NAGMAMADALING nagpunta si Steve sa ospital na sinabi ng lalaking kausap niya sa cellphone kanina. Pagdating niya roon ay nagpunta siya agad sa nurse station upang ipagtanong nasaan ang ward ng ginang. Hindi siya tumigil sa paglalakad kahit na humahangos na siya. Kailangan niyang ipagtanggol ang sarili dahil wala talaga siyang kaalam-alam sa ibinibintang nito sa kanya. Nang marating niya ang room number na ibinigay sa kanya ng nurse ay agad siyang kumatok. Sa ikalawang subok niyang katukin ang pinto ay bumukas ‘yon. Tumambad sa kanya ang isang lalaking mas matangkad sa kanya nang kaunti at mapanga. Nakatupi ang manggas ng suot nitong puting long sleeve polo hanngang siko. “A-ako si Steve. Please, kaya kong magpaliwanag sa inyo pero sinisiguro kong hindi ako ang may kasalanan ng pagka—“

