Kabanata 4

2078 Words
TANG INA ka kasi, eh! Pinag-aaral ka nang husto ng ina mo, puro katangan ang inatupag mo sa buhay. Tanga ka na nga in real life, tanga ka pa sa pag-ibig! putak ni Gaia sa kanyang utak habang pasakay sa jeep patungo ng Marikina. Mas lalong hindi siya napakali noong maupo siya sa dulong bahagi nito at nang umandar na. Nakayakap siya sa hawakan nito habang mukha ay nakadikit din sa bakal na iyon. Hindi niya hinintuan ng tingin ang tanawin sa labas kahit na puro sasakyan naman ang kasunod ng sinasakyan niya. Kung wala lang sanang pasaherong nasa loob noon ay baka ilang beses niya nang inuuntog ang ulo sa kahit anong matigas na bagay na makita niya. Aminin man niya o hindi, nakakahiya ang ginawa niya kanina. Nakita niya pa ang mga judgemental na tingin ng mga taong dumaraan sa harapan nila pagkatapos niya itong masuntok. Sana okay lang siya. Hindi naman siya hihimatayin sa suntok na 'yon kasi hindi naman mabigat 'yong kamay ko. Pero habang iniisip niya ang mukha noong lalaki ay mas lalo siyang nabagabag, naupo nang maayos, at niyakap ang sarili na tila ba ginaw na ginaw. Paano kung may teleportation powers pala iyong lalaking iyon? Paano kung bigla siyang sumulpot sa harapan ko tapos hawakan ako at i-teleport sa ibang dimensyon tapos doon na mamuhay forever? Pasimple niyang kinutusang ang sarili sa kalokohang ideya na iyon. "Marikina Palengke, Bayan!" sigaw ng driver kaya bumaba na siya. Matindi na ang initpaglapat pa lang ng paa niya sa lupa. Marami na ring mga taong paroo't parito sa malaking palengke. Nakaramdam siya ng gutom at uhaw kaya huminto muna siya sa isang stall na nagtitinda ng palamig at hot cake. Pagkatapos niyang bumili sa ale ay naupo siya sa katapat nitong waiting shed. Habang kumaian ay naramdaman niya na rin ang pagkirot ng kamao niya kaya napahinto siya sa pagnguya at luminga sa paligid. Kabisado niya ang mukha ng estrangherong iyon. Matangkad iyon at may kasingkitan ang mga mata. Katamtaman ang laki ng pangangatawan base sa suot noong polo na kulay navy blue at nakatupi hanggang siko. May hawak din itong mga plastic bag sa magkabilang kamay ngunit hindi niya alam kung ano ang laman noon dahil tumakbo na siyang paalis. Nang maubos niya ang dalawang hot cake na binili at ininom ang natitirang ilang lagok ng palamig ay napaisip siya habang nakakunot ang noo. Kinagat niya pa ang dulong bahagi ng basong nasa kanyang bibig. Paano kung bigla niya akong mahagilap dito tapos bigla akong kidnap-in...ikulong sa isang maganda at mamahaling mansyon. Magiging aso't pusa ang turing namin sa isa't isa habang hindi namin namamalayan na nagugustuhan na pala namin ang isa't isa. Tapos isang gabi, nalaman kong isa pala siyang monster na kumakain ng tao at ako ang isusunod niya. Paano iyon? Napailing siya sa naisip. "Ang OA naman no'n. Nasa siyudad na nga tapos may monster pa na galing sa bundok ng Tralala. Kahhit siguro sinong editor, hindi maniniwala sa kwento ko," mahinang sabi niyang sapat lang na siya ang makarining. Teka... Nangunot ang noo niya habang pinapanood ang mga taong nasa convenience store na katapat niya lang. Paano kung isa pala siyang hot mafia boss tapos... Hindi niya na tinuloy ang nasa isipan dahil Rated 18+ iyon. "No. That's imposible..." "Medyo mala-pocketbook naman iyong istorya pero hindi convincing. Napakalabong mangyari. So, ekis." Napabuntong-hininga siya bago tngnan ang relo. Kaya pala mainit na, alas nuebe na pala. At medyo OA na nga talaga akong mag-isip dahil napakaimposibleng matunton pa ako noon dito. Tumayo na siya at masimpleng nag-inat. Itinapon ang cup sa pinakamalapit na basurahan at naglakad na hanggang sa madaanan niya ang fountain sa may Big Clock na madalas nilang nagiging kitaan noon ni James. Napangiwi siya. Gaga, move on na kaagad. Stop waiting your time on him. Hindi mo siya deserve at hindi mo deserve maging isang kabit. Mabuti pa... Nagpatuloy siya sa paglalakad at tumawid patungo sa kabilang kalsada. ...isipin mo kung paano ka makakapag-sorry doon sa nasapak mo kaysa sa kanya na isang duwag. Napakaswerte niyang sa condominium siya ni Tristan nakatira. Bukod sa malapit na sa kung saan siya nagtatrabaho, malapit din ito sa palengke, fast food chains, malls, at bar. Bago siya pumasok sa maliit na gate at niligon nya ang paligid sa huling pagkakataon. "Good morning, Miss Gaia," bati sa kanya ni Adel na isang ama at security guard na sumalubong sa kanya. "Good morning, Kuya Adel. Nakita mo na bangg bumaba si Tristan?" tanong niya. "Hindi pa yata siya nababa. Kapapasok ko lang din kasi kaya hindi ko pa napapansin." "Okay lang, Kuya. No problem. Sige po, aakyat na ako. Have a nice day." Ngumiti pa siya sa bago sumakay ng elevator. Nang marating ang ika-siyam na palapag ay lumabas na siya at naglakad sa hallway na mahaba. Si Tristan ay may ilang dekada niya na ring kasama sa buhay. Ipinagpalagay na nilang dalawa na sila ay magkapatid na ipinanganak lang ng iba ang mga magulang. Pakiramdam niya pa ay magkadugtong na dati pa an kanilang mga bituka dahil na-discover nila ang isang bagay—na crush nila ang F4 at nag-aagawan sila kay Jerry Yan magpahanggang ngayon. Magmula nang mawala ang kanyang ina ay inampon na siya ng mga magulang nito at ibinigay ang lahat ng mga pangangailangan niya kapareho ng kay Tristan. Kung ano ang meron siya ay meron din dapat si Tristan—barbie doll, make up kits, at iba pa. Habang pang-santacruzan ang paglalakad niya patungo sa unit, napainto siya dahil sa paninindig ng balahibo. Tila ba may nakatingin sa kanya mula sa malayo. Imposible namang dito nakatira iyon. "Diyos ko, huwag naman sana." Binilisan niya ang paglakad hanggang sa marating ang pinto. Sunod-sunod at walang patid ang pagkatok niya dahil hindi pa iyon binubuksan ni Tristan. Halos napaatras siya nang makita ang itsura ng pinsan nang buksan ito. "Shuta ka, Gaia!" gigil na gigil na bungad nito sa kanya. May suot itong puting facial mask, kulay puting sando na pambahay at floral shorts na maikli. "May sunog ba sa kada floor ng condominium? Kung katukin mo naman iyong pinto parang gusto mo nang sirain. May pampagawa ka?" reklamo pa nito. For the every last time, lumingon si Gaia sa paligid bago dali-daling pumasok sa loob. "Tristy, hindi ka maniniwala sa mga nangyari sa akin ngayong araw." Nagmamadali niyang tinanggal ang sapatos at inilagay sa rack. Sinabit niya angg bag sa sandalan ng upuan sa mesa at naupo sa tabi ng pinsan na nanood ng Koreanovela. "Magbihis ka muna roon. May meeting ako sa office ng 2 P.M. May ime-meet akong kliyente kaya iiwan muna kita mamaya, " paalam nito. "Mamaya na ako magbibihis. Makinig ka muna sa sasabihin ko. Rest day ko naman ngayon." Ipinatong niya ang dalawang paa sa coffee table. "Gaano ba ka-life changing 'yang kwento mo? Magkakaroon ba tayo ng milyones diyan?" sarkastiko pang sabi nito. "Tristan!" saway niya. "Ano ba iyang ikukwento mo? Siguraduhin mong hindi sayang ang beauty rest ko riyan." "Sige. Hinding--hindi. anong gusto mong mauna, bad news o mas bad news?" Napataas ng kilay si Tristan. "Tanga ka na nga, malas ka pa. Hindi naman Friday the 13th, ah. Bahala ka kung ano uunahin mo. Pinapili mo pa ako." "Wala na kami ni James," diretsahang sabi niya. "Oh my God! Tha's my girl. I am so proud of you Gaia Lopez. You did the right thing. Grabe, napaka-positive vibes ng umaga na 'to. Pero paano nangyari 'yon?" "May ibang babae pa si James bukod sa akin. Iyon ang bad news." "Sabi ko na nga ba, eh. Hindi mo talaga pagkakatiwalaan 'yong gano'ng hilatsa ng pagmumukha, eh. Bukod sa iyo at kay Matilde meron pa? Ay, napakagwapo naman pala niyang James na 'yan, ano? Eh, ano'ng ginawa mo?" "Sinugod ko sila. Nakita namin sila ni Myron at Nestle habang naglalakad kami pauwi. At alam mo kung sino 'yong babae?" "Sino?" "Si Kellie, 'day!" Nanlaki ang mga mata ni Tristan. "'Yong kasama natin sa bar dati? Oh my God!" "Oo. Iyong receptionist sa building." "Ay, gaga! May sa demonyita palang tinatago ang bruhilda na 'yon?! Ano'ng ginawa mo?" "Syempre, inaway ko si James. Aba, baka mamaya hindi lang ako at si Kellie ang kabit n'ya, ano?" Pumangalumbaba siya. "Sana pala nakinig na lang ako sa sinasabi ni Henry sa akin," dagdag pa niya. "Iyan kasi ang sinasabi ko sa 'yo. Tingnan mo, nasa huli ang pagsisisi. Buti na lang hindi mo sinuko 'yang bataan baka mag-agawan talaga kayo ni Matilde kay James. Bakit ba laganap ang ganyang mga lalaki. Hindi makuntento sa isa..." "Alam mo, nagalit talaga ako sa kanya kasi sinabihan ba naman niya ako na kumanta raw ako sa kasal niya." Tumayo si Gaia at kumuha ng bacon at itlog na nasa mesa at saka inilagay iyon sa plato. Kumuha na rin siya ng orange juice sa ref. "Ang kapal naman talaga ng peslak niyang lalaking 'yan! OMG. Sumasakit ang batok ko sa 'yo. Oh, ano 'yong mas bad news?" tanong ni Tristan habang iniinom ang juice nj Gaia. "Nakasuntok ako ng lalaki sa kalsada." Naibuga ni Tristan ang orange juice sa mukha mismo ng pinsan. "Tristan!" galit na galit na sabi nito habang hindi makatayo dahil matutuluan ng inumin ang puting damit niya. Agad namang tumayo ang pinsan nito at kinuhaan siya ng tissue. Pinunasan nito ang mukha niya at sinamaan ito nng tingin. "Nakakabwisit ka. Kadiri!" "Akala ko pa naman, wala kang gagawing katangahan ngayong araw. Ano pa bang aasahan ko sa iyong babaita ka?!" Pinanlakihan pa siya ng mata ni Tristan. "Hindi ko kasalanan 'yon! Hindi ko lang sinasadya 'yong nangyari. Malay ko bang nasa harapan ko na pala siya eh, nakaamba na 'yong kamao ko ka sapakin si James sa mukha, eh," pagdadahilan nito. "Ano ka ba naman, Gaia? Diyos ko. Nakasakit ka pa ng hindi mo naman kilala. Ano'ng sabi noong lalaki sa 'yo?" "Actually, hindi ko alam..." "Bakit?" Punong-puno ng katanungan ang mukha ni Tristan habang dahan-dahan nitong tinatanggal ang facial mask. "Kasi nilayasan ko siya. Kumaripas ako nang takbo paalis." Huminga nang malalim si Tristan dahil baka tuluyan niya nang makalbo si Gaia sa ka-gaga-han nito. Kasabay noon ay ang pagkuyom nito ng mga palad. "Alam mo, pasalamat ka at pinsan kita. Dahil kung hindi, sinakal at sinabubutan na kita, nanggigigil ako sa 'yo." "Sorry na. Hindi ko naman talaga sinasadya 'yon. Gusto ko naman talagang mag-sorry kaso 'yong tingin kasi ng lalaki...nanlilisik 'yong mga mata niya tapos para bang kaya niya akong murahin mula ulo hanggang sa kaibuturan ng kaluluwa ko." "Gaga! Tama lang sa 'yo 'yon. Hindi ka kasi nag-iingat. Paano kung isa pala 'yong mayaman na negosyante na mag-aahon sa 'yo sa kahirapan? Eh, 'di pera na naging bato pa?" sabi nito. Huminga nang malalim si Gaia at napasandal sa sofa. "Anong gagawin ko, Tristy? Baka magkita kami sa mga sumunod na araw. Hindi ko alam kung may mukha pa akong ihaharap." "Face the truth! Kasalanan mo 'yan. Hindi nakakamatay ang panghihingi ng sorry." May point naman ang pinsan sa sinabi nito. "Oo nga pala. Binilhan kita ng milktea. Tikman mo. Galing kasi 'yon sa bagong milk tea cafe na na-discover ko kanina," masayang sabi nito. "Ang aga mong maghanap ng lalaki. Mamahinga ka naman, mamang. May oras ang paglalandi," bawi ni Gaia kay Tristan. "Eh, kung sabunutan kaya kita riyan? Alam mong 'yon lang ang nagpapaligaya sa akin. At hindi ka maniniwala pero napakaswerte ko dahil nahanap ko ang cafe na 'yon..." "At bakit naman?" "Dahil ang gwapo ng mga crew. Lalo na noong may-ari kaso sa leaflets ko lang siya nakita. Papunta pa lang daw kasi noong paalis na ako." Tumayo si Gaia at kinuha ang milktea na sinasabi nito sa ref. Humigop siya nang kaunti at tinikman ito. Napatango siya nang malasahang katamtaman ang tamis noon. "In fairness, masarap siya." Naupo siyang muli sa tabi ni Tristan at humarap sa pinsan upang tanggalan ng mga natirang facial mask na mukha. "Saan galing 'yon?" tanong ni Gaia habang muling humigop sa plastic cup. "Dito." Pagbigay ni Tristan ng leaflet ay naibuga niya nang buong lakas ang miltea tea na nasa bibig kasabay ang mga pearls at nata. "Shutanginamers naman, Gaia!" "Siya 'yon!" Tinapon niya ang papel na may nakangiting mukha noong lalaking nasapak niya. Nakasuot iyon ng kulay puting polo shirt at brown na apron. "Sino?!" galit na galit na sabi ng pinsan habang pinupunasan ang mukha. "Iyong nasapak ko. Siya 'yon!" "Gaga ka talaga! Siya 'yong may-ari noon!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD