Chapter 55 CLARISSE’S Pasado alas syete ng gabi payapa at tahimik silang nag salo-salo ng hapunan. Mag katabi kami ni Travis sa silya samantala naman si Donya Solidad tahimik lamang naka-upo sa harapan namin, na bawat kilos at galaw niya napaka galante na hindi man lang magawang ngumiti. Tanging tunog lamang ng kubyertos sa hapag kainan ang iyong maririnig, walang kibuan o pag uusap na para bang hindi namin kilala ang isa’t-isa. Simula no’ng maupo ako reto sa hapag kainan ganun na ang dating na para bang napaka bigat na ang napapalibot sa aming lahat lalo’t na si Travis ramdam ko ang pananahimik. Nasanay naman ako na kung minsan hindi kami nag kikibuan ni Travis pero ngayon na kasama namin sa iisang bubong si Donya Solidad pakiramdam ko bawat araw, umaapak ako sa salamin na hindi maka

