“WE’RE here…” saad ni Lucas nang ihinto niya ang makita ng kotse sa mall na alam na alam nila ni Tristan. Naunang tinanggal ng lalaki ang seat belt habang siya ay nakamaang pa rin sa pagsilip sa gusaling iyon sa bintana ng kotse. Napakalaki ng pinagbago noon at talaga namang mas gumanda ito ngayon. “D-dito? As in, dito talaga?” tanong niya pa kay Lucas nang tanggalin ang seat belt. “Yes. Why are you so surprised?” ganting tanong sa kanya nito at saka ngumiti. “Para kasing ang laki ng pinagbago ng mall na ‘to. Dati hanggang second floor lang ‘yan, ‘di ba? Tapos wala pa ‘yang garden na ‘yan diyan dati,” tugon niya sabay turo sa labas. “That’s true. But it’s still business kaya mas pinalawak, pinalaki, at pinataas ‘yang building na ‘yan. Let’s go.” Binuksan nito ang pinto ng driver

