“GUSTO kong humingi ng pasensya sa iyo, Aia. Hindi mo ako dapat nakita sa ganitong kalagayan. Malakas pa ako noong magpunta ako rito sa Maynila. Hindi ko alam kung ano ang nangyari at nagkasakit ako nang malubha,” wika ni Carlos habang nasa hardin sila ni Gaia. Doon silang dalawa nag-almusal. Nagpahanda si Kye ng tsaa para sa dalawa at clubhouse sandwich para kay Gaia. Hindi ito umiimik at nakikinig lang sa kwento ng ama. “Kumusta ka? Kumusta ang naging buhay mo pagkatapos ng nangyari?” tanong nito sa kanya. “Hindi naging madali ang lahat sa akin, Papa. Napakarami kong naging tanong na hindi naman kaagad nasasagot noon. Palagi kong tinatanong kay Tito Jessie kung ano ang nangyari kay Mama at kung kailan mo ba ako kukunin pero wala akong sagot na nakuha sa kanila.” “Hindi rin nila

