PAGBABA nina Lucas sa sasakyan matapos ayusan para sa kasal ni Asher ay nakita niya na ang pinsan sa labas pa lang ng simbahan. Nakasuot siya ng isang light blue tuxedo na at dark blue bow tie. Nakaayos ng brush up ang buhok nito sa unang pagkakataon. Habang sila naman ay nakasuot ng puting longsleeves na may kulay itim na clip on suspenders at light blue na bow tie. Ang mga maid of honors at bridesmaid naman na naroon na ay nakasuot ng kulay light blue off shoulder long dress na mayroong mga sequins mula sa baywang pababa. Hindi makikita ang mga paa nito dahil sayad sa lupa ang pagkakatabas ng chiffon at silk na mga telang ginamit. Ang mga nakatatandang naroon ay nakasuot ng kulay blue na Filipiña. Ito rin ang suot nina Marijean, Bettina, at ng mga ninang nina Asher. Nakaitim na

