NAKAHANDA na si Lucas sa pagpasok sa gate na isang tao lang ang kasya. Nasa likod niya sina Kye at Asher na katulad niya ay mahigpit din ang pagkakahawak sa mga baril. “Kumusta kaya sina Tito Six? Medyo kinakabahan ako sa assignment mo na ‘to, Lucas,” ani Asher habang sinisipat ang paligid. Hindi siya sumagot. Dahan-dahan niyang hinila ang lock ng gate at sinusubukang hindi makalikha ng kahit na katiting na ingay mula roon. Isang pulgada pa lang ang nabubuksan niya ngunit napaatras na sila kaagad sa pagtama ng bala sa lagay na ‘yon. “Hindi tayo makakapasok sa loob kung ganyan,” ani Kye. “Landon, nasaan ka?” “Nandito ako sa itaas,” bulong ng lalaki. “Hindi ka sumama kina Tito?” “Nahuli ako at nahuli sila sa loob.” Nagtinginan silang tatlo. “Ano?! Paano’ng nahuli?” “Mukhang pi

