PABALAGBAG na binuksan ni Temyong ang pinto kasama ang lima pang lalaking nahiram niya kay Wilson na kasama niya noon sa La Consolacion. Sanay sa sagupaan ang mga ito at game na game sa pagkitil ng buhay. Natuwa rin siya na dumating na ang regalo sa kanya ni Saul. De-kalibreng mga baril ‘yon na talaga namang mahal kung bibilhin sa black market. “Igapos n’yo na ‘yang mga ‘yan!” sigaw na utos niya. “Teka! Si Elsa, pwede ba natin siyang dalhin sa ospital?” nag-aalalang tanong ni Gaia. Napatingin siya sa babaeng namimilipit sa sakit. Nakita niya rin ang duguang damit nito at maski ang sahig ay mayroon ding bahid ng dugo. Bahagya siyang natakot dahil buntis ito. Napalunok siya matapos siyang tingnan ni Elsa. “Igapos n’yo na sila!” muli niyang sigaw. “Hindi ka ba nakukunsensya sa ginag

