Chapter 54 CLARISSE’S POV Dali-dali na akong pumasok sa restroom, humarap na lang ako sa sink at kumuha na ng tissue. Sinimulan kong punasan ang kumapit na mantya ng juice sa aking damit nang paulit-ulit ngunit hindi iyon natatanggal. Sinadya ko pang basain ang tissue gamit ng tubig at punasan sa aking damit baka sakali mapa- dali ang pag alis ko no’n muli ngunit hindi pa rin. “Bakit ba kasi ang hirap matanggal ng mantya na ito?” Himutok ko na lang ng mahina na diniinan ko pa ang tissue sa dress ko ngunit hindi pa rin talaga maalis ang kumapit na mantya doon na orange. Kitang-kita naman talaga ang mantya dahil puti ang suot kong dress. Kaasar. “Matanggal kana kasi,” Paulit-ulit ko na lang na himutok na wala pa ring tigil na pinupunasan iyon. Kailangan ko na rin makatapos at makabalik

