Kabanata 7

2034 Words

MABIGAT ang bawat yabag ni Gaia habang binabagtas ang kahabaan ng Palm Tree Avenue sa Eastwood na dinaanan niya kanina papasok. Ngunit hindi lang pala ang mga paa niya ang may bigat na nararamdaman kundi pati ang kanyang puso at isipan. Hindi niya gustong makasakit ng damdamin ng ibang tao. Hindi niya kayang mabalitaan na may nawalang inosenteng bata dahil sa kanya—dahil sa pagiging selfish niya sa pag-ibig. Tiningnan niya ang cellphone. Ilang linggo na siyang hindi nakakatanggap ng mensahe mula sa lalaki at hindi na niya inaasahan na makakatanggap pa siya ng isa. Bigla iyong nag-beep at lumabas ang pangalan ng bestfriend niyang si Adrian. Matagal na silang hindi nagkikita ng malapit niyang kaibigang ito. From: Adrian Message: Nasaan ka? Hindi niya sinagot ang text ng lalaki bagku

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD