Nakita ko siya nang mapatingin ako sa may gilid ng bintana, dati namin 'yon pwesto noong may relasyon pa kami. Nang matanaw ko siya at kasama ang girlfriend nito. Umupo kami sa bakanteng puwesto sa may gitna. "Uy! Order lang ako," aya ni George. "Okay, ano pala name mo?" tanong ni Chie sa kanya. "Jonathan George," sambit ni George sa kaibigan ko. "Nice meeting you," sambit ni Jia. "Me too, wait lang ah!" sambit ni George sa kaibigan ko. "Tawagin kitang George, kung okay lang?" tanong ni Chie sa kanya. "Oo naman," sambit ni George. Nagka-tinginan na lang kaming tatlo. "Punta na ako sa counter," sambit ni George. "Sige," aniko. Napalingon ako nang may magsalita sa likod ko. "Siya ba?" tanong niya nang lumapit siya sa amin nagulat pa ako sa unang pagkakataon ulit lumapit siya mak

