bc

Where is Franco?

book_age0+
277
FOLLOW
1.7K
READ
dark
drama
tragedy
twisted
like
intro-logo
Blurb

Fright Night. Tuwing huling Biyernes ng buwan, bago sumapit ang hating gabi ay nagkikita-kita ang magbabarkadang sina Ryan, Ed, Cez, Kai at Joy sa likod ng isang abandonadong gusali sa loob ng subdivision nila. Kung saan naglalaro sila ng mga larong pambata, taya-tayaan, taguan o kaya ay kwentuhan ng katatakutang may kasunod na food trip.

Last Friday before their graduation day. Last Fright Night na din ng barkada, dahil pagkatapos ng graduation ay magkakaiba sila ng High School na papasukan.

Isang sorpresa ang pagsali sa kanila ni Franco sa gabing iyon. Ang kaklase nilang isang perpekto ng modelo estudyanteng binubully sa eskwelahan. Nerd type. Matagal na nitong gustong sumali sa Friday Trip nila. Sa barkada nila. At ng gabing iyon sy pinagbigyan nila ito.

Nang gabing iyon, tagu-taguan ang laro nila, at si Franco ang taya.

At ng gabi ding iyon huli nilang nakita si Franco.

At dahil sa takot na mapagalitan at mapahamak sa kanya-kanyang magulang, inilihim nila ang Fright Night na nangyari. Nawalang parang bula si Franco sa subdivision. Walang sinoman ang makapagsabi kung nasaan ito. Wala rin silang pinagsabihan na kahit na sino tungkol sa laro nila. At nangako sa isa't isa na kakalimutan ang lahat ng nangyari ng gabing iyon. Walang Fright Night na nangyari. Ga-graduate sila at magiging normal ang buhay ng bawat isa.

At hindi nila alam, sa paglahong iyon ni Franco, tila naglaho na rin ang hinaharap nila. Susundan sila ng lihim na ibinaon nila sa limot. Susundan sila nito gaano man sila kalayo at gaano man karaming taon ang lumipas...

Takasan man nila ng paulit-ulit, susundan pa din sila ng lihim na itinatago ng bawat isa at darating ang oras na sila din mismo ang hahanap sa sagot sa tanong

Kung nasaan si Franco...

chap-preview
Free preview
Prologue
""ANG TAGAL NAMAN NI JOY,"" naiinis na sabi ni Karlo "Kai" Barcelona kasunod ang paglabas mula sa bulsa ng isang yosi at lighter. "Baka naman in-indian na tayo no'n. Eh thirty minutes na tayo'ng naghihintay sa kanya ah." "Right! And n thirty minutes Kai, that's your third yosi!" sita ng tsinitang si Princess "Cez" Lanugan. "Ano ba 'yan Kai, ang bata-bata pa natin, ang lakas mo na mag-yosi. What more pa sa pagtanda natin?!" pansin ng pinakamatangkad sa grupo na si Eduardo "Ed" Salvador. "Sisgurado ka bang darating pa 'yun Rye?" "Oo naman, sigurado ako. H'wag na kayo'ng masyadong mainip. Mababadtrip pa ba naman tayo sa huling gabi nga tagu-taguan natin?" nakangiting sagot ng mestisong si Ryan Gilbert "Rye" Untalan. It was his idea to play hide and seek. Full moon and the last Friday before their graduation day. Nakagawian na nila ng barkada na tuwing huling Biyernes ng buwan ay magkita kita sa likod ng abandonadong gusali sa loob ng subdivision bago sumapit ang hating gabi, upang maglaro ng taya-tayaan, taguan o kaya ay kwentuhan lang ng mga katatakutan na sinasabayan nila ng foodtrip. Mula Grade I ay pmagkakasama na silang limang magbabarkada. Kaya alam na nila kung paano makakapasok at labas ng eskwelahan nila ng hindi nahuhuli ng gwardya. At ito ang pinaka-espesyal na gabi ng paglalaro para sa kanila. Dahil ito ang huling Biyernes na makakapaglaro sila sa Saint Louisse Academy. "She's coming!" Halos sabay-sabay silang napalingon sa tinuturo ni Cez. Napangiti si Rye na maaninag na mula sa dilim ang maputing si Eliza Joy Ignes. Joy was his first crush and became even his puppy love. At his young age, he even tried to imagine his self marrying that girl someday. "Sorry guys, super late ako," hinihingal ma paumanhin ng dalagita ng tuluyan ng makalapit. "Oo nga pala, may kasama ako." Batid ni Rye hindi lang sya ang nawalan ng excitement ng sa wakas ay mapansin ang binatilyong kasunod ni Jam, na hinihingal din. ********************* "JOY, SINO'NG KASAMA MO?" sa wakas ay basag ni Ed sa namuong katahimikan ng barkada. "Francisco Torres. I mean, Franco. Klasmeyt natin sya, ano ba kayo," nakangiting tugon naman ni Joy na nagtanggal ng suot na baseball cap at sinuklay ng mga daliri ang mahabang buhok. "Yeah right, Joy, of course we know him!" Parang gustong mainis ni Cez sa tinugon na iyon n Joy. Sino ba naman ang hindi makakakilala kay Francsico Torres, eh isa ito sa pinaka-popular na estudyanye sa campus. Ang average height na binatilyo na sobrang payat at tila tutumba anumang oras na umihip ng malakas ang hangin, may suot ito'ng makapal na salamin na lalong nagpabilog sa mga mata nito, may bakod ng bakal ang sala-salang mga ngipin, weirdong gupit ng buhok na perpektong hugis ng kalahati ng bao ng niyog at laging may makapal na tuwalya sa likod. Ito na yata ang perpektong modelo ng estudyanteng binu-bully sa mga palabas sa T.V. "Guys, isn't it obvious? He's here to play with us," nakangiti pa ring tugon ni Joy na hindi pinapansin ang inis sa mga mukha ng kasama. Inaasahan na nya ang mga reaksyong iyon ng barkada. Samantalang tila ngayon lang nakakabawi ng paghinga si Franco. Mula kasi sa gate ay hindi na ito tumigil sa pagtakbo at pagtago kasama si Joy,upang maiwasan ang ilaw ng lente ng gwardyang nagbabantay. "Pero Joy, baka ito na ang huling gabi ng Friday Trip natin, bakit nagsama ka pa ng asungot?" si Ed muli ang nagtanong. "Franco is not asungot. Matagal na niyang gustong sumali sa Friday Trip natin, ayaw lang natin. Ayaw nyo lang," Joy explained. Magkakatabi sila ng barkada sa upuan sa klase at katabi niya sa kabilang upuan si Franco. Kahit kailan ay hindi ito nagdamot ng sagot sa barkada nila tuwing may mga exam at quiz,kahit pa minsan ay binubully ito nina Rye. "You mean, you told him about our last Friday Trip? What if nagsumbong 'yan? What if -" "I-i'm not.that type of person. And Joy didn't tell me about this game," lakas loob na singit ni Franco. Hindi nito gusto na awayin si Joy ng barkada,kaya kahit takot at walang kasiguraduhan at nagsalita ito. "I just heard it from Cez and you,Ed, sa canteen kanina. Pinag-uusapan nyo kung anong pagkain ang bibilhin nyo para sa Friday Trip na 'to." "See? Saka tatlong bahay lang ang pagitan namin 'di ba, kaya paglabas ko kanina at pagdaan sa bahay nila, hinihintay na pala niya ako. Saka guys, he brought a lot of foods,oh,"" turo niya sa malaking backpack na dala ng katabi. "May tsibog naman pala eh," ani Kai kasunod ang pagbuga ng usok ng sigarilyo sa bibig. Napangiti naman si Joy ng makaramdam na tila nakahanap siya ng kakampi sa wakas. Ibinaling niya ang mga tingin kay Rye na seryosong nakatitig kay Franco. "Rye..." Narinig ni Rye ang reklamo ni Cez at Ed, at may punto ang mga ito. "Can we play with him tonight?" Sinalubong na ni Rye ang nakikiusap na tingin ni Joy. "Please..." Alam ni Joy na hindi sya kayang tanggihan ni Rye. Ngunit alam niya din ang pagkainis ng kaibigan kay Franco. Ito yata ang number one sa pambubuli sa binatilyo. "Pumayag kana Rye, if you really want to make our last Friday Trip most memorable at all," nakangising sabi ni Kai na sa ilong naman pinalabas ang usok. Nakaramdam ng kaba si Joy sa pagtahimik ni Rye. Sa kauna-unahang pagkakataon yata ay mabibigo at matatanggihan siya nito. Ilang segundo pa ang lumipas, at lahat ay naghihintay sa mgiging desisyon nga pinakamatanda sa grupo. Rye sighed. "Okey, he's in." "But Rye -" "It's final Ed, Franco is in." "You're the best Rye!" Mahigpit niyang niyakap ang binatilyo. It's final, walang sinoman ang maaaring bumali ng desisyon ni Rye. Mabilis niyang binalikan ang kintatayuan ni Franco at hinawakan ang mga kamay nito. "You're in!" Hindi na rin napigilan ni Franco ang mapangiti sa sobrang tuwa. Naging dahilan iyon upang magtawanan sina Kai, naglabasan kasi ang mga sala-sala nitong ngipin na may kawad na nakapatong. ************ "LET'S START NA. Past one o'clock na oh. In three hours, magigising na si mommy," ani Ed. "Maiba taya na tayo," yaya naman ni Cez. Ibinaba na ni Franco ang malaking backpack na dala upang makapaghanda na sya. Nasa ikatlong taon na sya ng pagaaral ng magtransfer sa Saint Louisse Academy, at sa ikatlong linggo nya sa eskwelahan, sa kabila ng pambubully nina Rye ay nais pa din nya mapabilang sa barkada nito. Dahil na rin siguro kay Joy. Bukod sa ito na yata ang pinaka-cute niyang naging kaklase, (dahil sa dalawang biloy nito sa magkabilang pisngi) ito rin ang kauna-unang kaklase niya ang pumansin sa kanya. Unang araw pa lang niya noon ay inalok na siya nitong umupo sa katabing upuan dahil wala daw nakaupo doon. Hinding hindi niya makakalimutan ang araw na iyon. Kaya kahit hindi siya tinatanggap na barakada na mapasali sa grupo ay gumagawa na lang siya ng ibang paraan upang mapalapit dito. Tuwing oras ng exam o quiz ay pinapakopya niya ang mga ito ng sagot niya at sa tuwing may group project ay sa barkada siya ni Joy sumasali kahit laging siya lang mag-isa ang gumagawa niyon. Ganoon halos umikot ang buhay estudyante niya ng sumunod na apat na taon. At dahil sa paghanga kay Joy ay hindi naging lingid sa kaalaman niya ang Friday Trip ng barkada tuwing huling Biyernes ng buwan sa likod ng abandonadong gusali ng subdivision nila. At ng marinig nya ang pag-uusap nina Cez at Ed sa canteen kanina tungkol sa huling gabi ng Friday Trip ng mga ito, ay gumawa sya ng paraan upang makasama sa huling gabi na iyon. Kahit pa walang kasiguraduhan kung papasalihin nga ba sya ng barkada. Nagbaon sya ng maraming pagkain sa backpack ng gabing iyon at ng masiguradong tulog na ang mga magulang ay tahimik siyang lumabas ng bahay. Iyon ang unang pagkakataon na lumabas sya ng bahay ng ganoong oras kaya sinuot niya ang pinakamakapal niyang jacket na kulay asul. At dahil madadaanan ni Joy ang bahay nila bago makarating sa usapang lugar ay hinintay niya ito sa may gate. At kagaya ng inaasahan niya,hindi man din ito sigurado sa magiging tugon ng barkada ay pinasama siya ng dalagita. "Bakit pa tayo magmamaiba taya eh nandyan na ang taya?" sabi ni Kai. "Sino? Nagmaiba taya na ba kayo kanina?" takang tanong ni Joy. "Hindi pa Joy. H'wag na tayo magmaiba taya, since may bago naman kasali sa grupo, siya na dapat ang unang taya. Hindi ba Franco?" Napatigil si Franco sa ginagawang pag-aayos ng nagsisiksikang tsitsirya sa loob ng bag ng marinig ang pangalan at napalingon sa nakangising si Kai. "A-ako ang taya?" "Right. Since ikaw ang bago sa gabing ito,ikaw ang unang taya," tugon nito. "Ayaw naman yata Kai eh" naiinip na sabi ni Ed. Umikot ang paningin nya sa paligid. Mabuti na lang at maliwanag ang buwan kundi malamang wala na siyang kahit na anong makita. "Tara na magmaiba taya para makapaglaro na tayo," muling yaya ni Cez. "Ano na?" si Rye ang nagtanong na sa kanya nakatingin. Napatingin din siya kay Joy. Maging ito ay tila naghihintay ng tugon niya. "S-sige. Okey lang. Ako na ang taya." "At last! Oh mamaya mo na ayusin yan 'tol. Pumunta ka na sa pwesto mo," turo ni Kai sa malaking puno. Mabilis niyang ibinalik ang ilang piraso ng tsitsirya sa loob ng bag at muli iyong isinara. "Galingan mo sa paghahanap," nakangiting sabi ni Joy ng mapadaan siya sa kinatatayuan nito. Pakiramdam niya,muli niyang naramdaman ang init ng mga palad nitong nakahawak sa kamay niya kanina. "I-i will," tugon niya na sinabayan pa ng mga tango. "Game na! Franco, pwesto kana do'n," utos ni Rye. "Oo," patakbo siyang lumapit sa puno na hindi naman kalayuan. "Game na!" aniyang humarap sa malaking puno at pumwesto na. "Tagu-taguan, maliwanag ang buwan," nakaramdam sya ng excitement. Ngayon lang sya makakapaglaro nito sa tanang buhay niya. "Pagbilang ko'ng tatlo nakatago na kayo! Isa... Dalawa... Tatlo!" Pakiramadam ni Franco, nawala ang kanina ay excitement na nararamdaman niya ng tumalikod mula sa puno. Napakalamig kasi ng hangin ang sumalubong sa kanya. Mas malamig pa kaysa sa hangin na nilalabas ng nakatodong aircon sa loob ng kwarto niya. Nakita niya ang pagsasayaw ng mga dahon at mumunting sanga ng mga puno sa paligid. Bahagya niyang itinaas ang salamin at kinusot ang mga bata bago tumingin sa bilog at maliwanag na buwan. Tahimik niyang ipinagdasal na walang makapal na ulap ang tumakip dito mamaya. Game na. Isang napakalalim na buntong hininga ang pinakawalan niya kasunod ang paggala ng paningin sa paligid. Mahahanap ko kayong lahat... ************ "SAVED!" bulalas ni Ed ng makalapit at matapik ng malakas ang puno. Ramdam niya ang malamig na hangin sa kabila ng pamumuo nga pawis sa noo. Ang layo kasi ng pinagtaguan at tinakbo niya bago marating at matapik ang puno na iyon. Ilang sandali pang paghingal ang ginawa niya bago wala sa loob na napatingin siya sa buwan ng makabawi na ng hangin. Napakaliwanag nito sa perpektong hugis ng bilog. 'Full moon pala? Para tuloy kaming mga character sa isang horror movie neto,' naisip niya ng makaramdam ng kakaibang lamig sa hangin. Praning! "Paano ba 'yan, Ed, ikaw ang taya," nakangiting sabi ni Kai kasunod ang paghithit sa hawak na sigarilyo. "Huh? Bakit ako? Ako yata ang kahulihan na lumabas ah, sino ba unang nahuli?" takang tanong ni Ed. Matatalo pa yata siya sa pustahan nila ni Rye na kung sino sa kanilang dalawa ang maging unang taya sa huling gabi ng Friday Trip nila na iyon, ay manlilibre sa buong barkada ng pinakamahal na pagkain sa canteen, sa mga natitirang araw nilang magkakasama. "'Yun na nga eh, walang nahuli sa 'men," si Cez ang sumagot. "Ang tagal ko na nga nagtatago kaya lumabas na ako. Kanina pa kaya kami dito." "Right! Kaya since walang nahuli o nataya at ikaw ang kahulihang lumabas, alam mo na ibig sabihin no'n," nakangiting sabi ni Rye na tila alam na ang iniisip niya. "Walang nahuli? Teka, sino ba'ng taya kanina? 'Di ba dapat iyon ulet ang taya?!" muling tanong niya na tila nakalimutan ang mga nangyari kanina bago magsimula ang laro nila. "Guys..." Halos sabay-sabay silang napalingon sa madilim na bahaging kinatatayuan ni Joy. Nakatiklop ang magkabilang braso nito at bakas sa mukha ang labis na pag-aalala. "Guys, where is Franco?" __/// comment please.. thank you! ;) :) :D

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Guillier Academy ( Tagalog )

read
184.8K
bc

PROFESSIONAL BODYGUARD ( Tagalog )

read
171.4K
bc

ANG NABUNTIS KONG PANGIT

read
477.6K
bc

A Soldier's Love Montenegro

read
69.3K
bc

Mhorric Soliven: The Billionaire's Maid

read
442.1K
bc

My Wife is a Secret Agent (COMPLETED)

read
326.1K
bc

Married To A Billionaire

read
1.0M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook