SA bawat pagtitig ni Lucas kay Gaia pagtapos nitong umamin ay tila ba naging triple ang bilis ng t***k ng puso ng babae. Ilang beses pa siyang huminga nang malalim dahil nahihirapan siyang huminga. Excited siya sa panibagong chapter ng kanyang buhay. Nang maramadman niya ang pagkalikot ng mga bulate sa tiyan niya kanina pa. Nanlalamig din ang kamay niya at mga paa. Kahit ang lalamunan niya ay nanuyo hindi dahil sa lamig ng air-con sa gawi nila ngunit kundi sa pagtitig nito. This is it, Gaia! Sabihin mo nang gusto mo rin siya para naman magka-lovelife ka na! Tapos na naman ang three-month rule. “Ah…ano—“ “Sorry po, natagalan ako…” Agad silang dalawa na umayos nang pagkakaupo pagdating ng sales lady na tulak-tulak ang isang rack ng da

