NAGSIMULA na ang kasiyahan nang kumagat na ang dilim sa isang napakalaking private resort kung saan dinaraos ang reception sa kasal nina Asher at Chesca. Natapos na ang lahat ng seremonya at nagkakasiyahan na lang sila ngayon sa isang bar kasama ang iba pa nilang mga pinsan at kaibigan. Habang silang mga kalalakihan ay naroon sa isang mahabang sofa. “Nandiyan pa rin si Tito? Ayaw niya bang sumali sa usapan natin?” Kumpleto silang naroon. Magkatabi ang magkapatid na Kim, si Mikhail, Landon, Kye, at si Asher. “Naku, mukhang heartbroken ‘yan si Tito,” daldal ni Janus sa kanila kasabay ang pag-inom ng pineapple juice na mayroong kaunting alak. “Si Tito? Brokenhearted? Alam na namin ‘yon. Hindi naman mawawala sa puso niyan si Angelika. “Eh, paano kung hindi na dahil kay

