Bago pa man maging komplikado ang lahat may isang sugat na matagal nang nagdurugo.
Si Kecha nakaupo sa kama hawak ang test kit na nanginginig sa kanyang palad.
Dalawang guhit.
Malinaw.
Walang pag-aalinlangan.
Buntis siya.
At ang ama—ang lalaking hindi niya kayang lapitan ngayon.
Si Jong Yu.
Sa isip niya, paulit-ulit ang mga salitang narinig niya noon.
Pustahan lang 'yan.
Trip lang.
Hindi niya alam kung alin ang mas masakit ang kasinungalingan o ang katahimikan.
May pagkakataon siyang sabihin.
Isang beses, dalawang beses.
Pero sa tuwing tinitignan niya si Jong mas pinipili niyang ngumiti kaysa umiyak. Mas pinipili niyang manahimik kaysa masaktan muli at kaya nang dumating ang araw ng kanilang hiwalayan,
bitbit ni Kecha ang lihim na mas mabigat pa sa puso niya.
Lumipas ang mga taon.
Sa 2008, babalik si Kecha sa Pilipinas—
kasama ang mga kaibigan,
kasama ang alaala na kasama ang bagong mundo niya.
At sa parehong taon, sa parehong lungsod,
may isang babaeng papasok sa eksena nilang dalawa at magiging tulay ng muling pagtatagpo ng mga sugat na akala nila na matagal nang magaling.
Ang kaibigan na si Jia ang nakakaalam lang ng tungkol sa mundo niya si Chie ang isa sa kaibigan niya at fiance ni Jia.
Hindi pa handa ang katawan niya.
Hindi pa handa ang puso niya.
Bumalik sa isip niya ang mukha ni Jong—ang tawa, ang yakap, ang pangakong hindi natupad.
Gusto niyang tumakbo papunta sa kanya.
Gusto niyang isigaw ang katotohanan.
Pero paano mo sasabihin sa isang lalaking akala mo minahal ka dahil sa pustahan na may dala kang buhay na bunga ng pagmamahal na 'yon?
Kaya pinili niyang manahimik.
Taon ang lumipas.
Lumaki ang bata.
Lumalim ang sugat.
At ngayong 2008, habang papalapit ang pagbabalik niya sa Pilipinas nararamdaman ni Kecha ang kaba—dahil alam niyang iisang lungsod na naman ang gagalawan nila ni Jong.
Hindi pa sila nagkikita, pero ang mga desisyong ginawa nila noon papalapit na sa isa't isa.
-
2004.
Nasa labas ng dorm si Kecha, nanginginig ang kamay habang hawak ang pregnancy test.
Dalawang guhit.
Lumapit si Jong sa kanya nakangiti pa.
"May sasabihin ako," sabi nito. "Tungkol sa—"
"May pustahan ba?" biglang tanong ni Kecha.
Natigilan si Jong. "Ha?"
"May pustahan ba kayo?" ulit niya. "Na liligawan mo ako?"
Tumahimik ang lalaki at doon gumuho ang mundo ni Kecha.
"Answer me," pakiusap niya.
Pero huli na.
-
2008
Nagkita ang barkada sa isang maliit na inuman. Nandoon si Jia, Chie, Vhenno—lahat ng taong konektado sa sugat niya.
Lumapit si Jong kay Kecha.
"Can we talk?"
Tumango siya, pero handa na ang puso niyang masaktan ulit.
"Hindi ko alam noon," sabi ni Jong. "Hindi ko alam na may narinig ka."
"Pero alam mo ngayon," sagot ni Kecha. "At huli na."
Tahimik si Jong at may gusto siyang itanong.
Gusto niyang bumawi.
Pero may mga tanong na hindi na pwedeng itanong dahil may mga sagot na sisira ng mas maraming buhay.
Hindi pa rin umaamin si Kecha.
Kahit araw-araw na silang nagkikita ni Jong.
Kahit sa bawat tingin nito, may tanong.
Isang gabi, sabay silang naglakad pauwi.
"May problema ba?" tanong ni Jong nang casual. "Parang ang layo mo."
Napahinto si Kecha.
Isang salita lang—oo—at guguho ang lahat.
"Pagod lang," sagot niya.
Hindi na nagtanong si Jong.
At 'yon ang mas masakit na kaya pala niyang tanggapin ang kalahating katotohanan.
Sa apartment, napaupo si Kecha sa kama, hawak ang cellphone niya kung saan wallpaper niya ang—mundo niya.
"Konti lang," bulong niya. "Konting panahon pa."
Hindi niya alam kung sino ang pinoprotektahan niya—si Jong, ang anak nila, o ang sarili niya.
Samantala, may naririnig si Jong sa barkada.
Bulungan.
Mga piraso ng kwento.
May kutob siya.
Pero pinipili niyang huwag sundan.
Dahil minsan, ang hindi pagtatanong paraan ng pag-iwas sa sakit.
Magkatabi silang nakaupo ni Jong sa bench sa labas ng dorm.
Tahimik ang paligid, malamig ang hangin.
"Kanina ka pa tahimik," bungad ni Jong, hindi mapilit. "May gusto ka bang sabihin?"
Umiling si Kecha, pero hindi siya makatingin sa lalaki.
"Kung may itanong ka," sagot niya, "handa ka bang marinig ang sagot?"
Napangiti si Jong, bahagya.
"Kung ganyan kabigat, siguro."
Huminga nang malalim si Kecha.
"May mga bagay na hindi ko sinabi noon," simula niya, nanginginig ang boses. "Hindi dahil gusto kong magsinungaling, kundi dahil natakot ako sa magiging tingin mo sa'kin."
Tumingin si Jong sa kanya.
"Hindi ako naniniwalang may isang sagot na sisira sa lahat."
Napapikit si Kecha.
"Meron," sagot niya. "At 'yon ang kinatatakutan ko."
Matagal na katahimikan.
"Hindi ko ipipilit," sabi ni Jong sa huli. "Pero sana alam mo—kahit ano pa 'yon, hindi ka nag-iisa."
Napaluha si Kecha at sa unang pagkakataon, naramdaman niyang mas masakit ang hindi umamin kaysa ang katotohanan.
Umulan nang gabing 'yon nasa loob ng kwarto si Kecha yakap ang tuhod habang paulit-ulit na iniisip ang sinabi ni Jong kanina.
"Hindi ka nag-iisa."
Kinabukasan, nagkita silang muli nang hindi sinasadya pero parang hinila ng tadhana.
"Kecha," tawag ni Jong, humabol sa kanya sa hallway. "Pwede ba kitang makasama kumain?"
Nag-alinlangan siya, pero tumango rin.
Sa karinderya, nakatingin lang siya sa plato niya.
"May mali ba sa'kin?" tanong ni Jong nang diretso pero hindi agresibo. "O may mali sa atin?"
Napatingin si Kecha sa kanya.
"May mali sa timing," sagot niya. "At may mali sa mga hindi ko nasabi."
Sumandal si Jong sa upuan.
"Kung may takot ka," sabi niya, "sabihin mo lang hindi kita pipilitin."
Napangiti si Kecha kay Jong nanginginig.
"Mas madali kasing manahimik," sagot niya. "Kaysa ipaliwanag kung bakit ako natakot magmahal nang buo."
Tahimik silang dalawa.
"Hindi pa huli," sabi ni Jong sa huli.
"Hindi pa," sagot ni Kecha.
Pero sa isip niya, alam niyang may oras na hinahabol siya.
Tahimik ang kwarto ni Kecha. Nakaupo siya sa gilid ng kama hawak ang cellphone, paulit-ulit na tinititigan ang pangalan ni Jong sa screen.
Nag-ring ang phone.
"Nasaan ka?" tanong ni Jong, halatang pinipigilan ang emosyon.
"Sa dorm," sagot ni Kecha. "Pagod ako."
"Pagod ka na ba sa akin?" tanong niya nang diretso.
Napapikit si Kecha.
"Pagod na akong hindi magsabi ng totoo," sagot niya.
Tahimik ang linya.
"May itinatago ka ba?" tanong ni Jong, mabagal pero mabigat.
"May bagay ba akong hindi alam na dapat kong malaman bago tayo tuluyang masira?"
Napakagat-labi si Kecha.
"Kung sabihin ko," sagot niya, nanginginig ang boses, "may babalikan pa ba tayo?"
Hindi agad sumagot si Jong.
"Hindi ko alam," amin niya. "Pero mas ayokong magpatuloy nang may kasinungalingan."
Mahabang katahimikan.
"Hindi pa ngayon," sabi ni Kecha sa huli.
"Pero papalapit na," sagot ni Jong.
Napatay ang tawag.
At sa unang pagkakataon, pareho nilang naramdaman na ang relasyon nila nakatayo na lang sa pagitan ng huwag muna at hindi na kaya.
Nasa rooftop si Kecha, yakap ang sarili dumating si Jia, may dalang bottled water.
"Hindi ka natulog," sabi ni Jia.
"Hindi ako mapakali," sagot ni Kecha.
Umupo si Jia sa tabi niya.
"Si Jong?"
Tumango si Kecha.
"Pakiramdam ko... alam na niya na may mali."
"May balak ka bang sabihin?" tanong ni Jia, maingat.
Napailing si Kecha.
"Hindi ko pa kaya, kapag sinabi ko, baka tuluyan na siyang mawala."
"Kapag hindi mo sinabi," sagot ni Jia, "baka mawala rin siya."
Napapikit si Kecha.
"Takot akong maging masamang tao sa kwento niya."
Tumahimik si Jia.
"Hindi ka masama," sabi niya sa huli. "Nasaktan ka lang."
Nakatitig si Jong sa kisame paulit-ulit sa isip niya ang boses ni Kecha.
Hindi pa ngayon.
"Kailan?" bulong niya sa sarili.
Hinawakan niya ang phone, nag-type ng mensahe—binura.
Nag-type ulit—binura.
"Kung ano man 'yon," sabi niya sa dilim, "sana sinabi mo bago ako tuluyang mawalan ng lakas."
Hindi niya alam na ilang metro lang ang layo, umiiyak si Kecha dahil sa parehong takot.