Kabanata 86

2252 Words

NERBYOS at kaba ang nararamdaman ni Tristan habang binabagtas niya ang isang malawak na kalsadang nagtutulay mula sa café ni Lucas at cake shop ni Kye. Nakikita niya si Carlos na nakaupo sa al freco dining habang palapit siya nang palapit doon. Kaya mo ‘to, Tristan. Para kay Gaia ang ginagawa mo. Pagtawid niya sa pedestrian lane ay inayos niyang muli ang pagkakalukot ng damit at saka naglakad ulit. Ngayo’y nasa likod na siya ni Carlos ngunit hindi niya alam kung ano ang unang sasabihin. “E-excuse me…” Lumingon ang lalaki pagkatapos niyang magsalita. Hinaguran siya ng tingin mula ulo hanggang paa at saka ngumiti. “Ikaw na ba si Tristan?” tanong nito sa kanya. Nakangiti siyang tumango kaya mabilis na tumayo ang lalaki at pagkatapos ay niyakap siya nang mahigpit. “K-kumusta po kayo,

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD