MATAPOS masinsinang kausapin nina Six at Marijean ang mag-asawang sina Bettina at Matteo, naging malinawag na sa kanila ang lahat ng mga nangyayari. Ipinangako ni Bettina na hindi na siya makikialam sa kung ano man ang magiging desisyon ng anak. Silang mag-asawa naman ang nag-usap kinabukasan kung ano ang pwede nilang gawin sa binabalak ni Temyong. Hindi nila pwedeng ipagsawalang-bahala ang ginawa ng lalaki kaya inutos agad ni Matteo na dagdagan ang security personel sa loob at labas ng mansyon. Sa guard house pa lang ay hindi na maaaring makapasok ang lahat ng sasakyan kung wala itong sticker o access card na ipapakita sa gwardiya. Hindi na dapat silang masalisihan ng lalaki at baka magtagumpay na ito sa kung ano man ang balak nito sa kanilang mag-anak—lalo na kay Bettina. Hindi nag

