipilit pa ang kasalukuyan dahil hindi ko na iyan kayang i-accommodate!” seryoso niyang sabi.
Isang tikhim sa kanyang likuran ang nagpatigil sa kanilang usapan.
“Si Boss Tyron!” bulong ni Mariz na nakayuko. “Baka narinig niya ang pinag-uusapan natin?
“Can I join with you?” hindi pa sila nakasagot pero umupo na ito sa tabing upuan ni Kathlene.
Napakislot siya nang nagkasagian ang kanilang mga balat. Mukhang kusa pa itong inilapit ang upuan para magkatabi sila.
“Sir dito ka rin ba kakain?” nagtatakang tanong ni Mariz
“Saan pa ba pwede, Mariz?
“Sir kasi nagtataka lang po!
“How’s your feeling, Kamusta ang sugat mo?” kay Kathlene nakatingin ito.
Napatikhim na lamang si Mariz habang palipat lipat na nakatingin sa dalawang kaharap nito. Tilang hindi siya nag-eexist sa paraan ng titigan nila sa isa’t isa.
“Hmm…mm! Mauna na lang ako sa inyo Kath, nakalimutan ko may gagawin pa pala akong report!” sabay kindat dito at tumayo na kaagad.
Naiwan silang dalawa na magkatabi sa upuan at hindi nagka-imikan.
“Kakain ka Sir? Gusto mo iorder kita sa counter?” pagpresenta nito.
“Just stay here, I can manage!” at hinawakan pa nito ang kanyang palad bago tumayo at pumunta sa counter para kumuha ng makakain.
Napakakisig ng katawan at total hunk talaga kahit nakatalikod habang hawak ang tray. Bagay sa kanya ang suot nitong polo shirt at khaki pants. Sa tangkad nitong 5 ft. and 9 inches halos napapalingon dito ang kanyang nadaanan. Nataranta pa ang cashier nang malingunan ito. Kitang kita niya na pabalik na sa kanyang kinauupuan ang lalaki at wala man lang dalang pagkain.
“I order ice cream and I make it double!” Alam kung tapos ka nang kumain kaya dessert na lang sa’yo!” at kaagad umupo ito.
“Kailangan ko nang bumalik sa work Sir..mag 1 p.m. na po!”
“Iiwan mo ang boss mo dito? Ako ang kasama mo natatakot kang ma-late! Bakit papagalitan ba kita?
Napangiti siya sa sinabi nito. Gusto niya sanang iwasan ito pero parang hindi naman papayag ang pagkakataon.
Nang inilapag ang ice ceam sa kanyang harapan natatakam siyang kainin ito. Masarap naman talaga ang dirty ice cream nila dito na palagi din naman nila ni Mariz binabalik-balikan.
“Kainin mo na!” at inaabot pa nito at nilagyan ng kutsara ang baso. Habang si Tyron naman ay kumain muna ng inorder na pagkain.
Nagulat pa siya nang hawakan ng lalaki ang kamay nito at haplusin. “Do you want more?” sabay pisil nito. Napatikhim siya dito para ipahalata sa lalaki ang kapangahawang ginawa nito.
“Sir, pwede naman na kumain na hindi hinahawakan ang kamay di ba?” ipinakita dito na hindi niya nagustuhan ang ginawa nito.
Umasim ang mukha ang kanyang katabi. “Just a caring gesture ng boss mo, bakit wala bang gumawa nito sa’yo?
“It’s none of your business Sir! Sana naman respeto lang ng kunti sa empleyado mo, kung nasanay ka na ginagawa ito sa ibang babae ibahin mo po ako!” lakas loob niyang turan.
Umasim ang mukha ng kanyang katabi at kaagad na napatayo at walang lingon na tumalikod. Hindi pa nito natapos ang kinakain at kaagad na iniwan siya. Kitang kita na napasunod ang tingin ng karamihan na kumakain sa loob ng cafeteria.