“HAHANAPIN kita, Aia…hahanapin kita…” Matapos marinig ang nakakatakot na tinig na iyon ni Temyong ay napabalikwas ng bangon si Gaia mula sa ilang oras na pagkawala ng malay. Pakiramdam niya ay nilulunod siya ng lalaki sa tubig kaya siya nagising nang humihingal. Nakita niya ang pagkagulat sa mga mga nina Jessie, Nicole, at Tristan na kasalukuyang nag-uusap sa couch nang magising siya. “Gaia…” Agad siyang dinaluhan ng tiyahin at niyakap nang napakahigpit. “My God, ano bang nangyari sa ‘yo?” “Gaia…I am really really sorry kung iniwan kitang mag-isa. Hindi ko na uulitin, promise.” Kasunod ng ginang ay niyakap ni Tristan si Gaia na nabunutan ng tinik sa dibdib dahil nagkamalay na ito pagkatapos ng ilang oras. Walang problema sa CT scan ni Gaia. Mabuti na lamang at hindi malala ang

