Chapter 7 - Jong

1005 Words
Nandito ako sa canteen kasama ang girlfriend ko na si Cris nakita ko sa may pintuan na may kasamang lalaki si Kecha. Ewan ko pero, nakaramdam ako ng selos sa lalaki minasdan ko lang sila nang mapalingon ako sa may pintuan. Nakita ko ang dating girlfriend ko na papasok ng canteen. Hindi ko na napansin ang pag-tawag sa akin ng girlfriend ko. "Hon?" tawag ni Cris. "Oh!" aniko. "Bakit mo siya tinitignan?" tanong niya tumingin siya kay Kecha. "Xiwang ta zai wo shenbian." aniko sa salitang mandarin o chinese. (Hopefully, she's beside me.) "Ano ang sabi mo?" takang tanong niya sa akin. "Wala ubusin mo na lang ang order natin at may klase pa tayo pagkatapos nito," aniko na lang sa kanya. "Okay," aniya. Uminom na lang ako ng softdrink habang nakatitig ako sa dati kong girlfriend. "Saan ka mamaya?" tanong niya sa akin napatingin ako sa kanya. "Sa bahay lang," aniko sa kanya. "Bakit hindi ka na sumama sa kanila?" tanong niya tinignan pa ang dating kaibigan ko dahilan para iwanan ko si Kecha. "Simple ayaw ko na," sambit ko at inubos ko na ang iniinom ko. "Ang saya nyo noon ah?" aniya sa akin. Hindi na lang ako nagsalita nang makita ko siya nakangiti sa lalaki. "Oo, masaya pero may mga taong nagbabago." sambit ko nakaramdam ako ng pagseselos sa nakikita ko sa kanilang dalawa. "Hindi naman sila nagbago sa'yo?" aniya sinubuan niya ako ng sandwich at tinanggap ko na lang. "Manhid ka ba talaga, hon? O nabubulag ka lang," sambit ko sa kanya. Tumayo ako at tinapon sa trash can ang bote ng softdrinks. Napalingon pa ako sa pwesto ng mga dati kong kaibigan at girlfriend. Kasalanan ko naman kung bakit hindi ko sila kasama. Bumalik ako sa upuan ko at nag-cellphone hinihintay ko lang siya matapos at makabalik sa classroom namin. Hindi ko kayang makitang may nagpapa-ngiti sa kanya na ibang lalaki. "Hon, punta lang ako sa restroom." aniya at kaagad siyang tumayo. Tumayo ako para pumunta sa kanilang pwesto. "Kecha," tawag ko ng mahina sa kanya bumilis bigla ang t***k ng puso ko. Hindi niya ako narinig at nagsalita ulit ako ng malakas sa likod niya. "Siya ba?" tanong ko nang lumapit ako sa kanya. "Hon?" bungad ng girlfriend ko sa tabi ko. "Oh, kayo pala." gulat nasambit niya nang tumingin sa gilid nang makita niya kami. "Sino 'yon?" tanong ko sa kanya. Alam niya kung sino ang tinutukoy ko. "Anong pakialam mo?" pilosopong sambit niya sa akin. "Kecha!" tawag ko. "Hon?" tawag ni Cris sa akin. Umiwas siya ng tingin nang lumapit ang lalaki sa puwesto ng girlfriend ko. "Heto na pala ang inorder ko para sa atin," bungad ng lalaki dala ang tray na may pagkain. "Si Jong Yu pala, ex ni Kecha." sabat ni Jia saka tinuro niya ako nakatingin lang ako. "Oh, pre!" sambit ng lalaki nakipag-kamay pa siya sa akin. "Sige, bye sa inyo may lakad kami ng hon ko." sabat ko at hinila ko ang girlfriend ko. Nang makalabas kami sa canteen binitawan ko siya. "Si Kecha, Jia at Kenchie kaibigan mo sila hindi ba? Bakit mula nang maging tayo, hindi na kayo nagkaka-usap?" tanong niya sa akin nang huminto kaming dalawa. "Sa totoo lang? Ayaw ka nila para sa akin, hon wala na silang magagawa kaya sila na ang lumayo." kaila ko sa kanya. "Bakit? Naging mabait naman ako sa kanila nung maayos pa ang relasyon mo sa kanila at sa akin, bakit?" aniya. "'Yan ang hindi ko masasagot sa'yo, hon." sambit ko kahit may sagot ako sa sinabi niya sa akin. Nasaktan ko si Kecha, kaya hindi nila ako kayang patawarin. Pumunta na kami sa classroom at umupo kaagad ako sa pwesto ko sa dulo. Umupo siya sa tabi ko at nagpa-tugtog siya ng cellphone niya. "Class!" bati ng professor namin sa harapan inalis niya ang headset sa tenga niya at tinago ang cellphone sa bag. Napailing na lang ako at kumuha ako ng binder sa bag at ballpen. Nakinig kami sa professor namin tungkol sa bagong ituturo sa amin. "Nakaka-antok talaga siya," bulong niya humikab pa siya at sinandal ang ulo sa balikat ko. "Umayos ka, hon baka makita ka at mapagalitan." bulong ko sa kanya. Tinulak ko ang ulo niya gamit ang isang kamay ko. Bago humarap sa professor namin na seryosong nakatingin sa amin. "Tatawagin ko kayo isa-isa para malaman ko kung may nakikinig sa tinuturo ko," sambit ng professor namin. Tinawag niya ang pangalan ng mga kaklase ko. Nang itataas ko na ang kamay ko ang katabi kong lalaki ang tinawag niya. Sa huli tinawag niya ang girlfriend ko nagtaka ako kung bakit hindi niya ako tinatawag lahat ng kaklase tinawag niya. "Mr. Yu, please come in my office." sambit niya sa akin napatayo ako at sumunod sa kanya. Nang makarating kami sa office pinaupo niya ako sa upuan sa harapan. "Pwede ka ba sumali sa basketball club ng school?" tanong ng professor namin. "Po?" gulat kong sambit akala ko pagagalitan niya ako. "Matangkad ka at pwede ka maging varsity ng school," ngiting sambit niya sa akin at may binigay na form. "—Sir, hindi po ako mahilig maglaro ng basketball kaya tatanggihan ko ang inaalok nyo sa akin." aniko at nilapag sa mesa ang form. "Are you sure?" tanong niya sa akin tumango ako sa kanya. "Yes, sir I'm sorry po." aniko sa kanya. Tumalikod na ako at lumakad pabalik sa classroom. Nasalubong ko pa ang lalaking kausap ni Kecha. Sinundan ko siya ng tingin at nakita ko na may kausap siyang council member. "Salamat, miss." sambit ng lalaki at tumalikod na hindi ko siya pinansin at pumasok na ako sa classroom namin. Naupo na ako at sumandal ulit ang girlfriend ko sa balikat ko. Nilaro-laro niya ang kamay ko hinahayaan ko na lang siya. "Ang ganda nitong bracelet mo," aniya nilaro-laro niya ito iniwas ko naman ito sa kanya. Regalo ito sa akin ni Kecha noong first aniversary naming dalawa. Hindi ko ito inaalis kahit wala na kami ngayon, siya ang unang babaeng minahal ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD