Chapter 16 - Are you jealous?

1188 Words
“Sir Tyron, nandito si Engr. Belmonte may meeting daw kayo!” boses ni Matilde sa pintuan kasabay ng sunod sunod na katok. Biglang napabalikwas si Kathlene at malakas niya akong itinulak at kaagad inayos ang kanyang damit na muntikan ko nang natanggal. Pulang pula ang kanyang mukha at nakayuko. Hindi kaagad ako nakagalaw dahil pilit kung ibinabalik sa normal ang aking paghinga. Muntikan na akong nakalimot na nandito kami sa loob ng opisina ko. Ewan ko ba kung bakit ganito ang ikinikilos ko sa ngayon parang kakaiba sa mga babaeng dumaan sa buhay ko. “Ayusin mo ang sarili mo at pwede ka nang makalabas, I will talk to you later!” Kaagad namang tumalikod at walang salitang iniwan. Nakita ko kung gaano siya nahihiya sa nangyayari sa pagitan namin. “Who’s that beautiful lady?” si Engr. Belmonte sabay turo kay Kathlene na kakalabas lang ng pintuan. “May I knew her name, Architect? “Engr. business ang ipinunta mo rito hindi ang mag hunt ng mga magagandang empleyado ko! ‘Well, ayaw mo noon double purpose tayo, ilang buwan din akong walang girlfriend kaya ssa ngayon malaya ako! “Let’s talk about your proposal, nagmamadali ako daahil may mga appointment pa akong pupuntahan after this!” nakakainis naman ang Engr. na ito halata talaga ang pagkakahumaling niya sa mga girls. Pagkatapos naming mag-usap kaagad din itong nagpaalam, alam kung malaking pera ang papasok sa kompanya sa magkuha ng kompanya naming bilang primary distributors sa Northern at Central Luzon. > Kanina pa ako nakakabalik sa desk ko pero nanginginig pa rin ang mga tuhod ko sa mga kaganapan kanina sa opisina ni Tyron. Mabuti nga lang naudlot ang lahat dahil pag nagkataon pagsisihan ko talaga ang mangyari. Alam ko nagtataka si Mariz sa namumutla kung mukha pagbaba ko kanina pero mabuti nga lang hindi na siya nagtanong pa. Pilit kung nilibang ang aking sarili sa pagtatrabaho para ma-divert naman ang atensyon ko sa ibang bagay. Gusto ko bulyawan ang aking sarili sa mga nagyayari sa ngayon. Nababaliw na yata ako sa pinaggagawa ni Tyron sa akin. Wala na sa tamang pag-iisip pag kaharap ko siya. Hinahanap ko ang kanyang yakap at halik. Pero kailangan ko ring bigyang respeto ang aking sarili para hindi ako magsisisi sa huli. “Kathlene may naghahanap sa’yo sa cafeteria!” si Mariz na hapong hapo na lumapit sa table ko. “At sino naman iyan na nagkakandarapa ka pang lumapit! “Haysst! Ang gwapo niya at ikaw ang hinahanap!” sabi pa nito na parang kinikilig. “Halika puntahan natin para makilala ko na rin!” akay sa akin para mapasunod na rin. Wala akong naisip na lalaking maghahanap sa akin kaya naging palaisipan tuloy ang sinasabi ni Mariz. Pagbungad namin sa cafeteria isang lalaking nakaupo sa kanang table ang kumaway sa amin para lumapit. “Siya yung sinasabi ko sa’yo? Si Mariz na napapasunod. Kung hindi ako nagkamali ito ang lalaking pumunta sa opisina ni Tyron kanina na tinawag ng sekretarya nitong si Engr. Belmonte. “Engr. Luke Belmonte!” sabay lahad ng kamay kaya kusa ko namang tinanggap dahil nagalang din itong nagsasalita at nagpapakilala. “Kathlene May Cruz po Sir, pinapatawag nyo po ako? “Yap itinanong ko doon sa front desk ninyo kaya nakilala na kita sa pangalan! “Ano po ba Sir ang maipaglingkod ko sa’yo? Sinenyasan niya kami ni Mariz na umupo at sumenyas sa tagabantay doon para mabigyan kami ng makakain. “By the way, lagi naman ako dito pabalik balik dahil sa engagement namin in business with your boss, but I keep interested narinig ko na ikaw ang nasa quality control department dito? Yes po! “Mabuti naman para ma sure kung nasa tamang quality ang produktong darating sa akin! “ nakangiting turan nito. “Naku sir si Kathlene po ang maasahan diyan!” nagsalita na rin sa wakas si Mariz. Kanina ko pa napansin na natutulala ito sa kakatitig kay Engr. Belmundo. “By the way, Can I invite you after office hour for a quick talk?” “OMG!...si Mariz na napatakip sa bibig nito na parang may tinitinggan sa may pintuan. Napapalunok ako ng makita kung nakatayo si Tyron doon at nakapameywang habang magkasalubong ang mga kilay na nakatingin sa aming tatlo. Makikita ang galit sa kanyang mga mata na hindi mo maipaliwanag kung gaano kalalim. “You can go, Engr. Belmonte and don’t expect me to pursue my business transactions with you!” dumadagundong ang boses nito sa loob ng cafeteria. “Teka nga..Architect we have already close the deal! “But I haven’t signed the papers yet, so I have enough time to back out! And at this moment I withdraw! Napapakamot ang lalaki at pabalik balik ng tingin sa aming tatlo. “On what reason? “Maybe I have my personal reason!” inis ang boses nito at tinapunan ako ng masamang bago tumalikod. “By the way, you two young lady, just go back to your post hindi oras makipaglandian ngayon!” pahabol nitong sabi. Napakislot ako ng pino akong kurutin ni Mariz sas tagiliran. “Engr. mauna na po kami naring mo naman ang sabi ng boss naming, kailangan na naming bumalik sa trabaho! Bagsak ang balikat ng enhenyero nang tumalikod ito. Kakaiba sa awra ng mukha nito kanina nga lang. “Naku anak ng kamagong..kinabahan ako tuloy sa mukha ni Sir Tyron kanina mukhang handa sa labanan!” biro ni Mariz habang lulan kami ng elevator. “Baka ganoon lang siya sa mga hindi niya nagustuhan, mali naman tayo at kasalanan mo wala pang snack time nasa cafeteria na tayong dalawa! “At ako pa ang sinisisi mo, sinundo lang kaya kita dahil sa ipinapatawag ka ng Engr. na iyon! Nagulat kami ni Mariz nang madatnan kung nasa tapat ng mesa ko nakaupo doon si Tyron na tilang hinihintay ang pagdating ko. “Friend, mukhang dito ka mapapalaban sa naghihintay sa’yo!”nahinang bulong ni Mariz. Kitang kita ko ang seryosong mukha ni Tyron habang nagsusulat paharap sa akin. “Ang tagal mo naman makipag-usap doon! At huwag mo aasahan na babalik pa iyan dito dahil I already withdraw the business transactions with him! “Sayang yun Sir! Malaking money di iyon para sa kompanya!” “Tssk!” parang may nasabi yata akong hindi maganda na umuuusok ang nguso nito. “Hindi mo pa kilala ang tao nagtiwala ka na kaagad! “Same with you Sir kahit hindi naman kita kilala nagtiwala din ako, so minsan kailangan din nating magtiwala sa taong nakasalamuha natin! Same with Engr. Belmonte, maybe she want friends in this company!” “That’s why sa mas maaga hindi na ako makipag business partner with him dahil alam ko ang balak niyan! Stay away with him!” bantang tinig nito. “Ako ang nakakaalam kung ano ang tama kaya huwag mo akong diktahan sa mga gagawin ko Sir Tyron! This is my personal life at I will decide for my own good!” buong tapang kung sagot dito. “Hinahamon mo ba ako Kathlene? Baka hindi mo gustuhin ang gagawin ko sa’yo!” tumayo ito na inis ang mukha.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD