THIRD PERSON POV Mabilis na nagsara ang pinto ng Operating Room, at kasabay noon ay tila nagsara rin ang mundo sa labas para kay Evan. Sa loob, malamig ang hangin hindi dahil sa aircon, kundi dahil sa tensyong bumabalot sa buong silid. Kumislap ang malalakas na ilaw sa kisame, tumama sa duguang katawan na ngayon ay nakahiga nang walang malay sa operating table. Ang dugo ay bahagyang natuyo sa kanyang balat, may iba pa’y patuloy na tumutulo, hinahabol ng mga kamay na sanay na sanay sa ganitong laban sa oras. “BP dropping,” seryosong sabi ng anesthesiologist habang nakatingin sa monitor. “Heart rate unstable,” dugtong ng nurse. Huminga nang malalim ang lead surgeon, si Dr. Alonzo, habang nakatitig sa sugat sa dibdib ni Evan. Sa unang tingin, mukhang daplis lamang ng bala but the body wa

