PUNO ng kaba ang dibdib ni Gaia habang pinapanood niyang minamaneobra ni Lucas ang sasakyan sila umalis. Gustong-gusto niya nang makita ang ama ngunit hindi niya alam na kung ano ang aasahan dahil ilang taon silang hindi nagkita. Naaalala niya kung ano ang itsura nito bago pa man sila iwan nito. Pero ngayong napakatagal nang panahon na hindi sila nagkita, hindi niya alam kung ano ba ang aasahan sa mangyayari. “Gaia, ayos ka lang?” tanong ni Tristan. “Hindi ko alam. Basta ang alam ko lang, kailangan ako ni Papa ngayon.” Wala siyang mabanaag na emosyon sa mukha ng pinsan habang hinihintay nilang buksan ni Lucas ang bintana upang pasakayin sila. Nalulungkot siya dahil alam niyang sumama ang loob sa kanya nito ngunit iyon ang dapat niyang gawin. “Hop in.” Nakita nila ang pagsilip ni

