Main court area.
Nakaupo si Kecha sa bleachers hinihintay si Jong matapos ang practice. Normal na araw lang dapat ito, pero may narinig siyang usapang hindi niya dapat marinig.
"Pare, seryoso ka? Bet lang 'to dapat, 'di ba?" sigaw ng teammate ni Jong.
"Shh! Huwag maingay!" sagot ng isa. "Baka marinig ni Kecha 'yan."
Natigilan si Kecha sa narinig niya pupuntahan lang niya si Jong at ito ang maririnig niya.
Bet?
About her?
Hindi siya impulsive, pero para siyang sinapak sa dibdib. Itutuloy pa sana niya ang pakikinig, pero dumating si Jong, pawis, pagod, pero nakangiti.
"Kecha," sabi niya, naupo sa tabi niya. "Sorry late ako."
Pero hindi pa rin siya tumingin.
"Jong," mahinang sabi ni Kecha, "May tinatago ka ba sa'kin?"
Napakunot-noo ang lalaki. "Ha? Bakit naman?"
Tumingin siya sa barkada ni Jong. Biglang nagkalat ang mga ito, parang may pinagtatakpan.
"I heard them," she whispered. "May...pustahan ba tungkol sa akin?"
Natahimik ang paligid.
Even Jong froze.
"Wala 'yon," pagsisinungaling ni Jong, halatang kinakabahan. "They're just joking."
But Kecha wasn't stupid.
Hinawakan niya ang bag niya. "Jong...please don't lie to me."
Hindi kaagad nakasagot si Jong.
Hindi niya alam kung paano ipapaliwanag ang bet na sinimulan lang ng barkada—but he didn't start it, he didn't want it, and he regretted everything.
Before he could speak, biglang dumating sina Jia at Chie, papunta sa general assembly hall.
Pagdaan nila nakita niya ang paraan ng pag-tingin ni Jia kay Chie parang may tinatagong malaki.
Napakunot ang noo ni Jong.
"Why do they look...weird?"
"Hindi mo ba alam?" tanong ng isa sa barkada.
"Secret couple 'yan, bro as in ENGAGED—"
Before the guy could finish, binatukan siya ng kaibigan.
"SHUT UP! Huwag ka maingay!"
Pero huli na.
Napalunok si Jong.
And Kecha?
Mas lalong sumama ang loob.
Bakit kaya ang daming lihim ngayong araw?
"Jong... mayusin mo 'ko kapag handa ka na," sabi niya, sabay tayo.
Open Court, si Kecha tahimik na nakaupo sa bleachers, pinapanood ang araw na unti-unting tumatama sa cemented court. Si Jong, ang boyfriend niya kasalukuyang nagpa-practice sa kabilang side with his teammates.
Sa isip ni Kecha, normal lang ang araw pero hindi pala. Nang matapos ang drill nilapitan ni Jong ang team huddle. Hindi naman sana siya makikinig pero malakas ang boses ng isa.
"Guys, bet is bet...hindi pwedeng umatras si Jong," tawa ng isa.
"Yeah," dagdag ng isa. "Dapat mapasagot niya si Kecha by end of sem."
Napako ang tingin niya sa kanila.
Parang natalo siya sa lakas ng hangin.
Bet?
Siya?
She blinked hard.
Hindi puwedeng siya ang tinutukoy nila mali lang siguro ng dinig pero mas lumakas ang boses ng isang player.
"Pero bro, hindi ka ba napapa-attach? Akala ko trip mo lang si Kecha because of the dare?"
And that was the last straw.
Para siyang linunod ng sinabi ng kasama ni Jong
hindi niya narinig ang sumunod na sinasabi.
Kundi isang bagay lang,
He approached her because of a bet?
Napakapit siya sa gilid ng bench, sinusubukang huminga.
Hindi niya alam kung paano tatanggapin 'yon.
Hindi siya umiiyak, pero nanginginig ang kamay niya at doon pa lang dumating si Jong.
"Kech?" nakangiti. "Let's go—"
Ngumiti siya, pero walang emosyon.
"Jong... may tanong ako."
Nag-iba ang mukha ni Jong laging kabado siya kapag ganito ang boses ni Kecha.
"May narinig ako."
Tumingin siya sa team ni Jong biglang nagkalat ang lahat. "Tungkol sa... bet."
Natahimik ang paligid.
Parang may kumurot sa puso ni Jong.
"K–Kech, hindi 'yon—"
"Don't lie." She looked him straight in the eyes.
"For once, don't lie to me."
Hindi makatingin si Jong.
For a long moment, wala siyang masabi. At minsan, ang katahimikan ang pinakamabigat na sagot.
Napatayo si Kecha hindi siya umiyak pero parang naubos ang lakas niya.
"You know what hurts?" bulong niya.
"I really liked you, I trusted you..but a bet...?"
Hinabol siya ni Jong, pero umatras si Kecha.
"Fix yourself," she whispered. "Fix your truth, Jong then talk to me."
Nang lumayo si Kecha, nakikita niya sina Jia at Chie papunta sa kabilang hall.
At doon niya nakita hindi sila MU, hindi sila fling.
They were...together.
Magkalapit.
May tensyon.
May lihim.
Kung gaano karami ang tinatago nila? Walang idea ang mundo.
Napahawak sa dibdib si Kecha.
"Everyone's lying today..." bulong niya.
At hindi niya alam ito ang mismong araw na magpapaikot sa kapalaran nila.
Pero ngayon?
Wala pa siyang ideya sa sakit na paparating.
Hindi agad umuwi si Kecha.
Naglakad siya nang walang direksyon sa campus, hawak ang bag na parang 'yon na lang ang nagbibigay sa kanya ng bigat para manatiling nakatayo. Ang bawat yabag mabigat, parang bawat hakbang paglayo kay Jong kahit ilang metro lang ang pagitan nila.
Sa likod niya, hinabol siya ni Jong.
"Kech, please," tawag niya. "Let me explain."
Huminto si Kecha, pero hindi humarap.
"Explain what?" tanong niya, kalmado pero masakit. "Na nagustuhan mo ako dahil may pustahan?"
"Hindi gano'n," sagot ni Jong, halos pabulong. "It started as a joke a stupid one but I didn't expect to fall for you."
Lumingon si Kecha.
"Fall?" ngumiti siya, pero may lungkot. "Kung totoong nahulog ka, bakit mo hinayaang umabot sa ganito?"
Hindi makasagot si Jong.
Dahil ang totoo—natakot siya.
Sa barkada.
Sa expectations.
Sa sarili niya.
"Jong," sabi ni Kecha, mas mahina na. "Alam mo ba kung bakit masakit?"
Umiling ang lalaki.
"Dahil hindi ko alam kung alin ang totoo—ikaw, o 'yong pustahan."
Nanatiling nakatayo si Jong parang binuhusan ng malamig na tubig at habang papalayo si Kecha, doon niya naramdaman ang unang bitak sa dibdib niya—isang bitak na hindi na maaayos ng simpleng sorry.
Sa isang bench malapit sa parking lot, naupo si Kecha. Doon siya tuluyang napaiyak—hindi hysterical, kundi tahimik, ubos.
Lumapit si Jia sa kanya dala ang bottled water.
"Kech," mahinang sabi nito. "Okay ka lang?"
Umiling si Kecha. "Hindi."
Umupo si Jia sa tabi niya hindi siya nagsalita agad. Hindi rin niya binanggit ang sarili niyang problema pareho silang may dinadalang bigat.
"Alam mo," sabi ni Kecha matapos ang ilang sandali, "Ang daming lihim ngayon parang lahat may tinatago."
Napangiti si Jia—isang ngiting may kasamang guilt. "Siguro ganon talaga kapag college."
At habang papalubog ang araw, parehong babae ang tahimik na nag-isip:
Hanggang saan dadalhin ng mga kasinungalingan na 'to ang buhay nila?
Hindi agad umalis si Kecha sa campus kahit madilim na ang langit. Sa totoo lang, wala siyang gustong puntahan. Ang gusto lang niya huminga. Pero kahit 'yon, parang hirap siyang gawin.
Nakaupo siya sa bench malapit sa lagoon, yakap ang bag sa dibdib tahimik ang paligid, pero sa isip niya paulit-ulit ang boses ng barkada ni Jong.
Mas masakit 'yong—nadismaya siya.
Sa loob-loob niya, hindi naman siya perpekto. Hindi rin siya demanding na girlfriend hindi siya humihingi ng engrandeng effort.
Ang gusto lang niya—katotohanan at 'yon ang hindi niya nakuha.
Lumapit si Jong dahan-dahan parang takot na tuluyang itaboy.
"Kech..." mahinang tawag niya. "Please, huwag kang umalis nang ganito."
Hindi siya tumingin agad kay Jong.
"Alam mo kung bakit ako nasaktan?" tanong niya.
"Hindi dahil sa pustahan kundi dahil hinayaan mong umabot doon."
Napaupo si Jong sa kabilang dulo ng bench.
Pagod at bqgsak ang balikat.
"I didn't want it to start that way," amin niya. "Pero nung nakilala kita...nagbago."
"Pero hindi mo sinabi," sagot ni Kecha. "You let me believe na pure lahat."
Tahimik silang dalawa ang pagitan nila hindi na lang bench—kundi pride, takot, at kahinaan.
"May tiwala pa ba?" tanong ni Jong sa kanya—halos pabulong.
Hindi agad sumagot si Kecha tumingin siya sa tubig ng lagoon, at sa repleksyon ng ilaw.
"Hindi ko alam," sagot niya sa wakas. "At ayokong magpanggap na okay ako kung hindi."
Tumayo siya.
"At ayokong mahalin ka kung hindi ko alam kung kailan ka totoo."
Umalis siya nang hindi lumilingon sa kanya.
Hindi alam ni Jong na habang papalayo si Kecha, may isa pang lihim na unti-unting nabubuo sa katawan ng babaeng mahal niya—isang lihim na hindi niya malalaman hanggang sa huli na.
Sa gabing iyon, mag-isa si Jong sa kwarto. Nakatitig sa kisame, iniisip kung paano nagsimula ang lahat sa isang biro at kung paanong ang biro naging sugat.
At sa kabilang banda ng lungsod, si Kecha umiiyak nang tahimik iniisip kung minsan ba ang pagmamahal hindi sapat kapag ang simula sa mali.
Hindi pa ito ang wakas ng kanila pero ito ang unang bitak ng kanilang relasyon.