Chapter 5 - Shattered First Love

1850 Words
"Ang tanong, mahal mo pa ba ako?" mahina niyang dagdag. Alam niya ang pagkakamali niya sa bet pero kahit anong mangyari tatanggapin ko ang lahat kahit masakit. Sa hallway narinig ni Jong ang pangalan niya hindi sinasadya pero malinaw. "Uy, si Jong 'yon 'di ba?" "Siya 'yong natalo sa pustahan." Huminto siya. "Akala ko joke lang 'yon," sagot ng isa. "Pero umabot pala kay Kecha." Nanlamig ang katawan ni Jong nalaman ng ibang schoolmates niya ang tungkol sa bet. Nilapitan niya ang kaklase niya. "Anong sinasabi mo?" Nagulat ang binata. "Ah...alam mo na pala?" "Ano?" mariing tanong ni Jong. "Anong alam ko na?" Nagkamot ng ulo ang kaklase. "Na nagkaroon ng pustahan dati...kung sino ang unang talo." Parang may humigop ng hangin sa dibdib ni Jong. "Hindi totoo 'yon," mabilis niyang sabi. "Hindi ko minahal si Kecha dahil sa pustahan." "Pero nalaman niya," dagdag ng kaklase. "Kaya siya ang aalis." Hinabol ni Jong si Kecha kinagabihan. "Bakit hindi mo sinabi?" tanong niya kay Kecha na nanginginig. "Na alam mo na?" Napatawa si Kecha na walang saya. "Anong sasabihin ko?" "Na iniisip kong baka laro lang ako?" "Hindi ka laro," mariing sabi ni Jong. "Mahal kita." "Pero doon nagsimula," sagot ni Kecha. "Sa isang pustahan." Tumahimik si Jong pero walang katotohanan doon. "Hindi ko alam kung alin ang totoo," dugtong ni Kecha. "Ang nararamdaman mo... o ang simula nito." Lumapit si Jong. "Hayaan mong patunayan ko." Umiwas si Kecha sa kanya. Hindi makatulog si Jong nakahiga lang siya nakatingin sa kisame, paulit-ulit sa isip ang salitang pustahan. "Ang tanga," bulong niya. "Dapat sinabi ko agad." Kinuha niya ang phone tinype ang pangalan ni Kecha pero hindi niya tinext. Kinabukasan, nagkita sila sa canteen parang nagkaroon ng lungkot sa mata ni Jong nang matitigan niya ang girlfriend. "Alam ko na," sabi ni Jong. Umangat ang tingin ni Kecha. "Alam mo na ang alin?" "Kung paano nagsimula," sagot niya. "At alam ko ring nalaman mo." Tumayo si Kecha parang gusto nang umalis pero huminto. "Hindi ko alam kung alin ang mas masakit, na nagsimula sa pustahan...o na hindi mo sinabi." sabi niya. "Hindi kita minahal dahil doon," mariing sabi ni Jong. "Pero kasalanan ko na hindi ko itinama agad." Huminga si Kecha nang malalim sa sinabi ni Jong. "Alam mo ba kung anong pakiramdam?" tanong niya. "Na iniisip mong baka panalo ka lang sa laro ng iba?" "Hindi kita tinrato bilang laro," sagot ni Jong nanginginig ang boses niya na ngayon lang nangyari. "Minahal kita." "Tapos ngayon?" tanong ni Kecha. Ngumanga si Jong—walang sagot. "Hindi ko alam kung kaya ko pang bumalik sa umpisa," sabi ni Kecha. "Kasi alam ko na kung paano ito nagsimula." Lumakad siya palayo nang mabagal parang hinihintay kung susundan siya. Sumunod si Jong pero hindi niya hinawakan ang kahit ano kay Kecha. Magkatabi sila sa hallway hindi magkatabi sa loob ng classroom nag-iwasan sila. Naglalakad sina Jong at Kecha pareho nang hindi nagsasalita. "Hindi ko alam kung paano natin aayusin 'to," biglang sabi ni Kecha. Tumigil si Jong. "Hindi ko rin alam may mali ako." "Pero gusto ko," dagdag ni Jong. "Kung papayagan mo lang na maipakita kong totoo na mahal kita." "Hindi ko sinasabing ayoko," sagot ni Kecha. "Hindi ko lang alam kung kaya ko pang balikan ang pakiramdam na baka niloloko lang ako." "Hindi kita niloko," mariing sabi ni Jong. "Pero nasaktan kita at kasalanan ko 'yon." Napayuko si Kecha sa sinabi ni Jong sa kanya. "Hindi ko rin alam kung bakit ganito ako," sabi niya. "Gusto kitang yakapin, pero natatakot ako." "Takot din ako," amin ni Jong. "Pero nandito pa rin ako kung talagang galit ka sa akin kahit masakit tatanggapin ko." "Siguro, kailangan lang nating huminga." mahinang