Chapter 61 CLARISSE’S POV Ate? Ate Erisse? Totoo ba ito? Nandito na si Ate Erisse? Parang naging slow-motion lang ang pangyayari na hinakbang ko na ang paa ko palapit sakanila habang hindi maalis ang aking tingin kay Ate Erisse. Masaya siyang nakikipag kwentuhan kila Mama, hanggang napa baling ang tingin niya sa direksyon ko kaya’t nag tagpo ang aming titig. Nabigla rin siya na makita ako at lumitaw ang matamis na ngiti sa kanyang labi. Tumayo siya sa pag kakaupo at sabik na lumapit sa akin. Huli ko na lang natandaan, na binigyan niya ako ng mahigpit na yakap at maramdaman ko ang mainit na katawan niyang dumikit sa akin. Doon ko nakompirma sa sarili kong, totoo nga. Bumalik ang Ate ko. Ang Ate Erisse ko. Hindi maipaliwanag ang saya at pangungulila sa aking dibdib ng sandaling i

