Kaina pa akong nakaupo sa aking sariling pwesto pero hindi hamak ang kaba ko pagkatapos ng sagutan namin ni Tyron. Buong akala ko sa harap ng mga kasamahan ko ipapahiya niya ako pero mabuti nga lang at nakapagtimpi ito at kaagad akong iniwan na walang paalam.
Alam kung hindi lang dito magtatapos ang lahat dahil sinisigurado kung may karugtong pa ang eksenang iyon. Pero laking pasasalamat ko na buong maghapon na hindi nag-krus ang landas naming dalawa.
Nang uwian nakita ko ang kotse ni Tyron na naka-park pa sa isang sulok ng building at alam ko nandoon pa ang lalaki sa opisina nito. Nakalanghap din ako ng hangin sa araw na ito na walang mga matang nagmamasid sa mga kilos ko.
“Bruhang maganda uuwi ka na ba?” si Mariz na nagkakadarapa sa kakahabol sa gate.
“Bakit saan pa ba nag balak mung pumunta ngayon?
“Hoy, kanina pa ako nagpaparamdam sa’yo, akala ko naalala mo ang birthday ko pero…ewan ko ba ang iba diyan nakakalimot na dahil sa fully occupied ang isip sa kakaisip sa prince charming niya!
Doon ako napapaisip..Oo nga pala ang petsa ngayon.
“Sorry friend nakaligtaan ko..so ano ang ganap ngayon?” alam kung nagtatampo na ito batay sa facial expression nito.
“Halika na sumama ka na lang para makakabawi ka na rin sa akin!”
Si Mariz lang talaga ang close ko sa kompanyang ito simula nang nagtrabaho ako rito. At siya na rin ang aking kaagapay sa mga problema ko.
Sa isang restaurant kami humantong at napaka=sweet naman ni Ronald nandoon na pala ang lalaki naghihintay sa amin para i-surprise ang kaibigan. Bigla naman tuloy ako kinilig sa pag-iibigan ng dalawa. Nakikita ko naman kung gaano ito kagusto ni Mariz at nang manligaw siguro ito hindi na pinatagal ng kaibigan at kaagad sinagot. Kitang kita ko naman ang spark of being in love between them.
“Thank you Babe!” masiglang sabi ni Mariz kay Ronald sabay halik dito.
“Hoy, huwag dito..pinapainggit naman ninyo akong dalawa!
“Ako nga ang naiinggit sa inyong dalawa ni Sir Tyron..haysst napakalagkit ang titigan ninyo na hindi man lang pansin ang mga taong nasa paligid ninyo!
Napapangiti ako sa sinabi ni Mariz, ganito ba talaga kahalata ang kilos ko na ang mga kasamahan ko sa trabajo nahahalata na. Hindi ito tama! I promise to myself that I shouldn’t entertain suitors not until I found my father. He is priority before anything else.
Hinatid ako nila ako sa bahay pagkatapos ng dinner namin. Nadatnan ko ang aking Mama na umiiyak sa sala habang nanonood ng teleserye. Natigilan ako saglit at napatutok sa screen. Umiiyak ang character doon dahil sa pag-iwan sa kanila ng kanyang asawa.
Kaagad kung nilapitan ang TV at pinatay para maputol ang relate moment ni Mama sa kanyang pinapanood.
“Ma, sobrang na carried away ka talaga diyan sa pinapanood mo na halos mauubos na iyang luha mo sa kakaiyak!”
“Sorry, Anak…parang ako ang nasa character na iyan! I really miss your Dad!” napahagulgol pa ulit ito. Nakaramdam naman ako ng kirot sa aking dibdib. Alam kung ito lagi ang laman ng usapan namin ni Mama pero kahit ako wala na ring maisagot dito.
“Ma, ano ba ang gagawin ko para maibsan iyang sakit sa puso mo! Gusto mo ba magbakasyon muna tayo para makakalanghap ka ng sariwang hangin?
Biglang natahimik ito at tilang nag-iisip.
“Kung hihilingin ko ba sa’yo, papayag ka ba anak? Parang may ibang kislap ang mata nito.
“Oo naman Ma! At saka ilang taon din akong hindi nakapag leave kaya pwede po! Mag-file lang ako sa office for formality! Saan ba balak mo magbakasyon?
“Sa..sa ano sana! Sa Concepcion..sa dating resort na pinuntahan natin!
Bigla akong natahimik. Ang resort na itinutukoy ni Mama ay ang Deluna Beach Resort. Ito ng lugar na huli kung naisip na puntahan dahil dito ang nakaraan ko na nakaukit pa rin sa aking puso. At dito rin nangyari ang trahedya na muntikan na akong mamatay sa pagkalunod.
“Ma, are you sure na gusto mung bumalik doon! Hindi natin alam kung naroon pa rin ang Resort na iyon hanggang ngayon!
“Pwede mo naman icheck di ba? Gusto ko lang balikan ang huling alaala ko sa iyong ama bago niya tayo iniwan! Baka sa ganitong paraan maibsan ang nararamdaman ko. Sana makabalik na siya sa atin..sana alam natin kung nasaan siya ngayon! Sana nasa mabuti siyang kalagayan!
“Ok po Ma, I will handle this things.. just give me enough time to find contact sa resort na iyon. Its almost 16 years now!”! Kahit ako napapaisip na rin kung bakit gustong gusto ni Mama na bumalik doon. Sana inisip rin niya ang kalagayan ko…ang lugar na iyon ang nagbigay sa akin ng matinding trauma sa tubig na hanggang ngayon hindi ko pa naranasang maligo sa dagat ulit.
Ang una kung ginawa sa umagang pagreport ko ng office at hanapin sa directory ang telepono ng nasabing resort pero wala akong natagpuan. Ang sumunod kung ginawa ay mag-scroll sa social media para baka doon makahanap ako ng contacts. Hanggang sa may nabasa akong isang article na nakalagay doon ang nasabing resort pero binago na ang pangalan sa “Amore Mio Resort”. Kaagad akong nagpadala ng mensahe at hindi ako nabigo nag-reply din kaagad. At mabilisan lang at nakapag-book kaagad ako at nagbayad kaagad ng booking fee reservation.
“Bakit sobrang abala ka ngayon ha?
“Hay naku Mar, balak ni Mama na magbakasyon kaya ito ang pinag-aabalahan ko ngayon!
“So sa wakas magagamit mo na rin ang leave credits mo na inipon mo ng ilang taon!” pabirong sabi ng kaibigan.
“Sa ngayon siguro magagamit na rin! Gusto ko Samahan si Mama na makapag-unwind na rin saglit at mailayo sa magulong lungsod!
“Kailan mo balak mag-file ng leave?
“Immediately take effect tomorrow! Nag-submit na ako sa HR department para makapag-prepare ako kaagad!
“Haysst! Paano ngayon si Papa Tyron niyan! Baka hahanapin ka niya sa amin!
“One week lang naman ang itatagal ko kaya kunting time lang balik trabaho kaagad ako! Hayaan mo papadalhan kita ng update daily para maiinggit ka sa lugar na pupuntahan ko!
“Aba naman ha! Pwede bang malaman kung saan iyon?
“Huwag na dahil para sa amin ni Mama paraiso namin iyon!
“Siguraduhin mo lang na buo kang bumalik dito at mag-isa ha! Baka mabigla kami na dala mo na ang mapapangasawa mo!
“Kung ibigay ng pagkakataon, why not! Doon din naman talaga ang destiny ko naghihintay lang!” kinikilig kung turan dito. Kahit nga ako na-excite na rin sa pagbabalik ko sa lugar na iyon. Hindi ko alam kung ang dating kagandahang pook ay pareho pa rin sa ngayon. Ilang dekada na ang nakalipas at hindi ko din alam kung ang punong mangga na saksi ng sumpaan naming ni Mitoy nandoon pa.
“Hello everyone!” boses na nagpatigil sa aking imahinasyon. Si Tyron ang papalapit at may dalang isang box na tilang ang laman ay pagkain.
Akmang magsasalita sana si Mariz pero kaagad akung sumenyas na manahimik. Mabuti nga lang naiintindihan nito ang nais kong mangyari.
“I bring you this! Just eat at aalis na ako!” sabay abot dito at tumalikod na rin kaagad.
“Thank you Sir Tyron!” pahabol pa ni mariz na nakangisi.
It might be hindi pa alam ng Tyron ang balak kung bakasyon kaya doon ang lubos kung pinagpapasalamatan.
“See you “Amore Mio Resort”! at napapangiti ako. Parang nagkataon lang na ipinangalan ba sa dating tawagan namin ni Mitoy.