sabi ni Kecha. Tumango si Jong. "Nandito lang ako." Mag-isa si Kecha sa classroom hawak ang notebook blangko ang pahina. Alam ko na ang totoo, paulit-ulit sa isip niya. Pero bakit mas masakit pa rin? Pumasok ang isang kaklase lumapit at mahina ang boses. "Alam mo na pala," sabi nito. Tumingin si Kecha. "Lahat ba may alam na?" Tumango ang kaklase. "Hindi pustahan ang masakit 'yong hindi ka niya ipinaglaban noon." Naiwan si Kecha mag-isa naisip ang sinabi sa kanya ng kaklase. Sa labas ng paaralan nakita niya si Jong nakaupo sa hagdan. Hindi na siya agad lumapit dito kung iiwan ko siya ngayon, isip niya, tatakas ba ako...o pipiliin ko lang ang sarili ko? Lumapit siya sa boyfriend niya. "Kung iiwan kita," diretsong sabi ni Kecha. "Hindi dahil hindi kita mahal." Napatingin si Jong sa kanya sa sinabi niya. "Kundi dahil hindi ko na alam kung paano ka mahalin nang hindi na ako nasasaktan," dagdag niya. Tumayo si Jong, nanginginig ang boses. "Kung kailangan mo ng espasyo, Kech ibibigay ko." "Hindi space ang kailangan ko," sagot ni Kecha. "Pag-hinga." "At nandito na 'yon," sagot ni Jong. "Kahit huli na." Tahimik silang dalawa walang desisyon, pero may lungkot. Mag-isa si Kecha sa rooftop ng school mahigpit ang hawak niya sa railings parang kung bibitaw siya babagsak ang lahat. Alam ko na ang totoo, ulit niya sa isip. So bakit parang ako pa rin ang mali? Dumating si Jong na hinihingal at halatang hinanap siya. "Hindi kita susundan kung ayaw mo," sabi niya. "Pero ayokong mag-desisyon ka nang mag-isa." Tumawa si Kecha ng mahina, at nanginginig. "Lahat ng desisyon ko mag-isa ko namang binubuhat." Lumapit si Jong sa hinila siya para yakapin ng mahigpit. "Kung hihiwalayan mo ako, tatanggapin ko." sabi niya. Napatingin si Kecha. "'Yon ba ang tingin mo sa pagmamahal? 'Yong kaya mong mawala?" "Hindi," sagot ni Jong. "Pero ayokong hawakan ka kung nasasaktan ka na." Tahimik si Kecha sa sinabi ni Jong—ito ang nagustuhan niya sa kaharap kahit takot siyang mahalin ito minahal niya pinakita nito kung sino siya kahit walang pustahan sa relasyon nila. "Hindi ko pa kayang umalis," amin niya. "Pero hindi ko rin kayang manatili na parang wala lang." Tumango si Jong. "Walang kasiguraduhan," paalala niya. "Alam ko," sagot ni Jong. "Pero ikaw pa rin." Magdamag na gising si Kecha naka-titig siya sa kisame, hawak ang kumot niya. Kung iiwan ko siya, isip niya, ako ba ang kontrabida? Kung manatili ako, ako ba ang mauubos? Kinabukasan, nagkita sila ni Jong sa canteen. Hindi sila magkatabi at hindi rin magka-hiwalay. "Hindi ko hinihingi ang kapatawaran," sabi ni Jong. "Hinihingi ko lang ang pagkakataon na mapatawad mo ako." Tumango si Kecha. "Pero paano kung...huli na?" Napayuko si Jong. "Hindi ko alam kung kaya kong magpanggap na okay lang," dagdag ni Kecha. "Hindi ko rin kayang umalis na walang closure." "Pwede bang manatili muna?" tanong ni Jong. "Walang pangako." "Walang pangako," ulit ni Kecha sa kanya. At sa gitna ng katahimikan doon mas naramdaman ang distansya. Sa gilid ng campus, umuulan ng malakas hindi sila sumilong. "Alam ko na," nanginginig na sabi ni Kecha. "Huwag mo nang itanong," sigaw niya. "Alam ko na!" Nasa waiting shed sila naghihintay bus para umuwi sa bahay. "Pero pinayagan mong mangyari at huli na para ayusin ang ginawa mo," sagot ni Kecha tumutulo ang luha kasabay ng ulan. "Hinayaan mong mahalin kita habang may nakataya pala." "Bata pa ako noon," giit ni Jong. "Tapos ako?" balik ni Kecha. "Ano ako sa'yo—prize?" Napasigaw si Jong at umiiling mabuti na lang iilang tao lang nasa tabi nila. "Hindi kita minahal dahil sa pustahan!" "Pero nagsimula dahil doon," sagot niya nang halos pabulong. Hindi naman nakasagot si Jong. "Hindi ko alam kung iiwan kita," sabi ni Kecha. "Pero alam kong hindi na ako buo." At doon, unang beses walang isinagot si Jong. Napangiti si Kecha, pero walang saya. "Dahil kung magsalita ako, baka wala nang babalikan." "Kecha—" "Alam ko naman na," putol niya. "Hindi lahat ng detalye, pero sapat na." Nanlumo si Jong. "Kung tungkol 'yon sa pustahan—" "Hindi lang 'yon," sagot niya. "'Yong pakiramdam na minahal kita nang hindi patas ang laban." Lumapit si Jong sa kanya. "Minahal kita dahil ikaw 'yon." "Pero nagsimula sa biro," balik ni Kecha. "At ang mga biro, may expiration." Hindi naman naka-imik si Jong natulala na lang siya. "Hindi ko alam kung tama bang manatili," sabi ni Kecha. "Pwede bang ayusin?" tanong ni Jong. "Kahit mabagal." "Pwede, pero huwag mong asahan na babalik agad ang dati." "At kung hindi na?" tanong niya. "Eh di pareho tayong may leksyon sa relasyon," sagot niya. "Kahit masakit." Hindi 'yon hiwalayan pero 'yon ang unang sira na hindi na nila kayang takpan. Tahimik ang hallway umalis na ang mga estudyante. Si Kecha, nakaupo sa hagdan hawak ang mumurahin na phone na ilang beses na niyang binuksan walang message. Hanggang sa marinig niya ang yabag. Si Jong. Hindi siya tumabi. Hindi rin siya umupo. Tumayo lang siya sa harap niya, parang bisitang hindi sigurado kung papasukin pa. "Kecha," sabi niya, diretso. "Kailangan na nating tapusin 'to." Tumayo si Kecha agad ito ang gusto niya pero mabilis ang pangyayari. "Tapusin...alin?" Lumingon si Jong, parang sinusukat ang lakas ng loob niya. "Lahat," sagot niya. "Bago pa tayo tuluyang masira." "Akala ko inaayos natin," nanginginig na sabi ni Kecha. "Sabi mo—" "Sabi ko, susubukan," putol ni Jong. "Pero habang sinusubukan, nawawala na ako sa buhay at ikaw sa buhay ko." Napailing si Kecha. "Dahil lang sa isang pagkakamali?" "Hindi," mariing sagot niya. "Dahil sa pakiramdam na hindi mo ako pinagkatiwalaan kahit kailan." Lumapit si Kecha. "Hindi ko alam paano sabihin—" "Hindi mo sinabi, at doon ako natalo." balik ni Jong. Huminga siya nang malalim halatang pinipigilan ang emosyon. "Mahal pa rin kita," amin niya. "Pero hindi sapat ang mahal kung palagi akong nagdududa kung totoo ba ako sa'yo." Pumatak ang luha ni Kecha. "Jong, please—" "Huwag," pakiusap niya, mahina. "Huwag mo akong pigilan kung hindi mo rin ako kayang ipaglaban." Tahimik ang sandali sa kanilang dalawa. Pagkatapos, umatras si Jong ng isang hakbang. "Paalam, Kecha." At umalis siya naiwan tulala naman si Kecha. Hindi tumakbo. Hindi lumingon. Hindi na nagbigay ng pagkakataon. Nanatili si Kecha sa kinatatayuan niya, hawak ang dibdib alam niyang sa gabing 'yon, hindi lang relasyon ang nawala, kundi ang taong pinakakilala niya. Hindi agad umiyak si Kecha. Nakatayo lang siya sa parehong lugar kung saan siya iniwan. Parang kapag gumalaw siya, magiging totoo. Umalis na siya. Paulit-ulit sa isip niya, parang sirang plaka. Hindi sigaw ang sakit—kundi 'yong bigat sa dibdib na ayaw bumitaw. Ganito pala ang pakiramdam ng piniling hindi piliin. Umupo siya sa sahig, hindi na iniisip kung may makakita. Yumuko siya hawak ang sariling braso, parang nagyeyelo. "Hindi ko naman siya kayang bitawan," bulong niya. "Natakot lang ako." Pero kahit anong paliwanag, wala na ang taong dapat makaintindi. Naalala niya ang mga gabing tahimik si Jong pero andoon lang ang paraan ng paghawak nito sa kamay niya, ang mga pangakong hindi naman binibigkas pero ramdam. Akala ko sapat ang pagmamahal. Ngayon alam na niya hindi sapat ang mahal kung huli na ang tapang. Pinahid niya ang luha, pero may kasunod pa rin. "Kung babalik ka, hindi na kita pipigilan." bulong niya sa hangin. Pero alam niyang kasinungalingan 'yon. Dahil ang totoo umaasa pa rin siya, kahit iniwan na.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD