Chapter 6

1132 Words
Kinabukasan, maaga ako pumasok sa school at dumeretso ako sa field para magpa-hangin nang wala akong naabutan na kaklase sa classroom namin. Miss ko na ang baby ko... Nakaraan taon dinalaw ko pa siya sa Korea lumalaki siyang gwapo katulad ng daddy niya. Kaya hindi ko nagagawang kalimutan si Jong dahil, nakikita ko sa anak ko ang mukha niya. Tinakpan ko ang mata ko ng masilaw ako sa araw. Tumingin ako sa relo at nakita kong mag-alas otso na ng umaga kaya pala dumadami na ang schoolmates ko. "Nag-iisa ka yata, miss?" bungad ng isang mestisong lalaki sa akin. "Ah?" aniko sa mestisong lalaki nang mapatingin ako sa gilid ko. "Sabi ko, nag-iisa ka dito." sambit ng mestisong lalaki. "Napa-aga ng pasok dito ngayon lang kita nakita dito, transferee ka?" punang tanong ko sa mestisong lalaki. "Oo, nag-eenroll pa lang ako dito," sambit ng mestisong lalaki. "Ah! Saan ka nanggaling?" tanong ko sa mestisong lalaki. "Mula ako sa South, Korea." sambit ng mestisong lalaki. "Korea? Marunong ka magsalita ng tagalog malinaw pa," puna ko sa mestisong lalaki. "Nag-home study ako sa Korea ng iba't-ibang language maliban sa salitang mandarin o chinese," sambit ng mestisong lalaki. "Anong pangalan mo?" naitanong ko sa mestisong lalaki. "Ako si Jonathan George, tawagin mo na lang akong Nathan o George." sambit ng mestisong lalaki. "Kecha Woon, Kecha pa rin ang tawag sa akin dahil simple ng pangalan ko." aniko at ngumiti na lang ako. "Kecha, nice name." aniya sa akin. Nang dumadami na ang pumapasok sa school nagpaalam na ako sa kanya. "Magkita na lang tayo ulit kung magsasalubong tayo, bye." aniko nang tumayo ako sa damuhan ng field. Pinagpagan ko ang likod ng puwetan bago ako tuluyan nakalayo sa bagong nakilalang lalaki. Nakita ko ang kaibigan na pumapasok sa loob ng classroom namin. Pagkatapos ko kausapin ang kaklase humarap ako sa kanya. "Nagka-usap na ba kayo ng maayos?" puna ko nang lingunin ko siya pagkatapos kausapin ang kaklase na katabi ko ng upuan. "Hindi pa kami nakakapag-usap ng maayos dahil iniiwasan niya ako." aniya bigla sa akin. "Wag kang mag-sinungaling sa akin, kilala kita at alam mong hindi mo ma-itatago sa akin ang katamlayan mo," bulong ko sa kanya nang may dumaang kaklase sa gilid niya. "Huh?" aniya napatingin sa akin. "Alam kong nag-away kayong dalawa, sana magkabati na kayong dalawa mahal nyo naman ang isa't-isa eh!" aniko nang balingan ko siya ng tingin. "Salamat sa concern mo," aniya. "Wala 'yon," mahinahong aniko sa kanya. "Oo na," aniya. Hindi ko na naiintindihan minsan ang ugali ng kaibigan ko. "Bhabe, pwede ba kita kausapin?" sabat ni Vhenno sa aming dalawa. "Pwede ba na wag muna sa ngayon gusto kong mapag-isa," aniya sa boyfriend niya. "Napaka-gulo ng relasyon nyong tatlo, may fiance ka at may boyfriend ka pa pero, sino ba sa kanilang dalawa ang mas mahal mo?" na-itanong ko na lang sa kanya. "Heto ako nakapag-isip na kung ano ang tamang gawin mahirap din sa akin ang gagawin ko dahil, may masasaktan ako," aniya at buntong-hininga na lang siya. "Ano ang balak mo?" tanong ko sa kanya. "Do you hate me?" tanong ni Vhenno sa kaibigan ko na hindi pa rin siya pinapansin kahit nasa kabilang side lang siya nakaupo. Nakita ko ang ginawang hindi pagpansin ng kaibigan ko sa boyfriend niya. Nakita ko ang kakaibang itsura ng mga mata nito. "Saan ka nagpunta at maaga kang umalis ng bahay?" tanong niya sa fiance ng tumabi ito sa kanya. Hindi sumagot si Chie sa kaibigan ko nakatitig lang sa kanya. "Bhabe," tawag ni Vhenno sa girlfriend niya nang hawakan niya ang kamay nito. Nakatingin si Vhenno sa kaibigan ko at fiance nito habang nagbubulungan. Nang matapos ang klase namin nagpunta sa canteen sina Thea at Chie para mag-usap. Hindi ako sumama sa dalawa na papunta sa canteen. Ano kaya dapat kong gawin?! Sasabihin ko o hindi sa kanya may karapatan siya sa anak namin nang pabalik na ako classroom nanggaling ako sa library. Hindi ko namalayan na may nakabangga ako napa-upo na lang ako sa sahig. "Uy! Sorry, miss." sambit ng lalaki sa akin tinulungan niya akong tumayo. "Ah! Okay lang hindi naman ako kasi nakatingin sa daan eh!" aniko pinagpag ko ang puwitan ng palda ko. "Sure ka?" sambit ng lalaki. "Oo, okay lang ako." aniko sa lalaki. Kumaway na lang ako sa lalaking nakanggaan ko sa hallway ng building namin. "Mauna na ako." aniko lumakad nang palayo sa lalaki. "Wait!" tawag ng lalaki. "Ano 'yon?" aniya nang lumingon ako sa lalaki. "Pwede ba ako sumabay sa'yo? Bago lang ako dito eh!" sambit ng lalaki parang namumukhaan ko siya. "Oo naman, tranferee ka?" tanong ko sa lalaki. "Oo eh!" sambit ng lalaki at sumunod na lang siya sa akin. "Ituturo ko sayo guidance office dun kita iiwanan dahil kailangan kong bumalik sa classroom namin." aniko sa lalaki. "Saan ba dito ang canteen nyo?" tanong ng lalaki. Sinamahan ko ang lalaki sa canteen. Nakita ko pa ang dalawang kaibigan at dating boyfriend kasama nito ang bagong girlfriend nito. Kaagad ko na iniwan ang lalaki sa tapat ng pintuan ng canteen. "Samahan mo muna ako," sambit ng lalaki. "Hindi na talaga pwede, sorry." aniko sa lalaki bago ako tuluyang nakalayo. Nang makabalik ako sa classroom naramdaman ko ang malakas na kabog ng dibdib. Napahawak ako at huminga nang malalim. "Nakita mo lang sila wag ka magpa-apekto." bulong ko at huminga ng huminga para makasagap ng hangin. "Kecha, nandito ka lang pala." bungad ng kaibigan ko nang makitang nakaupo pa rin ito sa upuan nito. "Saan ka ba galing?" sabat ni Chie sa akin nang iwanan niya si Thea sa canteen. "Ha?" aniko sa kanilang dalawa. "Sa library nagpa-iwan siya kanina kinopya ang hindi niya natapos sa white board," sabat ng kaibigan ko sa fiance niya. "Ah, ganun ba wala kasi ako sa kanina." sambit ni Chie sa fiance niya. Umalis kami sa loob ng classroom. "Oh, Ganda?" birong bungad ni George nang makita ako. "Oh, Pangit!" masayang tawag ko kay George nang makitang palapit ito sa table kung saan kami pumuwesto. Hindi ako magsasabi muna ng totoo sa mga kaibigan ko. Mag-sisinungaling muna ako sa dalawang kaibigan. "Huh?!" sambit ng kaibigan ko. "Huh?!" sambit ni Chie sabay talaga sila ng reaksyon. "Si Jonathan George, boyfriend ko." aniko at tinuro ko si George. "Ikaw pala 'yong sinasabi niya." ngising sambit ni Chie tumingin siya sa dating kaibigan niya na si Jong nasa likod. "Sino ka ulit?" tanong ni George. "Kenchie Swellden, heto si Jia my fiancee pero kami lang may alam." amin ni Chie. "Ganun ba, Jonathan George pala boyfriend ni Kecha." sambit ni George. "Mga gago!" sambit ng kaibigan ko sa fiance niya. Natawa kami pero hindi natawa si George ngumiti lang ako sa kanya. "Ano, tara?" aya ko sa dalawang kaibigan ko ng balingan ko ng tingin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD