Chapter 8 - Silent Goodbyes

3586 Words
Dumating ang umagang walang paalam walang paliwanag at walang lakas ng loob si Kecha para magsulat man lang ng mensahe kay Jong dahil alam niyang kahit isang linya lang maaaring bumigay ang desisyong pilit niyang pinatatatag. Tahimik siyang nakatayo sa airport hawak ang maliit na bag at ang mas mabigat na responsibilidad sa loob ng kanyang katawan habang si Jia nasa tabi niya pilit pinapakalma ang sarili kahit nangingilid ang luha. "Sigurado ka ba?" mahinang tanong ni Jia parang umaasang may himalang magpapabago ng isip niya pero umiling lang si Kecha at sinagot, "Mas masasaktan siya kung malaman niya ngayon." Si Chie, tahimik ding nakamasid humakbang palapit at sinabi sa mababang tinig, "Hindi mo kailangang magpaliwanag sa mundo, Kecha, pero sana balang araw...handa ka nang magsabi." Ngumiti si Kecha, isang pilit at basag na ngiti, saka bumulong, "Kapag kaya ko na, kapag hindi na galit ang tadhana." Alam ng kanyang mga magulang niya ang lahat—ang bata, ang takot, at ang lalaking iniwan at kahit mabigat sa kanila ang desisyon ng anak hinayaan nila itong pumili ng katahimikan kaysa sa gulo. Habang papasok siya sa boarding gate patungong Korea walang lumingon pabalik, dahil alam niyang kapag ginawa niya 'yon, baka hindi na siya makaalis. Sa likod ng katahimikan ng paalam na 'yon, naiwan si Jong na walang kaalam-alam at ang isang lihim na unti-unting huhubog sa mga susunod na taon ng kanilang buhay. Bago tuluyang pumasok si Kecha sa boarding gate, huminto siya sandali hindi para lumingon kundi para huminga parang doon niya lang naisip na may buhay siyang iiwan hindi lang si Jong kundi ang version ng sarili niyang naniwala sa mga pangako. "Kapag hinanap ka niya," mahinang sabi ni Jia nanginginig ang boses. "Anong sasabihin namin?" At doon napapikit si Kecha saka sumagot nang halos pabulong, "Sabihin nyo lang na pinili kong maging malaya...hindi dahil duwag ako, kundi dahil mahal ko siya." Tumango si Chie at idinagdag ang sinabi, "Hindi kita huhusgahan, pero alam mong darating ang araw na babalik ang tanong na 'to sa'yo," at saglit na ngumiti si Kecha isang ngiting puno ng takot at tapang. "Oo," sagot niya, "Pero sa araw na 'yon, may lakas na akong harapin." Sa isip niya, paulit-ulit ang mukha ni Jong ang mga gabing magkasama sila, ang mga salitang hindi niya naibalik at ang batang tahimik na lumalaki sa loob niya isang lihim na mas pinili niyang alagaan kaysa ipaglaban sa maling panahon. "Pasensya na," bulong niya sa sarili habang inilalagay ang kamay sa tiyan niya. "Hindi pa kita kayang ibahagi sa mundo," at doon niya napagtanto na ang katahimikan pala isa ring uri ng sakripisyo. Habang lumalayo ang eroplano mula sa China, may dalawang pusong sabay na nagpaalam ang sa kanya at ang sa lalaking hindi man lang nabigyan ng pagkakataong pumili. At sa pagbabalik-tanaw na ito, malinaw na ang Silent Goodbyes hindi lang tungkol sa pag-alis ni Kecha, kundi sa isang katotohanang inilibing niya muna hanggang sa dumating ang panahong hindi na ito mananatiling tahimik. Sa loob ng eroplano, nakaupo si Kecha sa tabi ng bintana tahimik na nakamasid sa mga ilaw ng runway habang unti-unting lumalayo ang China sa paningin niya at doon niya unang naramdaman ang tunay na takot hindi dahil mag-isa siya, kundi dahil pinili niyang maging mag-isa. "Hindi ka ba magsisisi?" mahinang tanong ng ina niya hawak ang kamay ng anak at saglit na tumingin si Kecha sa kanya bago sumagot, "Araw-araw po siguro...pero mas pagsisisihan ko kung sisirain ko siya ngayon." Sumingit ang ama niya mababa pero matatag ang boses, "May mga problema na hindi kailangang ayusin agad," at doon napayuko si Kecha dahil alam niyang ang problema na ito hindi tungkol sa tama o mali, kundi sa oras na hindi pa dumarating. Sa isip niya, bumabalik ang huling alaala ni Jong ang paraan ng pagtawa nito ang paniniwalang sapat na ang pagmamahal para ayusin ang lahat at doon niya napagtanto na minsan kahit gaano mo kamahal ang isang tao may mga katotohanang hindi pa kayang dalhin ng relasyon. "Kung sakaling malaman niya balang araw," pabulong niyang sabi sa sarili habang dahan-dahang hinihimas ang tiyan niya, "Sana patawarin niya ako sa katahimikang pinili ko." Nang tuluyang lumipad ang eroplano, pumikit si Kecha at hinayaang pumatak ang luha hindi dahil mahina siya kundi dahil pinili niyang maging matatag sa paraang walang makakakita. At sa pagbabalik-tanaw na ito, malinaw na ang Silent Goodbyes hindi lang isang pag-ali ito ang isang desisyong hinubog ng takot, pagmamahal, at pangakong balang araw, ang katahimikan mapapalitan din ng katotohanan. Sa Korea, unang gabi pa lang nakaupo na si Kecha sa gilid ng kama sa maliit na apartment na inihanda ng mga magulang niya hawak ang phone na alam niyang hindi na tutunog sa pangalang gusto niyang makita. "Huwag," pabulong niyang utos sa sarili habang pinipigilan ang daliri na mag-type ng mensahe, dahil alam niyang isang salita lang kay Jong sapat na para gumuho ang desisyong binuo niya sa loob ng maraming buwan. "Ginagawa ko 'to para sa'yo," bulong niya habang dahan-dahang hinihimas ang tiyan niya at sa katahimikan ng kwarto doon niya naramdaman na ang pagmamahal minsan hindi tungkol sa pananatili kundi sa paglayo sa tamang oras. Sa kabilang bansa, may luha nang bumabagsak sa pisngi ni Kecha kahit hindi niya alam kung bakit sabay silang nasasaktan sa magkaibang oras at doon niya naisip na ang katahimikan pala hindi lang pagprotekta—ito rin parusang pinili niya para sa sarili niya. Lumipas ang mga araw sa Korea na parang pare-pareho ang kulay—maputla, malamig at tahimik habang pilit niyang inaayos ang sarili sa umagang kailangan niyang bumangon kahit kulang ang tulog at puno ang dibdib ng takot. Sa harap ng salamin hawak niya ang gilid ng lababo pilit kinakausap ang sarili, "Kaya mo 'to, Kecha... kailangan mong kayanin," pero sa bawat pagbigkas niya ng salita mas malinaw ang katotohanang wala siyang kasiguraduhan kung tama ang pinili niya. Isang gabi, tinawagan siya ni Jia at bago pa man siya makapagsalita bumigay na agad ang boses niya. "Hindi ko pa rin masabi," mahina niyang amin. "Kahit gustong-gusto ko...natatakot akong marinig ang boses niya natatakot akong bumigay." Tahimik ang kabilang linya bago sumagot si Jia, "Minsan, ang pagmamahal hindi lang pag-amin... minsan, pagprotekta rin kahit masakit." Pinatay ni Kecha ang tawag na may luha sa mata at sa gabing 'yon, unang beses niyang naramdaman ang mahinang kirot sa tiyan hindi pa malinaw, hindi pa sigurado pero sapat para maintindihan niyang ang katahimikan niya ngayon may kapalit na habang-buhay. Dumating ang umagang hinanap ni Jong si Kecha sa mga lugar na dati nilang pinupuntahan sa café malapit sa campus, sa hallway kung saan sila laging nagkaka-banggaan at sa phone niyang paulit-ulit lang nagre-ring pero walang sumasagot. "Keneng zhishi mang eryi," pilit niyang sabi sa sarili kahit may kung anong kumakabog sa dibdib niya na ayaw niyang pangalanan isang kaba na parang babala pero pinili niyang ipagwalang-bahala. (Maybe just busy,) Nang tanungin niya ang isa sa mga kakilala nila, simpleng sagot lang ang nakuha niya—"Ta shuo, ta zoule." (He said, she's left.) Napahinto siya parang biglang may humila sa hangin palabas ng baga niya. "Ruhe likai?" tanong niya masyadong mabilis, masyadong desperado pero wala nang kasunod na paliwanag. (How to leave?) Tinawagan niya si Jia pilit pinapanatiling kalmado ang boses. "Ni zhidao kai cha zai nali ma?" saglit na katahimikan ang sumagot bago marahan nitong sinabi, "Jong…ni xuyao xian xiuxi yixia." at doon niya naramdaman na may mali hindi dahil sa sinabi kundi dahil sa hindi sinabi. (Do you know where Kecha is?) (Jong...you need to rest first,) "Women yinmanle shenme," mariing wika niya halos pakiusap na, pero pinutol ni Jia ang tawag nang hindi nagbibigay ng sagot at sa unang pagkakataon naramdaman ni Jong ang pagiging estranghero sa kanila. (We're are hiding something,) Umupo siya sa gilid ng kama hawak ang phone na parang doon niya makikita ang paliwanag at sa isip niya paulit-ulit ang tanong na walang makasagot—Wo zuole shenme? Wo shenme shihou likai de? (What have I done? When did I leave?) Sa gabing 'yon, hindi niya alam na ang katahimikang bumalot sa kanya hindi simpleng pag-alis lang, kundi isang paalam na piniling itago at isang lihim na babalik balang araw para basagin ang lahat ng akala niyang totoo. Gabi na rin nang tuluyan niyang tinanggap na hindi na babalik si Kecha sa apartment na iniwan nitong tahimik ang mga gamit nawala na parang binura ang presensya niya. "Ni shenzhi lian zaijian dou mei shuo," sabi niya sa bakanteng espasyo galit ang tono pero basag ang boses, dahil mas masakit ang kawalan kaysa sa anumang paliwanag na hindi niya nakuha. (You didn't even say goodbye,) Tinawagan niya si Chie sa gitna ng gabi at nang sumagot ito, diretso niyang sinabi, "Ruguo ni zhidao xie shenme, qing gaosu wo," Pero ang sagot lang isang mabigat na buntong-hininga at ang linyang, "Youxie shi women xianzai hai buneng shuo." (If you know something, tell me,) (There are things we can't say yet.) Habang pinapatay ni Jong ang tawag napaupo siya sa sahig hawak ang ulo, at sa unang pagkakataon inamin niya sa sarili na ang pagkawala ni Kecha hindi simpleng hiwalayan, kundi isang paalam na hindi niya piniling tanggapin. May dalawang taong sabay na nagluluksa ang isa, piniling magtago ng katotohanan—ang isa, naiwan sa dilim at pareho nilang hindi alam na ang katahimikang 'yon may buhay na unti-unting lumalaki sa pagitan nila. Sinimulan ni Jong ang bawat umaga na may inaasahang mensahe na hindi dumarating paulit-ulit na chine-check ang phone kahit alam niyang walang magbabago. Isang hapon, habang nagkakape sila ng kaibigan may nagbiro ng, "Ni kan qilai haoduole, shi ma?" at doon niya biglang napagtanto na natutunan na niyang magpanggap isang ngiting walang laman, isang katahimikang hindi maipaliwanag. (You seem to be doing better, huh?) Pag-uwi niya tinawagan niya si Kecha sa lumang number nito, kahit ilang beses na niyang alam na unreachable. "Ruguo ni ting dao zhe ju hua," bulong niya sa voicemail, "Ni jiu shuo ni meishi…zhe jiu goule." (If you hear this,) (Just say you're fine...that's enough.) Pagkababa ng tawag, napasandal siya sa pader at pumikit—at doon niya naramdaman ang bigat ng salitang goodbye na hindi kailanman binigkas isang paalam na iniwan siyang nag-iisa sa gitna ng mga tanong na walang sagot. Sa magkaibang bansa, sabay nilang dinadala ang parehong durog na puso—si Kecha, tahimik na pinipiling maging mag-isa para sa batang hindi pa niya mayakap at si Jong, naiwan sa likod ng isang relasyon na biglang nawala at sa pagitan nila, ang katahimikan hindi na lang distansya kundi isang lihim na patuloy na lalalim habang tumatagal. Sa gabing 'yon sa Korea, nakaupo si Kecha sa gilid ng kama hawak ang cellphone habang paulit-ulit niyang tina-type ang pangalan ni Jong binubura tina-type ulit hanggang sa sumuko ang mga daliri niya at napabuntong-hininga siya ng mahaba, mabigat, at punong-puno ng takot. "Kung sasabihin ko ba, pipigilan mo akong umalis?" mahina niyang bulong sa sarili saka niya hinawakan ang tiyan niya na para bang doon siya humihingi ng lakas, "O mas lalo lang kitang masasaktan?" Sa kabilang panig ng mundo, nakaupo si Jong sa balkonahe ng apartment nila may hawak na sigarilyo na hindi niya man lang sinindihan habang kausap niya ang sarili na parang si Kecha ang kaharap. "Ruguo ni shengqile, ni hui shuo:" mahina niyang wika sa hangin, "Jishi wo bu zhidao ziji cuo zai nali, wo ye keyi daoqian." (If you angry, you would have said,) (I can apologize even if I don't know where I went wrong.) Kinabukasan, kinausap si Kecha ng kanyang ina sa kusina tahimik ang umaga pero ramdam ang bigat sa bawat galaw niya. "Sigurado ka na ba sa desisyon mo?" tanong nito, hindi mapanisi pero puno ng pag-aalala. Napayuko si Kecha bago sumagot, "Hindi po... pero mas natatakot akong manatili kaysa umalis," at doon na bumigay ang boses niya, "Hindi ko pa kayang ipaglaban 'to ngayon." Tinanong si Jong ni Chie ng diretso pero maingat. "Handa ka bang marinig ang totoo kung sakaling bumalik siya?" Natigilan si Jong, saka marahang ngumiti isang ngiting may pagod at lungkot. "Kahit anong totoo," sagot niya, "Basta manggaling sa kanya." Hindi nila alam na sa parehong sandali pareho silang may gustong sabihin pero piniling manahimik si Kecha, dahil may buhay na umaasa sa kanya at si Jong, dahil umaasa pa rin siya at sa pagitan ng dalawang katahimikan na 'yon, mas lalong tumibay ang silent goodbye na hindi kailanman binitiwan nang malakas pero parehong naramdaman nilang dalawa. Lumipas ang ilang linggo na parang mabagal ang oras para kay Kecha bawat araw sinasalubong niya ng pilit na tapang habang sa gabi naman bumabagsak ang lahat ng pagod at takot na buong araw niyang itinago. May mga sandaling napapahinto siya sa paglalakad biglang hinihimas ang tiyan na parang doon niya kinakausap ang batang hindi pa niya nakikita, "Pasensya ka na kung magulo ang mundo natin ngayon," bulong niya, "Pero pangako, hindi kita pababayaan kahit ako mismo, naguguluhan." Isang gabi, habang tahimik ang apartment at tanging ilaw ng kusina ang bukas muling tinawagan ni Jong ang number niya at kahit naka-silent ang phone, ramdam ni Kecha ang panginginig ng mga kamay niya nang makita ang pangalan nito sa screen. Hindi niya sinagot, pero pinakinggan niya ang voicemail, ang boses ni Jong na pagod pero pilit kalmado, "Kai cha…ruguo ni xuyao shijian, wo hui gei ni shujian, dan wo xiwang ni zhidao wo bu hui likai." at sa puntong 'yon, napaupo siya sa sahig humahagulgol nang tahimik para hindi marinig ng iba. (Kecha...if you need time, I'll give it to you, but I hope you know I'm not leaving,) Matapos ang tawag na 'yon, napasandal si Jong sa upuan mariing ipinikit ang mga mata na parang kaya niyang pigilan ang kirot sa dibdib. "Bu gongping," bulong niya sa sarili, "Ni rang wo cai bu tou daodi chule shenme wenti," saka niya sinipa ang mesa sa harap niya galit hindi kay Kecha kundi sa sarili dahil wala siyang magawa kundi maghintay. (Unfair,) (That you left me guessing what was wrong,) Kinabukasan, tinanong siya ng kaibigan, "Ta bu rang ni qu hanguo ma?" at saglit siyang natahimik bago sumagot, "Wo buxiang chengwei ta ban zou de yuanyin." isang sagot na masakit dahil alam niyang 'yon na lang ang kaya niyang ibigay ang hindi manggulo sa katahimikang pinili ng babaeng mahal niya. (She won't you follow Korea?) (I don't want to be the reason why she'll move further away,) Sa magkaibang lugar, pareho nilang piniling hindi magsalita—si Kecha, dahil may responsibilidad na mas malaki kaysa sa sarili niya at si Jong, dahil naniniwala siyang ang pagmamahal minsan paghihintay kahit walang kasiguraduhan at sa pagitan nila patuloy na lumalalim ang katahimikan hinuhubog ang isang sugat na hindi pa nila alam kung kailan muling magbubukas. Sa isang malamig na umaga sa Korea, nagising si Kecha na masakit ang ulo at mabigat ang dibdib parang may nakadagan sa kanya kahit wala namang literal na bigat sa ibabaw niya at bago pa siya bumangon kusa na niyang inilagay ang kamay sa tiyan isang kilos na naging instinct na niya kahit wala pang malinaw na anyo ang batang dinadala niya. "Konti na lang," mahina niyang sabi hindi malinaw kung sa sarili niya o sa batang hindi pa niya nakikita, "Kakayanin natin 'to, kahit ako lang," pero nanginginig ang boses niya traydor sa tapang na pilit niyang buuin araw-araw. Sa China, sabay halos sa sandaling 'yon nakaupo si Jong sa isang classroom na hindi niya halos marinig ang leksyon nakatingin lang siya sa bintana habang iniisip kung paano biglang naging ganito ang lahat kung paano naging tahimik ang isang relasyong dati puno ng tanong, tawanan, at pangarap. Yumuko siya nang lapitan siya ng kaklase. "Ni haishi bu tai hao ma?" tanong nito. (You’re still not okay, are you?) Napangiti si Jong nang bahagya, isang ngiting sanay na sanay na siyang isuot. "Mei shì," sagot niya kahit alam niyang kasinungalingan 'yon na paulit-ulit na niyang sinasabi hanggang sa halos paniwalaan na rin niya. (I’m okay.) Kinagabihan, habang nag-aayos ng mga papeles si Kecha, biglang bumukas ang drawer at nahulog ang lumang litrato nilang dalawa ni Jong magkatabi, nakangiti, walang ideya sa kung gaano kakomplikado ang magiging mundo. Napaupo siya sa sahig, hawak ang litrato, at doon niya tuluyang inamin sa sarili ang kinatatakutan niyang sabihin. "Kung sasabihin ko sa'yo," pabulong niyang wika, "Hindi na magiging pareho ang lahat," saka niya pinisil ang litrato bago ito ibalik sa drawer, parang doon niya rin ibinaba ang isang posibilidad na hindi pa panahon para mangyari. Sa kabilang bansa, binuksan ni Jong ang phone niya at muling tiningnan ang huling mensahe ni Kecha—"Ingat ka palagi"—isang pangungusap na ngayon parang paalam na hindi niya napansin noong una. "Zao zhidao de hua," mahina niyang bulong sa dilim, "Wo bu gai tingzhi wen xiaoqu," ngunit huli na ang lahat ng sana, at ang tanging natira ay ang katahimikang patuloy nilang piniling dalawa—isang katahimikan na nag-uugnay pa rin sa kanila kahit nasa magkaibang bansa, magkaibang buhay, at magkaibang katotohanan na sila lamang ang may alam sa kalahati nito. (If I had only known,) (I shouldn’t have stopped asking,) Sa gabing 'yon, nakatayo si Kecha sa bintana ng maliit na apartment nakatanaw sa mga ilaw ng Seoul habang pakiramdam niya nasa loob siya ng isang hawla hindi dahil may pumipigil sa kanya, kundi dahil ang puso niya mismo ang ayaw makawala. "Hindi kita sinusukuan," pabulong niyang sabi tila si Jong ang kausap kahit wala ito roon, "Pero kailangan kong huminga...kahit sandali lang," saka niya ipinikit ang mga mata hinayaang pumatak ang mga luha na buong araw niyang pinigil. Halos kaparehong oras, napaupo si Jong sa sahig ng apartment niya nakasandal sa kama na parang doon lang siya pwedeng bumigay. Kinuha niya ang phone at muling nagsalita sa voicemail, hindi na umaasang may sasagot. "Ruguo ni juede hen yayi," mahina niyang wika, "Sana sinabi mo...sana alam mong hindi kita ikukulong," at sa dulo ng linya, ang katahimikan ang sumagot hindi pagtanggi, hindi rin pagsang-ayon. (If you feel like you can’t breathe,) Kinabukasan, kinausap ni Kecha ang sarili sa salamin, pilit inaayos ang mukha bago pumasok sa trabaho. "Hindi ka mahina," mariin niyang sabi, "Pinipili mo lang ang mabuhay," saka niya muling hinaplos ang tiyan, isang paalala kung bakit kailangan niyang manatiling nakatayo kahit nanginginig. Sa kabilang bansa, may kaibigang nagtanong kay Jong, "Ni zhen de bu ken fang shou ma?" at matagal siyang natahimik bago sumagot, "Bu, dan you shihou, jianchi bing bu daibiao yao fangqi cengjing xu xia de chengnuo." sabay buntong-hininga. (Aren’t you going to give up?) (No, but sometimes, not giving up doesn’t mean letting go of a promise that was made.) At doon, sa pagitan ng distansya at katahimikan, pareho nilang naintindihan kahit hindi nila ito napag-usapan na may mga relasyong hindi winawasak ng pagbitaw kundi inililigtas muna, dahil ang pagmamahal na parang kulungan hindi talaga pagmamahal at ang pansamantalang paglayo hindi katapusan, kundi isang paghinga bago muling harapin ang katotohanan kapag handa na ang dalawa. Tahimik ang airport lounge habang nakaupo si Kecha, hawak ang boarding pass na parang manipis na papel na kayang magdesisyon ng buong buhay niya. Sa bawat tawag ng flight number, parang may isang hibla ng loob niya ang napuputol hindi dahil ayaw niyang umalis, kundi dahil alam niyang sa pag-alis na ito mas lalong lalayo ang posibilidad na masabi niya ang katotohanan kay Jong. "Isang tawag lang," bulong ng isip niya pero agad niyang iniling ang ulo, pinipisil ang phone sa bag na parang doon niya ikinukulong ang lahat ng salitang hindi niya kayang ilabas. Sa kabilang banda ng alaala, bumalik ang eksena kung paanong ilang araw bago 'yon, nakatayo si Jong sa ulan sa labas ng dorm walang payong, walang malinaw na direksyon tinatanong ang sarili kung kailan naging ganito kahirap magmahal. "Wo bu zhidao ziji nali zuo cuo le," sabi niya sa kaibigang pilit siyang pinapasok sa loob, "Keshi wo zong juede, wulun wo zenme nuli rang ziji hao qilai, wo xin li de liehen, yijing wufa zai bei kan jian." (I don’t know where I went wrong,) (But I feel like, no matter how much I try to make myself okay, there’s a part of me that can’t be seen anymore.) Sa airport restroom, napaupo si Kecha sa gilid ng sink humagulgol nang walang tunog pinapahid ang luha bago ito tuluyang bumagsak. "Patawad," paulit-ulit niyang sabi hindi malinaw kung kanino—kay Jong, sa sarili niya, o sa batang tahimik na nakikinig sa loob niya—"Hindi dahil ayaw kitang piliin kundi dahil hindi ko kayang piliin ka habang nawawala ako." Nag-ring ang phone ni Jong isang missed call mula sa unknown number at sandali siyang napatingin doon may kakaibang pakiramdam na parang may dumaan at umalis nang hindi man lang nagpakilala. "Ruguo ni huilai de hua," bulong niya sa hangin, "Wo yizhi dou zai," kahit alam niyang minsan ang pangako ay hindi sapat kapag ang oras na ang humihila palayo. (In case you come back,) (I’ve always been here,) Pag-upo ni Kecha sa eroplano, isinara niya ang mga mata habang umaandar ang makina dama ang bigat ng katahimikan na siya mismo ang pumili. Hindi niya sinukuan ang pagmamahal pero pinili niyang bitawan ito sandali dahil ang pag-ibig na walang space para huminga nauuwi sa pagkawasak at ang paglayo, minsan may paraan para manatiling buo. At habang lumalayo ang eroplano sa lupa pareho silang naiwan magka-hiwalay na bansa magkaibang oras pero iisang tanong ang bumabalik sa dibdib nila: "Kapag handa na, may babalikan pa ba?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD