Chapter 4 - Fractured Promises

2295 Words
2004 – Flashback, before the fall Nagkita sina Kecha at Jong sa rooftop ng dorm isang lugar na dati'y puno ng tawa ngayon puno ng tanong. "Bakit ka umiiyak?" tanong ni Jong, hawak ang braso ni Kecha. "Because I heard something," sagot niya pilit pinapatatag ang sarili. "About a bet." Napakunot ang noo ni Jong. "Bet? Kecha, anong sinasabi mo?" "Don't lie," biglang tumaas ang boses niya. "Narinig ko kayo ng barkada mo." Huminga nang malalim si Jong. "It was stupid, a joke hindi ko in-expect na—" "Na mahuhulog ako?" putol ni Kecha. "Na mamahalin kita?" Tahimik si Jong hindi dahil wala siyang sagot kundi dahil hindi niya alam paano aayusin ang nasira. "Kung mahal mo ako," nangingiyak na tanong ni Kecha, "sabihin mo, ngayon." Lumapit si Jong pero umatras si Kecha. "I can't," mahina niyang sabi. "Because I don't know kung alin ang totoo ikaw, o 'yong pustahan." At doon, unang beses silang nagkaharap na parang estranghero. Hindi pa hiwalay pero may lamat na sa magandang relasyon nilang dalawa. Hindi agad umuwi si Kecha matapos ang confrontation. Umupo siya sa maliit na park malapit sa dorm, hawak ang tiyan—hindi pa halata, pero ramdam na ramdam. Sa kabilang dulo, hinabol siya ni Jong. "Kecha," tawag niya na may hingal. "Please, talk to me." "Anong sasabihin ko?" tanong niya nang walang tingin. "Na okay lang na naging pustahan ako?" Umupo si Jong sa tabi niya. "It was never about the bet, ikaw 'yong minahal ko." Napangiti si Kecha pero malungkot siya. "Then why do I feel like I was something you won?" Tumahimik si Jong hindi dahil hindi siya nagmahal kundi dahil hindi niya alam paano ipapaliwanag ang mga desisyong ginawa niya nang hindi iniisip ang epekto. Tinanong rin siya ni Kecha kung siya lang ba o may iba pa siyang minahal na babae? "Kung may problema ka," mahina niyang sabi, "sabihin mo sa'kin, don't shut me out." Gusto niyang sabihin. Gusto niyang aminin. Pero natakot siya. "How do I say something," bulong ni Kecha, "that might make you leave?" Humawak si Jong sa kamay niya. "I'm here." Pero sa loob-loob ni Kecha, "Hanggang kailan?" Umalis siya nang walang sagot hindi pa sila hiwalay pero may lihim na tumitibok sa pagitan nila at hindi 'yon pagmamahal lang. Lumipas ang mga araw na hindi sila nag-uusap nang maayos. Magkasama pa rin sina Kecha at Jong, pero parang may pader sa pagitan nila. Mga salitang hindi masabi, mga tanong na hindi masagot. Isang gabi, nasa dorm si Jong, paulit-ulit binabasa ang text na hindi niya maipadala. "If I hurt you, tell me how." Samantala, nasa banyo si Kecha hawak ang test—positibo. Napaupo siya sa sahig. "Hindi pa," bulong niya. "Hindi pa ngayon." Kinabukasan, nagkita silang dalawa sa cafeteria. "May sasabihin ka ba?" tanong ni Jong gusto niyang hawakan ang kamay nito pero hindi niya magawa. Umiling si Kecha sa kanya nang walang sigla. "Pagod lang ako." Hinawakan niya ang tray niya para walang mahulog sa dala niya. "Don't worry about me." Pero nag-alala lalo si Jong kilala niya ang girlfriend niya. "Hindi kita maintindihan," sabi niya. "At natatakot ako na baka hindi na kita kilala." Napatingin si Kecha sa kanya halos umamin pero umatras. "Minsan," sagot niya, "kahit mahal mo ang tao kailangan mo munang ayusin ang sarili natin." Hindi nila kayang bumitaw sa relasyon na may lamat na pero may lihim nang namamagitan at 'yon ang unti-unting sumisira sa tiwala. Naging mas tahimik si Kecha napapansin 'yon ni Jon sa paraan ng pag-iwas ng tingin nito sa biglang pagkawala ng gana, sa mga sagot na laging "okay lang." Isang gabi, hinatid ni Jong si Kecha pauwi sa bahay nito. "May tinatago ka," diretsong sabi niya habang nasa loob sila ng sasakyan. Napakapit si Kecha sa seatbelt. "Lahat naman tayo merong tinatago katulad ng sa'yo." "Hindi ganito," sagot ni Jong. "Hindi 'yong parang anytime pwede kang mawala." Huminto ang sasakyan sa gilid ng kalsada. "Sabihin mo lang," pakiusap niya. "Kahit masakit." Tumingin si Kecha sa kanya—mata sa mata—at doon niya muntik masabi ang lahat. ang tungkol sa batang nasa sinapupunan niya ngayon. Pero umatras siya. "Hindi pa," mahina niyang sagot. "Please." Napabuntong-hininga lang si Jong sa sinabi ni Kecha. "Hindi ko alam kung hanggang kailan ako maghihintay." Sa gabing 'yon, mag-isa si Kecha sa kwarto hawak ang lumang picture nila ni Jong mas bata, mas simple, mas walang takot pa sa anumang problema na darating sa kanilang relasyon na akala niya hindi mangyayari. "Patawad," bulong niya sa sarili at sa batang hindi pa niya kayang ipagtapat. Samantala, nakatitig si Jong sa kisame iniisip kung anong klaseng pagkukulang ang hindi niya nakikita. Hindi pa sila nag-hiwalay pero pareho na silang sugatan. Unti-unting napapansin ng mga kaibigan nila ang pagbabago. Tahimik si Kecha mas madalas mapag-isa. Si Jong, mas tahimik na rin hindi na nagtatanong pero mas nag-oobserba. Isang hapon, sabay silang naglakad pauwi. "Miss mo ba 'ko?" biglang tanong ni Jong. Napahinto si Kecha at tinignan niya ito hindi kaagad siya nakasagot. "Syempre." "Hindi ko ramdam," sagot niya ng diretso sa kanya. "Parang may parte ng buhay mo na hindi na ako kasali." Humigpit ang hawak ni Kecha sa strap ng bag niya. "Hindi lahat ng mahal mo kaya mong isama agad." "Bakit?" tanong ni Jong. "Hindi ba ako sapat?" Napailing siya at huminga na lang siya ng malalim. "Hindi 'to tungkol sa'yo." Tumahimik si Jong. "Lagi namang ganun ang sagot." Sa kwarto ni Kecha muling bumalik ang takot ang responsibilidad na biglang dumating sa buhay niya na hindi inaasahan takot rin siya na hindi ito kayang panagutan ni Jong kung aaminin niya. "Konti pa," bulong niya sa sarili. "Kailangan ko lang ng tamang oras." Samantala sa kabilang dorm naka-titig si Jong sa lumang picture nilang dalawa. Kung may kasalanan man ako, ano 'yon? At bakit hindi mo masabi? Mas naging madalas ang hindi pagkaka-intindihan nina Kecha at Jong hindi sila nag-sisigawan, kundi sa mga titig na umiilag. Isang gabi nasa bahay sila ni Jong. "May tanong ako," biglang sabi ni Jong. "At ayokong takasan mo." Umupo si Kecha na hawak ang mug nanggaling siya sa kusina nasa market ang ina ni Jong na isang tindera doon. "Ano?" "Kung may mangyari sa akin," tanong ni Jong, "may mawawala ba sa'yo?" Napasinghap si Kecha sa sinabi ni Jong kilala niya ang pamilyang pinanggalingan nito hindi man halata pero parte ng isang underground world ang pamilya nito sa father's side. "Bakit ganyan ang tanong mo?" "Dahil pakiramdam ko," sagot niya, "hindi na ako parte ng buong buhay mo." Napayuko si Kecha sa sinabi nito sa kanya, "Hindi mo alam kung gaano kita mahal sa nalaman kong pustahan nyo ng barkada mo hindi ko na alam ang nararamdaman ko." "Then tell me," pakiusap ni Jong. "Tell me everything." Sandaling katahimikan huminga nang malalim si Kecha at umatras. "Hindi ko pa kaya." Napapikit si Jong hindi siya lumapit dahil ayaw niya na mas lumayo sa kanya si Kecha. "Hanggang kailan?" Hindi sumagot si Kecha at doon nagsimulang mabuo ang lamat. Sa loob ng banyo napahawak siya sa tiyan niya nang makaramdam ng pagka-ihi. "Konti na lang," bulong niya. "Konti na lang, aamin din ako." Mas naging tahimik si Jong hindi siya galit—kundi nag-aalala hindi niya kayang makipag-hiwalay kay Kecha mahal na mahal niya ito. Napansin 'yon ni Kecha. "May problema ba?" tanong niya habang naglalakad sila pauwi. "Wala," sagot ni Jong. "Tinatry ko lang intindihin ang meron sa atin ngayon." "Intindihin ano?" "Ang lahat, Kech kasalanan ko ito inaamin ko ang mali ko lang kahit mahal na kita sa simula pa lang pinatulan ko pa rin ang bet ng barkada ko." sagot ni Jong. "Kasalanan mo rin talaga at nang barkada nagpa-uto ka sa kanila, Jong matalino ka pero naging bobo ka naman pagdating sa kanila," Baling na tingin ni Kecha sa kanya. Sinabi ni Kecha na dapat walang sikretong nililihim sa isa't-isa pero ngayon iba na, "May lamat na at unti-unti nang may magbabago." "Then why do I feel like a secret?" tanong ni Jong nang diretso ang tingin. Napayuko si Kecha. "May mga bagay lang nagbago," Napailing si Jong sa kanya may sila na parang wala na. Sa bahay mag-isa si Jong sa sala hawak ang phone niya. May draft message siya para kay Kecha pero binura rin niya may gusto siyang itanong hindi niya naitanong. Sa kabilang banda naman nakahiga si Kecha hawak ang tiyan niya hindi pa kalakihan ang umbok kaya hindi halata. "Pasensya na," bulong niya. "Hindi pa ako handa na sirain ang mundo mo." Hatinggabi nang bumalik si Jong sa bahay ni Kecha nakita niya pa ito sa sala na gising pa. "Akala ko matutulog ka na," sabi niya. "Hindi pa," sagot ni Kecha. "Kailangan kitang kausapin." Umupo sila sa tapat ng isa't isa. "May tinatago ka," diretsong sabi ni Jong. "At pagod na akong magpanggap na wala." Huminga nang malalim si Kecha. "Kung may aamin ako sa'yo...magbabago ba ang tingin mo sa akin?" "Hindi kita minahal dahil perpekto ka," sagot niya. "Minahal kita dahil ikaw ka, Kech tandaan mo 'yan kung ano man ang hindi mo sinasabi maghihintay ako kung kailan mo sasabihin." Nanginginig ang kamay ni Kecha tumingin pa siya kay Jong. "Hindi ko kayang sabihin ngayon." Tumayo si Jong pero hindi galit—frustrated. "Hindi ko alam kung hanggang kailan ako pwedeng maghintay," sabi niya. "Pero alam kong ayokong umalis sa piling mo." Lumapit siya hinawakan ang kamay ni Kecha. "Kapag handa ka na," dugtong niya, "nandito lang ako. Pero sana... bago pa huli ang lahat." Naiwang mag-isa si Kecha napaupo siya sa sahig. "Konti na lang," bulong niya. "Pangako." Kinabukasan, mas normal ang kilos ni Jong sa tuwing kasama niya si Kecha pinili niyang lumayo sa mga barkada niya. "Good morning," sabi niya kay Kecha parang walang nangyari. "Good mor—" sagot niya pero hindi niya tinuloy ang pagbati umiwas siya nang tingin. Habang kumakain silang dalawa may pader na bumubuo sa pagitan nila. "May lakad ka ba mamaya?" tanong ni Jong. "Wala," sagot ni Kecha. "Bakit?" "Gusto lang kitang ihatid," sabi niya. "Katulad ng dati." Napangiti si Kecha pero may kirot tumango na lang siya. "Alam mo," bigla niyang sabi, "hindi kita kayang makitang lumalayo ka na paunti-unti para akong nauupos na kandila. Napatingin si Kecha sa bintana. "Hindi ko alam kung gaano pa ako katagal sa relasyon na may lamat na." "Hangga't kaya," sagot ni Jong. "Pero sana...huwag mong ipagkait ang katotohanan hindi kita kayang bitawan." Sa pagbaba ni Kecha hindi siya agad umalis. "Tiwala ka pa ba sa akin?" tanong niya. Tumango si Jong sa kanya parehas na may mali pero ang isa gumawa ng dahilan para magkaroon ng lamat ang kanilang relasyon. Nagkita sila ulit ng hindi planado, pero hindi rin iniiwasan. Sa library, nagulat si Kecha nang makita si Jong sa kabilang aisle. "Oh," sabi niya. "Akala ko may class ka." "Cancelled," sagot ni Jong. "Pwede ba tayong mag-usap?" Umupo sila sa sulok parehong tense. "May mali," simula ni Jong. "Ramdam ko pero hindi ko alam kung saan nagsimula." Napayuko si Kecha. "Hindi lahat ng mali...kayang ayusin agad." "Pero pwede bang sabihin mo sa akin kung ano?" giit pa rin niya. "Ayaw kong hulaan ka." Napapikit si Kecha. "Kung alam mo lang..." "Ano?" tanong ni Jong sa kanya halos pabulong. Hindi niya kayang sabihin kaagad kay Jong tumayo siya bigla. "Hindi pa, hindi pa ako handa." Hinabol siya ni Jong palabas. "Kecha, hindi kita ipagpapalit sa iba." Huminto siya nakatalikod lang at hindi siya humaharap. "Pero pakiramdam ko...kapag sinabi ko na, baka ikaw ang unang umalis." "At kung manatili ako?" sagot ni Jong. Hindi siya sumagot lumakad siya palayo—bitbit ang lihim. Si Jong ay nakaupo sa gilid ng kama hawak ang relo na minsang regalo ni Kecha. Hindi niya ito sinuot ngayon parang ayaw ito mawala sa kahit saang parte ng bahay o lugar kaya tinago na lang niya. "Sabihin mo lang," bulong niya sa alaala nito. "Kahit masakit." Ramdam ni Jong na gusto siyang hiwalayin ni Kecha kahit tama itong mangyari sa lamat na ginawa niya. Tumayo siya at humarap sa salamin. "May kulang ba sa akin?" tanong niya sa sarili. "O may hindi lang talaga ako alam?" Tinawagan niya si Kecha isang ring, dalawang ring—walang sagot. "Hindi kita minamadali," sabi niya sa voicemail. "Gusto ko lang malaman kung saan ako lulugar." Napaupo siya sa sahig nakasandal sa pader. Sinabunutan na lang niya ang sarili niya gusto pa niya maayos ang relasyon nila ni Kecha. "Kung may kasalanan ako," patuloy niya, "sabihin mo, kaya kong akuin." Sa isip niya, binalikan niya ang mga araw na masaya sila simple, tahimik, at totoo pa. "Hindi kita mahal para lang sukuan ka," mahina niyang sabi. "Pero hindi rin kita pwedeng pilitin." Tumayo siya pinunasan ang mukha, at ngumiti nang pilit. "Kapag handa ka na," bulong niya, "nandito lang ako." Nasa banyo si Jong nakasandal sa lababo naka-titig sa sarili niyang repleksyon. Kita ang pagod sa mga mata niya hindi dahil kulang sa tulog, kundi dahil kulang sa sagot. "Sabihin mo lang," mariin niyang bulong. "Hindi ako manghuhula." Hinampas niya ang lababo—isang beses lang. Tahimik pero may diin. "Ang unfair," sabi niya. "Na mahal kita nang buo pero bakit feeling ko may dapat akong malaman." Tinakpan niya ang mukha niya. "Kung may mali akong nagawa," patuloy niya, "sabihin mo huwag mo akong iwan sa ere." Naupo siya sa sahig nakasandal siya sa pinto. "Hindi kita minamadali," nanginginig niyang sabi. "Pero parang ako lang ang naghihintay." Binalikan niya sa isip ang huling pag-uusap nila—ang iwas sa mata, ang pilit na ngiti. "May tinatago ka," bulong niya. "At natatakot akong malaman kung ano." Tumayo siya huminga na lang siya nang malalim. "Pero kahit ano pa 'yan," sabi niya, "mahal pa rin kita."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD