Pamilya ang Sandigan at pgsisiwalat!

660 Words
"Im sorry Bruce' kung sana noon mo pa narealize ang mga pagkakamali at pagkukulang mo. Habang kausap kita hinahanap ko sa sarili ko ang kahit konting pagmamahal o awa pero wala na, pinagod mo ang puso ko kaya kusa siyang sumuko at ngayon manhid na pagdating sayo!" Bulong kong mag isa ng uamalis na siya! Ayaw kong marinig niya yun dahil wala ng dahilan para malaman niyang sinusubukan kong hanapan ng parte sa puso ko na ibalik ang lahat sa dati! Samantala Kinagabihan kinausap ako ni mama..... "Anak' wala na ba talagang pag asang magkaayos kayo ni Bruce?" Tanung niya habang pinpanood akong nagliligpit ng gamit ko pabalik sa malita. Flight ko na kinabukasan pabalik ng Cebu. "Mahirap na ipilit ang dina pwedi ma, Wala na akong pagtingin sa kanya ni konti! Kong sana noon pa niya naisip ang halaga ko, pero wala eh matapos ang ilang beses kong pagluhod sa harap niya.... Napagod na ang puso ko pati isip ko sumuko na! Grabe ang pinagdaanan ko dahil sa kanya ma! " Paliwanag ko saking ina. " Anak hanggang ngayon di ko pa alam anong mga nangyari sa inyo at sa iyo pagkatapos mong umalis at iwan sakin ang dalawang anak mo ng walang paalam! bakit di mo mam lamg sinasabi na may problema ka pala sa pagsasama niyo." May tampong pagtatanong ni mama. Kahit kasi nagkikita naman kami nong panahong nagsasama kami ni Bruce ay di ako nagsasalita dahil akala ko magbabago pa si Bruce at magiging maayos kami! " Siguro'y panahon na rin para malaman nyo ang lahat ma, kong bakit ako lumayo! " Maikling sagot ko. At ikinuwento ko lahat kay mama ang mga bagay na tinatago ko lang sa kanya ng mga panahong nagsasama pa kami ni Bruce. Kung gaano kahirap na Pagsalitaan ka niya ng masasakit na salita araw-araw! Paglapatan ka ng kamay! Murahin ka sa harap ng kainuman niya. Harap harapan na dinadalhan ng babae sa bahay! Sabi kaibigan lang pero maktyempo nasa likod bahay naglalampungan! Yong sisingilin ka ng libo libong utang ng mga taong dimo kilala at dimo alam saan niya ginamit ang pera! Pag tinanong mo siya sasabihin niya; "Wala kang pakialam' dahil hindi ikaw ang naghhanap buhay! Pinapalamon lang kita!" Ganyan ang isasagot niya. Higit sa lahat ang dahilan kong bakit ako tuluyan ng lumayo ay Pipilitin ka niyang makipagta****k sa kanya kahit pagod na pagod ka sa maghapong trabaho at my maliit na bata ka pang inaalagaan. Lagi pa siyang lasing Pag dika pumayag sa gusto niya pipilitin ka niya at sasaktan! Pati mga bata sinasaktan niya ng walang dahilan! "Lahat ng yan ma, nilihim ko sa inyo dahil ayaw kong pati kayo mamroblema sa sitwasyon ko! at isipin niyo na binigo ko kayo, dahil nangako ako na maging maayos ang buhay ko kasi diba ayaw niyo sana akong mag asawa agad! Pero dahil nabuntis ako napilitan kayong ipakasal ako! " "Patawad anak' diko alam na ganito ang mamgyayari, kong alam ko lang, hinayaan ko nalang sanang naging dalagang ina ka." Turan ni inay habang nakahawak sa aking kamay at umiiyak. " Hayaan niyo na yon ma, kasalanan ko din naman eh, nagtiwala agad ako sa kanya! Pasalamat na din ako kahit ganoon ang nangyari sa amin ma, dahil nagkaroon ako ng dalawang anak at sa ginawa niya natoto akong maging matapang at matatag!" " Anak' anu bang nangyari sayo sa Cebu? Sinung tumulong sayo doon at paano ka napadpad doon?" Tanong ni mama na may kuryusidad Sa mahigit isang taon ko kasi na nawala sa lugar namin, tanging kapatid ko lang na babae ang tinatwagan ko para kamustahin ang mga bata, dahil pag si mama kukulitin lang akong umuwi. Sa kapatid ko na rin ako nagpapadala ng pera para sa mga anak ko. "Sege ma ikukuwento ko sa inyo." Kailangan ko ipagtapat sa kanila ang lahat, dahil sila lang ang pwedi kong maging kakampi. "Sana matanggap nila ng nagawa ko" Saisip ko na nagbuntong hininga na nakatingin sa kanya bago nag umpisng magsalaysay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD