DAHIL sa awkwardness na nangyari kanina, hindi na muli pang nagsalita si Gaia habang patuloy silang naglilibot sa mall. Kanina niya pa talaga gustong yayain si Lucas na magpunta na lang sila sa café nito dahil gustong-gusto na niyang bumalik sa trabaho. Pero dahil pumayag siya, wala siyang ibang choice kundi ang samahan ito sa paggala. “Are you already tired?” tanong ni Lucas sa kanya na umatras nang kaunti upang magsabay sila sa paglalakad. “Hindi. Okay pa ako.” Pinipigilan niyang magsalita nang mahaba dahil ayaw niyang mangyari na naman ang nangyari kaninang bigla-bigla na lang kung anu-ano ang lumalabas sa bibig niya lalo na’t nasa isipan niya pa rin ang babaeng linta na nagpabago ng mood niya. “Gusto mo ng ice cream?” Umiling siya. “Busog pa ako. Thank you.” Tumango lang si L

