bc

ANITA

book_age18+
6
FOLLOW
1K
READ
HE
second chance
stepfather
like
intro-logo
Blurb

Natuklasan ni Ellen na may babae ang asawa nyang si Greg. Umuwi siya sa Vigan para mag-isip. Sa bayan ng lola nya ay may nakita siyang aso na may dog collar na kakaiba. Nang sinundan nya ito humantong siya sa isang lumang villla na ipinagbibili ng may-ari. Ang hiwaga ng villa at ng aso ay natuklasan nya nang makatulog siya at magising na nasaa panahon siya isang daang taon na ang nakalipas at nasa kataawan siya ng babae na nag-may-ari ng villa.

chap-preview
Free preview
KATAKSILAN
Nang matuklasan ko ang kataksilan ni Greg, ang naging unang reaksyon ko ay komprontahin siya. Inniimadyin ko yung sarili ko na sinusurot siya. Tumitili ako. Isang naghi-hysterical na babae. Tipikal na reaksyon ng isang babaeng pinagtaksilan ng asawa. Baka masampal ko pa siya. Masabunutan. Makalmot. Bakit nagawa nyang dungisan ang matrimony ng aming kasal? Sa kabila ng mga pagsisikap ko. Sa kabila ng pagpupunyagi kong maagapayan siya na matupad ang aming pangarap na magkaroon ng sarili naming tahanan. Ito pa ang naging sukli nya sa akin. “Bibigyan kita ng anak, na hindi maibigay ng asawa mo.” Sabi ng text nang babae na nabasa ko sa cell phone ni Greg. Ang mga hayup! At umabot na sila sa puntong nagkakangkangan na ang mga walang-hiya! Halos malapirot ko ang keyboard ng laptop ko sa pagngingitngit. Habang nagpapakahirap ako sa pagtatrabaho at halos gawin kong araw ang gabi, ay ito pa ang iginanti sa akin ng aking asawa. Nang mahal kong asawa! “Wala nang panahon sa’yo ang asawa mo? Ako, ang buong panahon ko ay ukol lang sa’yo. Sa’yo lang na-ikot ang mundo ko, Greg.” Ito yung isa pang text nang haliparot na babaeng kalaguyo ng magaling kong asawa! Subalit, nang dumating si Greg nang hapong iyon, kalmado na ako. Inisip kong hindi na maibabalik ang nangyari. Dalawa lang ang pwede kong gawin. Patawarin siya at isalba ang aming pagsasama, o lumayo at hiwalayan siya. Kailangan kong mamili. Kailangan ko rin ng espasyo. Kailangan kong maging mahinahon kung ayaw kong mabale-wala ang limang-taon naming pagsasama. “Wala ka bang ikukumpisal sa akin?” tanong ko sa kanya. “Hindi ko alam na pari ka na pala para kumpisalan,” pilosopo ang sagot nya. Binuntutan nya ito ng isang naka-iiritang tawa. Naka-tingin siya sa akin na parang nang-iinis pa ang magaganda nyang mga mata. Gwapo si Greg. Isang debonaire. Matikas siyang manumit, at ang aura nya ay yung ibigin talaga ng mga babae. Ito yung una kong nagustuhan sa kanya. Sa narinig ko ay agad akon napika. Alam kong alam nya ang sinasabi ko. Hindi maaring hindi siya aware sa gusto kong ikumpisal nya sa akin. “Uuwi muna ako sa amin sa probinsya,” sabi ko bigla. Ewan ko kung bakit ko ito nasabi. Wala ito sa iniisip ko kanina na sasabihin sa kanya. “Fine,” sabi nya. Na lalong ikina-irita ko. Ang walanghiya, parang natutuwa pa na lumayo ako! “I think we really need a space between us. Masyado ka nang abala sa work mo. Wala ka nang oras para sa akin. I hope, you’ll think about it Ellen. You should be first a wife and a lover to me, bago ang career mo.” “Mabuti naman at nadalaw ka dito sa Vigan,” sabi nang lola ko nang nasa loob na ako ng ancestral house ng mga magulang ng namayapa kong ama. “Hindi lang ito dalaw ‘La’,” sabi ko, “baka magtagal ako ng konti.” Ang iniisip ko ay mga two to three-months lang na separation kay Greg. Iniisip kong baka pag luminaw na sa amin ang lahat, then, pwedeng muli kaming magsimula ng magkasama o pwedeng magsimula kaming muli ng hiwalay na sa isa’t-isa. Malaki ang ancestral house. Malawak ang compound nito. At ang mansion ay yari pa sa sinaunang disenyo ng mga bahay kastila. Bricks ang construction ng mansion. Mataas ang bubong at kisame at dalawang palapag na may azotea sa harapan na nakarap sa dako ng maluwang na driveway. At ang mansion ay isolated pa sa karamihang mga kabahayan na layo-layo. Nag-iisa na si Lola. Ang apat na kapatid ng aking nasirang ama ay nasa ibang bansa na naninrahan. Ang alam ko ay nasa Guam si Tita Lorna at si Tito Candido ay nasa Hawaii. At ang dalawa pang anak ni Lola ay nasa Chicago. May kasama lang si Lola na isang katulong at ang asawa nito na nagsisilbing boy at driver ni lola. Ang kabuhayan nina Papa ay salig sa tabako. May malawak silang plantation ng tabako at may sariling tobacco drying and flue-curing facility sa kalapit bayan ng Narvacan. Nasa azotea ako ng mansion isang hapon na iyon nang mapansin ko ang isang maliit na aso na kulay puti. Kasing puti ito ng bulak. Nakatingin ito sa akin. Sa pagtatama nang aming mga mata parang may nagbulong sa akin. “Skye…” sutsot ko sa aso. Hindi ko alam kung bakit ito ang pangalan na naisip kong itawag sa aso. Agad naman nagkakawag ang buntot nito na parang tuwang-tuwa sa pagtawag ko sa kanya. Mabilis kong hinakbangan ang apat na baitang ng hagdan ng azotea pababa sa lawn. Kay amo ni Skye. At parang matagal na kaming magkakilala. “Ang cute mo naman Skye! At alam mo na agad ang pangalan mo ha?” sabi ko pa habang hinihimas-himas ko ang ulo nito. Dinilaan nya ako sa kamay na ikinapitlag ko. Wala akong naging pet noong kabataan ko. At ang reaksyon ng aso ay ikinagulat ko. Subalit, saglit lang iyon. Muli ko siyang hinimas sa ulo. At parang by instinct ay kinarga ko siya. Dahil maliit lang siya at halos malaki lang sa isang tuta, magaan ko siyang nadala sa azotea kung saan ay nagpapahinga ako. Nang maibaba ko siya sa lapag saka ko napansin ang collar nya. Kakaiba ang collar nya. Para itong mamahaling kwintas na gawa sa mga bato na hindi ko alam kung mahalaga o gawa lamang sa imitasyon na glass beads. Kakatwa, dahil, hindi karaniwang nilalagyan ng palamuting bato ang collar ng isang aso. At sa tingin ko parang mahalaga ang mga batong iyon dahil kumikislap-kislap ang mga ito na parang dyamante sa tama ng sikat ng araw. “Dyan ka lang sandali, Skye ha?” sabi ko sa aso. Ang balak ko ay kumuha sa kusina nang pagkain. Gusto kong maging magka-ibigan kami ng aso. Nagugutom na rin ako at hindi ako nananghalian kanina. Wala akong ganang magkakakain mula nang mapunta ako dito sa mansion ng lola ko. Iniinda ko pa ang nangyari sa amin ni Greg. Dalawang linggo na ako dito sa Vigan pero wala man lang tawag, text o email man lang ang hudas kong asawa. “Ako na po ang magdadala ng tray,” sabi ni Lota, ang kasambahay ni lola. Nasa Narvacan si lola kasama ang driver na asawa ni Lota. Hawak ko ang isang lata ng sardinas na tuna. Ang balak ko ay haluan ng sardinas ang dalawang pirasong loaf bread para sa aking bagong kaibigan. Isang baso at isang pitsel na iced-tea ang nasa tray at ang cookies na gawa mismo ni lola. “Nasaan na si Skye?” naitanong ko, nang makita kong wala na ang aso na iniwan ko sa azotea. “Sino pong Skye?” naka-kunot-noong tanong ni Lota sa akin matapos ilapag ang tray sa lamesa na nasa gitna ng azotea. “Yung puting aso na iniwan ko dito.” Lalong kumunot ang noo ni Lota nang marinig ang sinabi ko. “Aso po? Wala po akong alam na naliligaw na aso dito. Wala pong mga aso dito sa lugar na ito!” Tinitigan ko si Lota. Inaarok ko yung katotohanan sa sinasabi nya. “Pero kinarga ko pa siya paakyat dito sa azotea!” Kakamot-kamot ang ulong nagbalik na sa loob ng kabahayan si Lota. Naiwan akong hindi ko malaman kung ano ang iisipin. Kinabukasan, nang ganoon ding oras nang hapon, muli ay nasa azotea ako. Dala ko ang laptop ko at sinubukan kong ituloy ang sinusulat ko. Binuksan ko yung file ko sa laptop. Pwede ko namang magawa ang trabaho ko kahit nasa Vigan ako. Isa akong writer. Konektado ako sa isang malaking media network. Isa ako sa mga writers ng series sa televison at maging sa YouTube kung saan may YouTube channel ang network. Isa ito sa mga dahilan kung kaya sinasabi ni Greg na parang wala na akong panahon sa kanya. Sa trabaho ko, lagi akong naghahabol sa deadline. Laging naghahanap ng mga ideya, at kailangan kong mag-concentrate sa mga series na araw-araw ay napapanood sa network. Sinisimsim ko na ang iced-tea sa baso at sinisimulan ko na ang bagong episode ng series na nasimulan na namin nang marinig ko ang mahinang pagkahol sa ibaba ng azotea. Kakaiba ang pitlag na nararamdaman ko nang marinig ko ang mahinang kahol. “Skye!” Napatayo ako upang sundan ng tingin ang pinagmumulan ng kahol. At muli ko siyang nakita sa lawn. Naroon siya sa nakalatag na carabao grass sa ibaba ng azotea. Kumakawag-kawag ang mahabang buntot nya at nakataas ang magkabilang tenga. Nagmamadali akong muling bumaba sa hagdan para kunin at kargahin siya papasok. Ngunit nang makalapit ako ay bigla siyang tumakbo. Nang nasa ilang dipa na siya mula sa akin ay huminto siya. Humarap sa akin at kumahol. Parang may sinasabi ang kahol nya. Muli siyang naglakad palayo. Palingon-lingon siya sa dako ko na para bang gusto nya na sumunod ako sa kanya. Wala sa loob ko na sumunod ako sa aso. Nakalabas kami ng bakuran pero sa likod ng mansion kami nagdaan. May kalayuan din ang likurang gate ng mansion. Lumusot si Skye sa gate na bakal. Dahil maliit siya ay nagkasya siya sa awang ng bakal na gate. Walang susi ang gate pero nakatrangka ito mula sa loob. Maingat kong inalis ang pagkakasuksok ng trangka ng gate. Nang lumabas ako at itulak pasara ang gate ay muli kong narinig ang kahol ni Skye. Parang tuwang-tuwa siya na nakasunod ako. Manipis ang damo na nasa daan na nakalatag lamang na graba. Hindi ako madalas sa mansion na ito ni lola. Kaya hindi ko pa kabisado kung ano ang nasa likuran nito. Ni minsan noong nabubuhay pa si Papa at nagbabakasyon kami dito, hindi pa ako nagawi dito. Ang sabi ni Papa noon ay gubat pa raw ito. “Masasabing gubat pa nga ang likurang bahagi ng mansion. Dahil puro puno ang nakapagitan sa daan na halos ay tatlong metro lang ang lapad. At mahahalatang bibihira ang nagdaraan. Nakababa na abg araw. Alas-kwatro na nang hapon sa relo ko na nasa aking kaliwang kamay. Mahigit dalawang daang metro ang nalakad namin ni Skye bago siya huminto sa harap ng isang malaking gate na bakal. Lumingon siya sa akin at tumahol nang tumahol na hindi ko naintindihan ang ibig nyang ipahiwatig. Subalit matapos nya akong kahulan ng sunod-sunod ay bigla siyang pumasok sa awang ng bakal na gate. Sarado ang bakal na gate. Tumigil si Skye nang makapasok sa loob at muli akong nilingon saka tumahol nang tumahol. Para namang may kung anong lakas ang nagtulak sa akin na pindutin ang doorbell. Naka-apat na pindot ako sa doorbell nang makita kong may nagbukas sa malaking bahay na nasa loob ng bakuran. Sa tingin ko mas higit na malaki ito kesa sa mansion ng lola ko dito sa Vigan. Isang matandang babae ang lumapit sa gate. “Ano pong kailangan nila? Agent po ba kayo o kayo mismo ang buyer?” tanong sa akin ng matandang babae. Napakunot-noo ako. “Ano pong ibig nyong sabihin?” “Ipinagbibili itong Villa at buong compound ng amo ko. Buyer ka ba o ahente?” Hindi ko alam kung bakit nagka-interes ako sa sinasabi nya. “Pwede bang makita ang kabuuan ng compound at ng mismong mansion?” tanong ko. “Balik na lang po kayo bukas, baka po kayo gabihin kapag inikot natin ito. Saka si Senyorirto Rey po ang dapat nyong maka-usap. Bukas po ay naririto siya.” “Nasaan yung aso mo?” tanong ko sa matanda nang makita kong wala na ang aso sa may gilid ng gate. “Ano pong aso? Wala pong aso kami at ayaw po ni Senyorito Rey na may kasama kaming aso dito sa compound. Bawal na bawal po ang aso dito.” Nagulumihanan ako. Hindi ako makakarating sa bakurang ito kung hindi dahil sa puting aso na may naka-kwintas sa leeg nito na tila mga mamahaling bato! “Ngunit nakita ko pong pumasok sa siwang ng gate nyo ang isang maliit na puting aso!” “Imposible po ang sinasabi nyo. Wala po talagang aso dito. Galit po ang mga angkan ng may-ari ng villang ito sa mga aso!” “Sige, bukas na lang ako ng umaga babalik. Mga anong oras ba narito ang may-ari ng Villa?” “Mga alas-dyes po ng umaga dumarating dito yun simula ng iposte nya ang notice na ipinagbibili nya ito.” Isinasara ng matandang babae ang pinto ng malaking bahay nang makita ko si Skye sa likuran nito. Lumingon sa akin ang aso. Ikinawag ang buntot at tumakbo papunta sa kabilang bahagi ng bakuran. MAY KASUNOD…

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
31.3K
bc

ARREST ME IN YOUR HEART Mr.Sergeant

read
3.7K
bc

The Ruthless Billionaire. Hanz Andrew Dux

read
80.4K
bc

De Silva's Temptation

read
22.7M
bc

The Cold Billionaire

read
17.9M
bc

Daddy Granpa

read
298.0K
bc

Journey with My Daughter

read
1.2M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook