Pagkaakyat namin sa eroplano ay kusa lang tumulo ang aking mga luha kaya nagbuntong hininga ako bago nagpatuloy sa pagsunod kay sir Kaito habang hinahanap niya ang aming upuan.
Pinahiran ko ang aking luha na pumapagilid saking mga mata bago pa ako umupo.
Two setters ang upuan at pinaupo niya ako malapit sa may bintana at siya sa bungad.
"Are you okay?" tanong niya habang nakatingin saking mga mata..
"Hindi ko inaasahang sasama ka sakin ngayon mismo ni diko nga inaasahang magtatrabaho ka sakin. Salamat sa ex husband mo na nasundan ka kaya ka andito ngayon kasama ko! " Nakangiting sabi niya na kinasingkit lalo ng mga mata niya.
Napatawa naman ako ng bahagya!
" Yan, ganyan dapat! wear that smile when I'm arround okay? I don't want girls cry for a stupid man! " dagdag pa niya na kinakilig ko naman.
May nagsalita galing sa loob at sabi magsuot daw ng seatbelt dahil lilipad na ang eroplano. Wala ako sa sarili at diko pinansin yon isa pa first time kong sumakay ng eroplano kaya wala akong alam. Nagulat ako ng biglang hinugot ni sir Kaito ang seatbelt saking tagiliran kaya parang napayakap siya sakin!
Nagkatinginan kami at may kong anung emosyong namagitan saglit na nagpainit ng tenga ko at para yatang namula ang mukha ko.
" I just wear you this!" sabay kabit niya ng seatbelt at amoy na amoy ko ang kanyang pabango!
Sobrang bango na sarap amoyin.
Hindi na ako umimik at hinayaan ko na lamang siya hanggang kinabit niya na rin ang seatbelt niya.
Nakaramdam ako na umaangat na ang eroplano at parang may hangin na umiikot sa tenga ko tamang nilagyan niya ako ng airphone niya kaya wala na akong naramdaman.
Nagmatyag nalang ako sa nangyayari sa paligid dahil first time ko nga wala pa akong alam kayat di nalang din ako kumilos!
Hanggang sa nakita ko si sir Kaito na tinanggal na ang seatbelt niya at tinanong niya ako kong gusto ko ding tanggalin ang sakin. Tumango ako pero ako na rin ang nagtanggal noon.
Lumabas ang anim na cabin crew at may bit bit na lifebest at yung puting parang plastic na tinuturo nila paano daw hingaan at kuhaan ng hangin.
Nanonood lang ako sa demonstration pero wala akong maintindigan dahil ang totoo wala talaga ako sa sarili ko sa mga uras na iyon.
Naglalaro sa isip ko ang pweding mangyari sakin sa Cebu kong saan ako tutuloy, anun maging trabaho ko at kaylan kaya ako ulit makakuwi samin para balikan ang mga anak ko.
Connecting flight ang sinakyan namin dahil wala namang direct Cebu galing Butuan kaya sa Manila kami lalanding bago lilipad ulit papuntang Cebu after an hour.
Nilamig ako dahil ang ginaw sa loob ng eroplano kaya pinagkrus ko ang aking kamay at niyakap ang bag ko
ng makita naman yon ni sir Kaito ay hinubad niya ang suot niyang suit at ipinasuot sakin. Ayaw ko sana kasi siya ang lalamigin pero ipinilit niya kaya tinaggap ko nalang, ginawa ko nalang pang kumot tinakip ko sa harap ko kaya lalong naamoy ko ang pabango niya..
Nakakarelax na amoy na parang nakayakap sa akin.
Nakarating kami ng Maynila bago mag alas 9 at sabi ni sir Kaito ay alas 10 daw ang flight namin papuntang cebu.
Pagkababa namin ng erolpano ay hinintay lang namin ang aming bagahe at nagpatuloy sa departure area papuntang cebu.. Nang maconfirm na ang aming flight ay naghanap si sir Kaito ng makakainan namin.
Di na ako nagreklamo ng niyaya niya akong kumain gutom na rin kasi ako at hindi rin ako uminom ng kape kanina sa eroplano ng nag alok ang cabin crew.
Kumain kami pagkatapos bumalik na kami sa departure area at naghintay nalang ng 10pm hanggang sa ito na naman kami paakyat na ulit kami sa eroplano.
May sweater na ako ngayon dahil binili ako ni sir Kaito kanina sa airport terminal ng binalik ko ang suit niya.
Gaya ng kanina sa isang eroplano ay ganun din dito pero dahil alam ko na ang gagawin ay ako na mismo naglagay ng headphone sa tenga ko sabay nag seatbelt.
Nang matapos ng mag domonstrate ulit ang cabin crew ay tahimik na ulit ang paligid kaya nakaramdam na rin ako ng antok.
Hindi ko namalayang nakatulog pala ako at naramdaman ko nalang na pumaibaba ng upo si sir Kaito ng makita niya siguro na natutumba ang ulo ko kaya ipinang ulon niya ang kanyang balikat!
Ramdam ko yon pero nagkunwari nalang akong tulog na tulog kasi nga sarap naman sa pakiramdam. At kakahiya din pag nalaman niyang nagising naman pala ako!
Napangiti pa nga ako at naramdaman ko din maya maya na lumalim na rin ang kanyang paghinga ibig sabihin nkatulog na rin siya kaya natulog nalang din ulit ako na nakasandig sa kanyang balikat.
Nagising nalang ako sa tila maingay ang mga pasahero at nasa dibdib na banda ni sir Kaito ako nakasandig.
Kayat napatuwid ako ng upo at nagsalita ang cabin crew na mag relax lang daw, ramdam ko kasi na parang dumadaan kami sa mabatong kalsada!
Nagising din si sir Kaito at tininingnan niya ako bago nagsalita ng nakangiti.
"Its okay, natural lang yan pag maulan ang panahon, makapal ang ulap!"
Tumango na lang din ako.
At maya maya ay okay na rin ang lipad ng eroplano!
Hindi na ako nakatulog at ganon din si sir Kaito nakiramdaman nalang kami at walang isa samin ng nagsalita hanggang sa lumapag na ang eroplano sa Mactan Cebu International Airport.
Doon na siya nagsalita ulit, "We're here Bea, Welcome to Cebu!"
Ngumiti nalang din ako sa kanya.
Nang nakababa na kami at nasa arrival na ay nakaramdam ulit ako ng lunggkot pangungulila sa anak ko at napansin siguro yon ni sir Kaito kaya tiningnan niya ako sa mata bago nagsalita.
"Everything will be fine when you are with me so don't worry and don't be sad! Its a start of your new life, okay?"
"Thank you sir", sagot ko at sumunod nalang ako sa kanya hanggang sa nagpara na siya ng taxi at may sinabing lugar sa driver ng taxi at tumango tango naman ang driver.
Nasa byahe kami papunta sa pagkakaalam ko condo niya at tahimik lang din siyang may kinakalikot sa cellphone niya. Magkatabi parin kami sa backseat.
Napabuntong hininga ako habang nakatingin sa dinadaanan namin at wala akong makita kundi puro ilaw at ang dilim ng paligid, nakakaaninag ako ng iilang mga gusali ngunit mabilis ang taxi kayat diko rin mabasa ang mga signage!
"Mga anak para sa inyo to sana maintindihan niyo ang paglayo ni mama, balang araw babalik ako at magkakasama ulit tayo!" bulong ko sa sarili at maya maya nakarating na kami sa aming distinasyon.