MABUSISING pinaghahandaan nina Lucas ang pagsalakay nila sa bahay kung saan dinala ni Temyong sina Elsa, Gaia, at Matteo. Naroon ang iba sa dining area habang nag-uusap-usap habang sina Landon, Gibson, Janus, at Brandon ay naroon pa rin sa mga screen at hininhintay ang muling pagtawag ng lalaki. “Ilang beses lang akong nakarating doon pero kinabisado ko na ‘yong lugar. Hindi naman mahirap gawin ‘yon kahit na may kalakihan,” saad ni Carding matapos niyang makumpleto ang pag-sketch sa bahay nito. Maski ang likod-bahay ay detalyado rin. “Hindi niya ba nasabi kung paano naging sa kanya ‘yong bahay?” “Wala. Kahit pa naman noon wala siyang sinasabing impormasyon sa akin kung saan niya nabili ang bahay na ‘yon o ano. Pero doon niya ako unang dinala nang magpasama siya sa akin isang gabi. Hi

