Kabanata 131

2205 Words

‘TANG INA, buti na lang talaga nakauwi na ako…   Kanina pa sinasabi ni Nyel ang mga katagang iyon sa kanyang isipan habang naglalakad sila palabas ng bahay ni Temyong. Sampu sila ngayong bumababa ng hagdan at tumambad sa kanila ang isang L300 na sasakyan.   Narinig niya ang mga mala-bubuyog na pagsasalita ng mga kasama. Palagay niya’y kahit ang mga ito ay hindi alam kung ano o saan sila pupunta ngayong gabi.   “Pumasok kayo sa loob. May importante lang tayong pupuntahan,” sabi sa kanila ni Temyong habang inuubos sa paghithit ang isang sigarilyo.   Sa itsura pa lamang nito ngayon, masasabi niyang medyo marami ang nahithit nito ngayong gabi. Walang nakakaalam sa kung ano ang pinaplano nito at walang gustong magtanong pagkatapos ng naging sagutan nila ng kapatid niyang si Elsa.  

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD