Nakatukod ang sikong nakipag-usap si Mariz sa kanyang table. Maaga pa itong naglipat opisina para makipag-kwentuhan.
“Ano sa tingin mo kay Sir Tyron..di ba sobrang gwapo at ang bango ano?
“Hay naku Mariz wala akong panahon ngayon sa pakilig moment mo diyan!” saway sa kaibigan para bumalik na sa table nito.
Kahit siya nakaramdam ng aloof sa bagong boss sa paraan kung tumitig ito na tilang nag-aarok. Napaka-seryoso at madalang mong makitang nakangiti.
“Oras ba ito ng kwentuhan, Miss?” isang baritonong boses ang kanilang narinig sa may pintuan. Napatutop sa bibig niya si Mariz nang malingunan ang bago nilang boss na umiiikot.
“S..Sir! Sorry po may mahalaga lng kaming pinag-uusapan ni Kath!
‘You can do it later during break time! Binabayaran kayo ng kompanya para magtrabaho hindi makipagdaldalan dito!” sabi sabay talikod sa kanila.
“Sungit naman ni Sir Tyron! Naku Kath binabawi ko na ang crush ko sa kanya, dismayado na ako sa sinabi niya ngayon!” bulong ni Mariz na nagpahalakhak dito.
“Bumalik ka na doon dahil pag tayo mahuli ulit lagot tayo!
“NAKAKAINIS naman! Bakit ba kasi umulan pa ngayon na kung saan wala akong dalang payong! Kailangan pa naman niyang maglakad sa kabilang kalye para doon mag-abang ng dyip. Doon lang kasi dumadaan ang mga sasakyang de pasahero dahil ang daan dito ay private road na pagmamay-ari ng kompanya.
Tatawid pa siya sa kabilang kalsada para doon sumakay. Akmang tatawid siya nang huminto ang isang sasakyan sa kanyang tagiliran.
“Kathlene, going home? Just hop in!” si Sir Tyron nito kasabay ng pagbaba ng bintana ng sasakyan nito.
‘Sir Tyron salamat po, pero mauna na po kayo! Maaga pa naman at maraming dyip na pwedeng masakyan diyan sa kabila!” tanggi nya.
‘Get inside the car, I’m rushing may sumusunod na sasakyan sa likuran!” utos nito na naiinis ang boses nito.
“Sir Tyron, ok lang po ako! Mauna ka na!”
“Dammit lady, its already raining! Magpakabasa ka ba sa ulan or balak mong umabsent bukas at sabihing nagkasakit ka!
“Ok lang po ako Sir!” sabay talikod dito at patakbo na pumunta sa kabilang kalye. Todo iwas siya rito at dinig pa niya ang pagmura ng lalaki sa kanyang pag-iwan dito.
Nasa loob na siya ng dyip pero panay ang lingon niya sa kotse ng kanyang boss na nakasunod sa kanyang sinasakyang dyip. Baka nagkamali lang siya pero nang lumiko ang dyip papunta sa terminal kaagad niyang nakita na sumusunod pa rin ito sa dinadaanan nila. Kailangan niyang bumaba sa terminal para makalipat sa PUV Express papunta sa kanila. Hindi naman masyadong malayo pero gusto niya sa airconditioned van para makasandal siya at makapagpahinga saglit sa biyahe.
“Kung hindi ka ba naman matigas ang ulo hindi pa sana ako nag-abalang sundan ka!” ang boses na nagpatigil sa kanya sa pagbayad sa konduktor.
“Sir Tyron..!
“Let’s go! I’ll take you home!” at halos kaladkarin siya nito papunta sa nakabukas pang pintuan ng kotse.
Natulala siya na nagpapasunod dito. Makikita ang inis sa seryoso nitong mukha.
“Sir kaya ko na ang sarili ko po!
“Look at yourself, tingnan mo ang damit mo basa ka na! Bakit sobrang tigas ng ulo ng mga babae hindi nakikinig!” galit na binuksan ang pintuan ng passenger seat at kaagad siya nito ipinasok doon.
Ano ang nangyari? Bakit siya ang napansin ng bago nitong boss.
Pagkaupo nito sa driver’s seat ay hindi na ito nagsalita pa. Kaagad nitong inarangkada ang kotse paalis sa terminal. Naumid ang kanyang dila, wala siyang masabi sa ikinilos ng kanyang boss.
“Sir…!
“Could you shut up!” madiin ang pagkasabi nito kaya nanahimik na lamang siya habang pasulyap sulyap sa side mirror dito.
“Kathlene, saan ba sa inyo?
“Ay naku po Sir idaan mo na lang ako sa palengke diyan sa Masantol may mga bibilhin pa po ako!” sinungaling nito para makababa sa sasakyan nito. Kanina pa siya nababalisa at namumutla sa presensya ng lalaki.
“I knew woman who lied or not!” pasulyap na tumama ang kanilang mga titig.
“Bahala ka kung ayaw mo maniwala!
“Give me your number at tatawagan mo ako pag tapos ka na sa loob!” ang huling salita na iniwan nito bago siya tumalikod.
Ilang araw pa lang ito sa kompanya at halos lahat ng empleyado ay kinakabahan sa mga awra at pananalita nito.
Pagpasok sa loob ng palengke kaagad siyang bumili na lang ng isda at karne doon na wala sa oras para makakaiwas. Kaagad siyang dumiretso sa likuran ng Masantol Market at doon nag-abang ng taxi.
Nakakahiya naman na abalahin pa niya si Sir Tyron nito at alam niyang napipilitan lang na ihatid siya.
Ilang tawag ang nakita niya galing sa unknown number kasunod doon ang isang txt messages galing kay boss nito.
Galit ako sa taong sinungaling, sana naman hindi ka katulad nila! But I failed dahil isa ka din sa mga kakulay nila, Kathlene! Ang laman ng mensahe nito.
Napapailing na lamang siya habang binabasa ang laman ng mensahe nito. Bago pa lamang ito sa kompanya at nakakahiya naman kung makikita silang magkasama ng bago niyang boss. Hindi na niya sinagot pa ang message nito.
KINAUMAGAHAN…
“Anak, ngayon ang punta ko kay Dok Suarez! Monthly itong bumabalik sa kanyang doctor para sa check-up at hindi niya hinahayaan ang Mama nito na umalis mag-isa.
Kaagad niyang tinawagan si Richard na hindi makakapasok at after lunch na lang siya makakabalik after ng schedule ng ina nito.
“Magulo ang mundo dito, sobrang aga ka pa hinanap ni Architect Tyron sa amin!” May kasalanan ka ba sa kanya” ang lalaki sa kabilang linya.
Napatutop siya sa kanyang bibig. Hinahanap daw siya ni Sir Tyron nito.
“Sabihan mo may mahalagang bagay lang akong gagawin this morning!
“I’ll try na ipaabot sa kanya na hindi ka makapag-report! ‘Inaway mo ba ang bagong boss natin? Umuusok ang nguso niya sa galit dito!” sumbong nito.
Mabuti nga lang at maganda ang results ng laboratory ng Mama nito. Dahil sa pataas baba ng dugo nito kaya tuloy lalo siyang nababahala dito noon. Mas maganda na ngayon dahil may positive output na rin ang close monitoring nila at regular check-up.
Tanghali na nang magreport siya sa kompanya. Papasok pa lang siya lobby kaagad niyang nalingunan si Sir Tyron nito na may kausap na isang personnel. Natiyak niyang napansin siya nito dahil kaagad na nagpaalam sa kausap at papunta sa kanyang kinatatayuan. May galit ang mukha nito kaya kaagad siyang nagmadali na sumakay ng elevator para makapag-iwas dito. Sigurado malalagot siya dito sa pag-iwan niya dito kahapon sa Masantol Market.
Kaagad siyang pabagsak na napaupo sa mesa nito at kinuha ang kanyang ledger. Kailangan niya ngayon makita ang volume ng productions lalo na sa mga dresses at pantalon.
“If do you think you can run out of me, so sorry hindi ka pa rin makakawala sa akin dito!” isang boses na nagpalingon sa kanya. Tyron standing behind her at napakaseryoso ang mukha. Naamoy niya ang pabangong gamit nito at nanunuot sa kanyang ilong dahil sa sobrang lapit nito sa kanya.
Umikot ang kanyang paningin sa paligid at makikita ang mga sulyap ng kanyang mga kasamahan na nagtataka.
“Sir..! Huwag dito please!” mahina niyang sabi para iwan siya nito. Pero isang pagkakamali dahil umupo ito sa upuan sa tapat ng kanyang table.
“I hate woman na inuuto ako! Lalo na’t pinapaasa lang ako sa wala! I tried to be good with you pero you push me to do awkward things para mapasunod kita!” sabi nito habang nilalaro ang signpen sa ibabaw ng table.
“Ano ba ang gusto mung mangyari Sir Tyron? At saka sorry kung nagawa ko iyon, hindi lang ako sanay na hinahatid ako ng lalaki lalo na boss ko!
“All I want is trying to make my employee comfortable with me, if your mis-interpreted it, wala na akong magawa doon! Ikaw pa lang ang babaeng nang-iwan sa aking magandang imbitasyon! Lalo na’t pinaasa mo ako sa wala!
Napapalunok siya at napakagat sa kanyang pang-ibabang labi. She was affected by those words “lalo at pinaasa mo ako sa wala”
Lagi naman siyang umaasa na bumalik ang kanyang Daddy sa kanila pero until now walang anino nito.
“What’s wrong with you?” nagtatakang titig sa nakapikit na dalaga.
“I’m ok Sir Tyron!” isang buntong hininga ang kanyang pinakawalan.
“You’re not Okay!” pagpumilit nitong sabi
“Ok nga ako!” at tumaas ang boses nito dahil sa kakulitang tanong nito.
Nagtataka na tumingin ito ng diretsahan sa kanya at napapailing sabay tayo.
“I think nandiyan ang buwanang dalaw mo dahil sobrang irritable mo ngayon!” sabay tayo at tumalikod.
Napahagikhik si Richard na lumapit sa kanya. “Tama ba ako sa narinig ko kanina? Kathlene naman baka nakakalimutan mo ang hangarin ko sa’yo!” pabirong sabi pa nito.
Nakabusangot na itinulak ang lalaki pero kaagad din hinawakan ang kamay nito at hinila.
‘Halika na samahan mo ako mag-check ng mga stock packaging doon para malibang na rin ako! Nakaka-stress ang araw na ito!” nagkahilahan pa sila na papunta sa 3rd floor.