Kabanata 66

2151 Words

HABANG naka-break sina Gaia at Kristel, humupa naman ang pagdumog ng maraming tao sa café. Halos naupo na sina Lorice at Layne sa bakanteng upuan na naroon habang bilang na lang sa kamay ang mga taong nasa loob. “Paano nakaya ng dalawang iyon ang ganoon karaming tao?” ani Lorice at saka nagpunas ng pawis sa noo. “Walang imposible sa mga masisipag, ano ka ba? Ganyan ka rin kaya dati,” saad naman ni Layne na kasabay siyang nagpapahinga sa kabilang table. Sina Lucas ang tumatanggap ng mga order sa counter. Si Wilkins naman ang nagtitimpla habang si Janus ang naglalagay ng mga ito sa plastics kung take out. “Grabe. Ang sipag nila, ano? Lalo na si Mr. Kim, iba ang aura niya today. Masyadong energetic at buhay na buhay siya,” komento pa ng lalaki. “Hay naku. Ganyan talaga kapag in love.”

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD