PAULIT-ULIT na nag-re-replay sa utak ni Lucas ang nakaaawang itsura ni Gaia kanina habang lulan ng stretcher nang dumaan sa kanyang harapan. Hindi niya akalaing ganoon ang sasapitin ng babae sa insidenteng ito. “Ang tagal naman yata nilang mahanap ‘yong location,” puna ni Mikhail habang narito sila sa gutter ng sidewalk sa labas ng condo building. Sa wakas dahil matapos ang isa’t kalahating oras ay naapula na ang apoy na dahilan kung bakit nasa ospital ngayon hindi lang si Gaia kundi ang iba pang apartment dwellers na naapektuhan ang mga unit dahil sa sakuna. Hanggang ngayon ay hinihintay nila ang signal ng mga pumasok na agents sa lokasyon ni Temyong dahil naisip na ni Lucas ang gagawin sa lalaki kung sakali mang magkita silang dalawa. “Hindi ba kayo nagtataka kung bakit natunton

