CHAPTER 5

1478 Words
Tahimik ang biyahe pauwi. Nasa passenger seat ako ng luxury SUV ni Lucien, habang siya naman ay seryosong nagmamaneho. Wala ni isang salita ang bumitaw mula sa kanya. Pero kahit wala siyang sinasabi, nararamdaman ko siyang nagmamasid. Hindi niya ako tiningnan kahit isang beses. Pero sa bawat paghinto sa traffic light, ramdam ko ang kaba sa pagitan naming dalawa. Yung tipong gusto mong magsalita, pero hindi mo alam kung saan magsisimula. “May pinakain ako kay Noel bago ako sumunod sa ‘yo,” bulong niya, hindi tumitingin. Napalingon ako sa kanya. “Hindi ko na siya ginising. Sabi ng nurse, pagod daw siya. Pero kinumpleto na nila ‘yung gamot.” Tumango lang ako. “Thank you,” bulong ko, halos hindi naririnig. “Hindi mo kailangang magpasalamat, Clara,” sagot niya, mahina pero matatag. “Kapatid mo siya. Pero asawa kita.” Hindi ko alam kung bakit parang mas mahirap pakinggan ‘yon kaysa sa dapat. Asawa kita. Pero bakit parang hindi ko siya makilala? At bakit pakiramdam ko, hindi niya rin ako kilala? Pagdating namin sa mansyon, dumiretso ako sa kwarto. Walang imik. Wala ring pahabol na tanong mula kay Lucien. Wala siyang pinilit. Parang binigyan niya akong magdesisyon kung gusto ko pa siyang harapin. Pagkapasok ko sa loob, napaupo ako sa kama. Nakasara ang mga kurtina. Tahimik ang buong paligid, pero sa loob ko, ang ingay. Pinikit ko ang mga mata ko. Pero imbes na mapahinga, bigla kong naalala ang isang bagay. Yung tingin ni Lucien bago niya ako sunduin. Hindi ‘yon tingin ng isang lalaki na galit. Hindi rin ‘yon tingin ng isang lalaking nagmamanipula. It was grief. At doon ko lang napagtanto kung gaano kabigat para sa kanya ang lahat. Kinabukasan, may dumating na package habang nasa hospital ako kay Noel. Akala ko ay pagkain, o bagong gamot. Pero nang buksan ko ‘yung maliit na box, isang silver bracelet ang laman. Simple lang ito. Pero sa tagiliran ng pendant, may nakaukit: “Para sa pamilyang pinili ko.” Walang pangalan ng sender. Pero alam kong si Lucien ‘yon. Bigla akong napahawak sa dibdib ko, saka napangiti ng mahina. Pero kasabay ng ngiting ‘yon, may kirot din. Bakit ngayon pa kita naiintindihan, Lucien? Pagdating ko sa bahay ng gabing ‘yon, inabutan ko siyang nasa veranda. Nakasando at pantalon lang siya, may hawak na yosi pero hindi sinindihan. “Hindi ka kumain ng lunch,” bati niya, hindi ako tinitingnan. “Hindi ako gutom,” sagot ko, mahina pero hindi matigas. “Pero gusto kong kumain ka.” Napatingin ako sa kanya. “Pwede ba akong tumanggi?” tanong ko, pilit ang ngiti. Ngumiti siya, matipid. “Sa ‘kin? Pwede. Sa sarili mo? Hindi dapat.” Lumapit ako nang dahan-dahan, saka umupo sa tapat niya. Tahimik. Wala akong masabi. Hanggang sa siya na ang nagbasag ng katahimikan. “May babalik.” “Ha?” tanong ko. “Si Anya.” Boom. Parang may sumabog sa tenga ko. “Ex mo?” Tumango siya. “She’ll be in Manila next week. Business-related daw.” “Okay.” Pero hindi okay. “Clara…” “Teka lang,” putol ko. “Wala akong karapatang magselos, ‘di ba?” “Hindi ko sinabing magseselos ka.” “Pero iniisip mong magseselos ako.” “I want to be honest with you,” seryoso niyang tugon. Napatingin ako sa kanya. Lalim ng titig niya. Matatag. Walang halong guilt. Pero may tension. “Totoo bang tapos na kayo?” tanong ko, halos pabulong. “Oo. Matagal na.” “Pero may parte pa rin ng puso mong hindi ko hawak.” Hindi siya sumagot. At doon ko napatunayan na minsan, ang katahimikan mas malakas pa sa oo o hindi. Kinabukasan, nagpa-schedule ako ng therapy session para kay Noel. Habang nasa hospital kami, may narinig akong bulungan mula sa hallway. “She’s the wife of Lucien Valderama. The infamous Valderama.” “Kaya pala ang tahimik niya. Parang hostage!” Napapikit ako. Hindi ako hostage. Pero bakit parang mas malaya pa ako nung wala ako sa piling niya? At bakit kahit gano’n… hindi ko kayang layuan siya? Hindi ko balak na sundan siya. Pero hindi rin ako makatulog kagabi. Kaya nang bumangon ako ng alas-dos ng madaling araw para uminom ng tubig, at makita kong nakabukas ang pinto ng opisina niya, sumilip lang naman ako. Aaminin ko, curious ako. Nakita ko siyang nakaupo sa