Chapter 62 "Naikwento sa akin ni Manang, na pupunta ka daw sainyo." Napa angat ako sa pagkain na marinig ang seryosong boses ni Travis na nag salita. Kasalukuyan kami ngayon na kumakain sa hapag kainan ng almusal. "Ahh, oo." Pag sasang-ayon ko pa. "Balak ko rin kasing bisitahin at kumustahin si Ate Erisse," Isang araw na ang nakaka-lipas simula no'ng nakabalik si Ate kaya't naisipan kong dalawin na lang siya mismo sa amin. Hindi naman siya nakapunta rito dahil alam kong kailangan niya pa ng oras para mag pahingga. "Mabuti naman at naisipan mong dumalaw sa inyo kaysa, mag ala-prinsesa na lang dito sa Mansyon." Singit naman ni Donya Soledad na maanghang na salita. Opo kasama namin siya mag almusa ngayon. Kasamaang palad. Medyo masungit ang mukha ng Donya na naka-tuon ang mata sa kina

