“Kathlene! Kathlene…!” malakas na sigaw ni Mariz at kinikilig pa nang papasok pa lang siya sa pintuan ng opisina.
“Ano na naman, sobrang aga pa nito para sa chismisan dito!
“Hindi ito biruan ngayon dahil sinisigurado ko sa’yo, kikiligin ka rin sa kapogihan ng bago nating boss!
“Nagreport na ba?
“Yap..! Ikaw kasi bakit ba tanghali ka nang dumating hindi mo tuloy nakita ang pagdating ni Sir!
“Lalaki lang iyan!” wala sa loob na sagot na hindi interesado sa sinasabi ng kaibigan.
“Titingnan natin mamayang hapon kung hindi ka magkandarapa para mapansin niya! Maghanda ka dahil may Welcome Party mamaya. Early dinner daw iyon para pormal na ipakilala ni Sir Delmundo ito!
“Wala ako sa mode ngayon, Mariz at saka mauna akong uuwi mamaya sa inyo!
“That’s decision na hindi mo gawin dahil nagbaba na ng memorandum na lahat ay compulsory na dadalo! Kaya ready mo na ang kagandahan mo na rarampa!
Kinindatan na lamang niya ang kaibigan at tumalikod papunta sa kanyang mesa.
Kahit sino man ang may-ari ng Garments Company ganoon pa rin sila bilang mangagawa. Basta may trabaho siya sapat na sa kanya iyon.
Tinanghali siya ng dating dahil hindi siya gaanong nakatulog kagabi sa mga alaala ng nakaraan na pilit bumabalik sa kanyang isip. Matagal na rin na hindi siya nanaginip ng ganoon kahapon lang naman umulit.
Kaagad niya kinuha ang kang telepono at tiningnan kung may mga emails na pumasok at hindi siya nagkakamali at tama si Mariz na may Memo ang opisina dahil isa din siya sa pinadalhan noon through electronic copy.
Pagdating nang tanghali inanyayahan niya si Richard na samahan siya para makipag-meeting sa new investors nila at balak kumuha ng wholesale sa kanilang mga garments products. Gusto nito makita ang comparison ng mga prices nila compare sa local market circulation kaya kailangan niya maglatag ng competitive prices nila dito.
“Sure ka na ako ang sasama sa’yo?
“At bakit ayaw mo? Kunwari ka pang ayaw mo eh pero ang totoo niyan kinikilig ka naman!”
“Yes, queen! Ikaw kaya ang imbitahan ng magandang dilag, hindi ka ba mabibihag?
‘Hay naku naman Richard kinuha mo lang iyang isa sa mga lyrics ng kanta…sige na kunin mo na doon ang mga papeles na kailangan nating dalhin including the brochures!
Kahit ganito si Richard pero maasahan niya ito pagdating sa pakikipag-usap sa mga supplier. Sa paraan mag sales talk ito mukhang hindi ito mahihindian at aatrasan ng kausap. Wala pa silang ka -meeting na nag-failed.
Inabot sila ng dapit hapon sa meeting nila sa isang restaurant kasama si Mr. Saleco.
“What you aim is being granted!” nakangiti si Richard habang inalalayan siya pasakay ng taxi pabalik sa kompanya.
“Thank you so much sa’yo, kung hindi dahil sa tulong mo hindi natin napapayag si Mr. Saleco! Lakas mo kaya!
“Sa ngiti mo pa lang sa kanya napapatango mo na eh! Lakas ng awra at karisma mo Kath!” pabiro nitong sabi.
“Congrats to us! Tiyak may commission tayo nito on the end of the month!
Nakangiti ang gwardiya ng kompanya nang sila’y dumating. Pag ganitong oras nagsipaghabulan ang mga empleyado na palabas ng building pero ngayon sobrang tahimik at walang tao.
“Nasaan ang mga tao dito?” pabirong sabi ni Richard.
“Diretso na kayo sa Convention Hall naroon na yata ang lahat!” sagot ng guard
Welcome Party pala ngayon may-ari ng kompanya nakaligtaan nila dahil sa trabaho.
“Dadaaan muna ako sa table ko! Pwede kang mauna doon sa hall!
“I’ll go with you at saka huli na tayo kaya sabay na tayong pumunta doon!” tama naman si Richard mas maganda na iyong sabay silang pumasok para may reason silang dalawa bakit nahuli silang dumating.
After mag-ayos and applying light lipstick and blush-on sa mukha kaagad siyang nagpalit ng damit na nakatago sa kanyang drawer. Lagi siyang may dalang extra clothes dito dahil kung minsan umuulan at kailangan niya ng pamalit.
Malakas ang tugtog sa loob ng hall. At narinig nila na may nagsasalita sa mikropono nang sila’y pumasok.
“I think we have late comers for this afternoon!” boses na sumalubong sa kanilang dalawa pagbukas pa lamang ng main door.
Namula ang mukha at napahiya siya at biglang napahawak sa bisig ni Richard.
Isang lalaki ang nagsasalita sa harapan. Confidently holding a microphone and seriously speaking.
Napatutop siya sa kanyang bibig nang lubusang matitigan ang nagsasalita. Sa kanila rin nakatuon ang pansin nito dahil sa magkasabay silang pumasok sa pintuan. Ang lahat ay nakaupo na sa upuan kaya kitang kita ang kanilang grand entrance galing sa likuran.
“Oh my God Richard, siya ba ang bagong may-ari?” bulong niya rito.
“I think so, Kath! Bakit ka nanginginig diyan?
Gusto niya sabihin kay Richard na ang lalaking nakatayo sa harapan ay ito din ang lalaking muntikan nang makapatay sa kanya. Siya yung lalaking may-ari ng kotseng babangga sana sa kanya noong nakaraang araw. Pero nahiya siyang banggitin dito ang aksidenteng iyon.
Naghanap sila ng upuan sa bandang likuran para makaiwas sa mga matang nakatutok sa kanila.
“And where are you coming from na ngayon lang kayong dalawa?” ang boses nito na sa kanya nakatingin at tilang siya ang tinatanong nito batay sa titig nito. “ I don’t want lazy person lalo na sa trabaho!
Kaagad siyang nagtaas ng kamay para magsalita.
“With you respect Sir, nahuli po kami dahil nakipag-close deal kami sa isang investors para sa isang wholesale transactions natin! And very sorry for being late in this event!” ang lakas loob niyang sabi.
Napatitig lang ito at tumaas pa ang kabilang kilay nito at tilang hindi na-satisfy sa reason niya.
“I don’t accept sorry without evidence!” madiin ang pagkasabi nito. “But kidding aside…! Sabay lingon nito sa head ng department na nasa likuran lang nito at parang may tinatanong dito. “Kathlene and Richard, I want to talk to you personally later!” nagtanong pa yata ng pangalan nila dahil ibinanggit talaga sa harapan ng karamihan.
Pagkatapos magsalita nito kaagad na sumunod naman ay si Mr. Delmundo. Naging mabilis lang naman dahil after nito ay salo-salo na kaagad ang susunod.
“Hoy…Kathlene!” kinikilig na lumapit si Mariz dito. “So, you already got the attention of Architect Tyron Delgado, siya ang bago nating boss!
“Alam ko! kaya lang hindi magandang pangitain sa akin nito!
“At bakit naman?
Sabay kuwento sa kaibigan ang totoong nagyari sa kanya sa daan.
“So, you already meet on the road? What the!
“Kaya nga kinakabahan ako dahil hindi maganda ang una naming paghaharap dalawa! At akalain mo bang siya pa boss natin dito..ano bang biro ng tadhanang ito!
Isang announcement ang nagpatigil sa kanilang pag-uusap dahil pinapapunta na sila sa opisina ni Sir Tyron na kung tawagin ni Mariz.
Magkasabay sila ni Richard na pumasok doon. Isang nakaupo at nakasandal sa swivel chair nito ang kanilang nadatnan. Kampanteng nakaupo at halatang sila talaga ang hinihintay nito.
“Just sit down!” ang baritonong boses nito. Napalunok ng laway si Kath dahil kanina pa siya tensyonado sa mga pangyayari.
“I want to know Richard what really the reason behind those late comers kanina?” it’s a big deal talaga sa lalaking ito ang kanilang pagdating na late.
“Batay sa sinabi ni Kath Sir iyan po ang totoo. Nagkipag-lunch po kami kay Mr. Saleco after ng close deal transaction namin sa kanya kaya nahuli kami ng dating!”
Pinag-aaralan ni Kathlene ang kilos at reaksyon ng lalaki sa kanilang harapan.
“Ok, I’ll done with you!” sabi nito na nakatingin kay Richard. “You can go first!” dugtong pa nito.
Nakasunod ang mata ni Kath sa pagkawala ng likod ni Richard sa pintuan. Sila na lang dalawa ang natira sa loob ng office nito.
“So, I may say kamusta ang tulalang dalaga sa daan?” ang paunang salita nito.
“Sir..pwede ba let’s forget it! At saka may kasalanan ka rin doon ah!”
Napakamot ito sa ulo ay humarap sa kanya ng seryoso. “Galit ako sa mga taong hindi marunong makipag-usap at basta lang mang-iwan at tumalikod! Just like yours!” buo ang boses na pagkasabi nito.
Nainsulto siya sa tinuran nito pero pilit siyang nagtitimpi dito. “Sir, salamat at hindi mo ako nasagasaan pero sana naman kunting ingat sa pagmamaneho dahil baka hindi lang yun ang abutin kung nagkamali ka sa paghawak sa manibela!”
“I knew how to drive safely, just like how to drive those careless ladies!” ang nakangising sabi nito.