mahabang leather chair, nakaharap sa laptop. Nakabukas ang bintana, at malamig ang simoy ng hangin. Pero ang mas nakakuha ng atensyon ko? Yung babaeng nakatayo sa gilid ng mesa niya. Si Anya. Tall, flawless, elegant. She looked like the kind of woman that belonged in Lucien’s world. Suot niya ang isang silk cream-colored dress na parang sinadya para mas lalong ipaalala sa ‘kin kung gaano kami kaibang dalawa. Napalunok ako. I couldn’t hear their words, pero kitang-kita ko ang body language. Nakayuko si Lucien habang may hawak na dokumento. Pero si Anya… she was leaning closer. Masyadong malapit. Too close. Bigla siyang tumawa. At si Lucien? He looked up and smiled. Doon ako umatras ng konti. Pakiramdam ko sinuntok ako sa sikmura. Pero bago ako makatalikod, biglang lumingon si Lucien. Nagkatinginan kami. Nanigas ako sa kinatatayuan. Hindi siya kumurap. Ako ang unang umiwas, saka mabilis na bumalik sa kwarto ko. I don’t know why I couldn’t stop shaking. Maybe it’s the jealousy. Maybe it’s the humiliation. O baka dahil ang sakit lang makita na may ngiti siyang ibinibigay sa iba — na hindi ko pa nararanasan mula sa kanya. I hugged myself as I sat on the edge of the bed. Gusto ko siyang awayin. Gusto ko siyang tanungin kung bakit siya ngumiti doon sa babaeng ‘yon? Pero may boses sa loob ko na nagsasabing… hindi mo siya pagmamay-ari. Pero hindi rin niya ako pagmamay-ari, ‘di ba? Pero bakit parang ginagawa niya akong bilanggo sa pagitan ng puso at katawan ko? Kinabukasan, hindi kami nag-usap. Ilang beses ko siyang nadaanan sa hallway, pero hindi siya tumitingin. Not until dinner. Pagbaba ko ng dining area, nakaayos na ang table. Maganda ang pagkakapresent ng pagkain, tulad ng dati. Pero ang presensya niya sobrang intimidating. He pulled out a chair for me. I didn’t sit. “Okay lang ako,” mahinang sabi ko. Naglakad siya papalapit. Mabagal. Walang ekspresyon. “Upo,” utos niya. “Lucien—” Pero bago ko pa matapos ang pangalan niya, hinawakan niya ang braso ko at marahang ibinaba sa upuan. “Don’t test me tonight, Clara,” bulong niya sa tenga ko. “Not when I’m trying to be patient.” Napakagat ako sa labi. Gusto ko siyang hamunin. Pero natatakot akong baka hindi ko kayanin ang reaksyon niya. Tahimik kaming kumain. Hanggang sa hindi ko na napigilan. “Masaya ka kagabi?” Nagtama ang mga mata namin. “Ano’ng ibig mong sabihin?” malamig niyang tanong. “Nothing. Baka lang kasi mas comfortable kang kasama ang ex mo kaysa asawa mong napadpad lang sa buhay mo dahil sa kontrata.” Nanigas ang panga niya. “Watch your mouth.” “Bakit? Nakakahiya bang totoo?” Tumayo siya. Bigla. Hinampas niya ang table hindi malakas, pero sapat para mapatigil ako. “I never lied to you, Clara. I told you she’s coming. I told you I have a past. But you” nilapitan niya ako, at ngayon, nakaluhod na siya sa harap ko, hawak ang magkabilang armrest ng upuan ko trapped ako “you’re the one pretending this marriage means nothing, when you’re the one who started looking at me like I’m more than just a monster.” Shit. Bakit parang gusto kong umiyak? “Let me go,” pabulong ko. “No.” “Lucien—” Bigla niyang hinawakan ang baba ko. Gentle, pero matatag. Napatingin ako sa kanya. “I want you to say it.” “Say what?” “That you didn’t feel anything last night. Nang makita mo akong ngumiti sa kanya.” Hindi ako sumagot. “I want you to lie to my face, Clara.” “…I didn’t feel anything.” Natawa siya. Pero walang saya. “You’re such a bad liar.” At bago ko pa siya matulak, sinunggaban niya ang labi ko. Walang pag-aalinlangan. Mainit. Marahas. Mabigat ang halik niya, parang gusto niyang ilabas lahat ng galit at sakit na hindi niya maamin. At sa halip na tumutol ako… gumanti ako. Hinawakan niya ang batok ko habang nilalalim pa ang halik. Napaupo ako pabalik sa silya, hinihila siya palapit. Hanggang sa pareho kaming hingal na hingal. Puno ng tension ang paligid. Halos magdikit ang mga labi namin habang kapwa namin hinihintay kung sino ang bibitaw. Pero si Lucien ang nagsalita. “You’re mine, Clara.” “You can’t own me.” “Then don’t look at me like I already do.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD