Kabanata 6

2106 Words
ANG dalawang araw na off ni Gaia ay napakabilis na lumipas. Heto na naman siya at kalbaryo ang pumasok sa trabaho. Hindi dahil sa lalaking nasuntok niya kundi dahil sa mga agam-agam niya sa trabahong naiwan. Una, muli na naman silang magkikita ni James ngunit depende 'yon kung magpapakita nga ang lalaki dahil alam niyang abala na 'yon sa nalalapit nitong kasal. Ikalawa, ipinapanalangin niyang tumaas ang good feedback sa survey niya ngayong linggo upang kahit papaano'y makapag-stay pa siya sa kumpanyang iyon. Ang ikinatatakot niya ay baka bigla siyang ma-board review dahil paniguradong si Matilde ang haharap sa kanya kung magkataon. Matapos niyang maligo ay nagsuot siya ng kulay itim na longsleeve blouse at faded jeans. Sinuklay niya ang kanyang buhok at kinuha ang isang puting sneakers na nakalagay sa ilalim ng kanyang kama. Nahawakan niya na ang seradura at handa na itong pihitin nang mapahinto siya. Kahit anong maging resulta ngayong gabi, okay lang 'yan. Maghanap ka ng ibang trabaho. Iyong hindi lang sa una masaya. Tuluyan niya nang pinihit ang door knob at nakita niya si Tristan na nakaupo sa sofa at nanonood ng T.V. "Tristan, sa palagaya mo ba suswertehin ako ngayong gabi?" tanong pa niya habang nagsusuot ng sapatos. "Nakadepende 'yan kay Matilde—kung alam niya nang ikaw ang kabit ni James, of course, malas ka. Pero kung hindi, ngayong gabi ka lang suswertehin." "Grabe ka naman." Sumimangot ito. "Kidding aside, ihanda mo ang sarili mo ngayong gabi, okay? Baka magpakita ang impaktong 'yon. Sana this time, siya na ang masapak mo ng big time sa mukha. Diyos ko, dinamay mo pa 'yong crush kong may-ari ng Kim Sarang's sa kagagahan mo," aniya. "Oo na. Magso-sorry naman ako kapag nagkita kami." "Puntahan mo roon sa cafe niya. Doon ka manghingi ng sorry. Naku ka, kung andito si Tita Amor, baka kinalbo ka na noon. O kaya baka itinakwil ka na niya bilang unica hija niya." Umirap pa si Tristan sa kanya pagkatapos magsalita. "Tama na 'yang panenermon mo sa akin. I-good luck mo na lang muna ako, mamang. Kailangan na kailangan ko talaga ang ritwal mo for good luck." Nakipagbeso siya sa pinsan at muling inayos ang buhok. "Mag-ingat ka sa pagpasok. Huwag kang tatanga-tanga kahit saang lugar. Good luck sa paghahanap ng bagong trabaho pagkatapos ng gabing ito," biro pa ni Tristan sa kanya habang nasa pinto. "Tristan naman!" "Sige na. Umalis ka na. Kapag na-late ka, ako na naman ang sisisihin mo. Good luck. Fighting!" Ginantihan siya ng irap ni Gaia bago pa nito sinara ang pinto. 45 minutes lang ay nakababa na siya sa tricycle at natapak na ang mga paa Eastwood Palm Tree Avenue. Sampung minuto rin ang nilakad niya para makarating sa CityWalk at nagpahinga muna sa may building entrance. Nakaramdam siya ng gutom at papasok na sana siya ng Zark's pero may biglang humawak sa kanyang palapulsuhan. "Hindi ba't ikaw si Gaia?" Para siyang binuhusan ng malamig na tubig nang makitang si Matilde ang nakahawak sa kaniya. Pinagtitinginan sila ng maraming tao kahit na hindi pa man ito gaanong nagsasalita. Makikita ang isang matapang na personalidad sa awra ng babae. 'Yon bang mapapaayos ka na sa upuan mo kapag siya ang daraan sa production floor. "O-opo. Good evening, Ms. Matilde," alanganing bati niya. Marahas nitong binitiwan ang kamay niya. "So, ikaw lang pala ang kahati ko kay James? Isang empleyadong malapit nang matanggal sa trabaho? Hindi man lang siya nang mas mataas sa level ko para naman kahit papaano na-trigger ako nang malala." Tiningnan nito mula ulo hanggang paa. "B-break na po kami ni James. Nakipag-break na po ako sa kanya kaya huwag n'yo po sana akong tanggalin sa trabaho ko..." aniya. "Hindi ako ang nagde-decide kung mag-i-stay ka sa kumpanya o hindi. Tandaan mong ikaw ang gumagawa ng ikapapahamak mo...sa trabaho man o hindi." Seryoso siyang tinitigan nito sa mga mata. "Mabuti naman at naisipan mong makipaghiwalay sa fiance ko. Hindi ka rin kasi talaga nakakatulong sa kasal namin. Pinaglalaanan ka pa ng oras ni James. Pero hindi ibig sabihin noon, hindi ka na makakatanggap ng isang bagay sa akin." "A-ano po—" Isang malutong, malakas, at naglalagablab na sampal ang iminuwestra ni Matilde sa kaliwang pisngi niya. Tumitibok-t***k pa ang bahaging iyon habang nakakaramdam siya ng init. "Hindi ko ikinapagpapasalamat ang pakikipaghiwalay mo kay James dahil iyon talaga ang dapat na ginawa mo. Alam mong ikakasal na siya, hindi ba? At alam mong magkakaanak na kami. Hindi ka ba nahihiya? Nakikihati ka sa oras ng iba?" "M-minahal ko si James, Miss. Pero napagtanto kong mali pala talaga na minahal ko siya. Dahil bukod sa ating dalawa, may isa pang nakikihati sa kanya..." Nagsalubong ang kilay ng ginang. "W-what do you mean?" "Nakita ko si James at Kellie na receptionist sa building natin. Naglalambingan sila sa isang coffee shop. Doon ko napagdesisyunan na hiwalayan na siya." Bigla naman nilang nakita si Kellie na papasok sa loob ng building. "Ayan! Siya!" Tinuro pa ito ni Gaia. "Siya 'yong haliparot na number three ni James!" sumbong niya kay Matilde. Hindi ako papayag na ako lang ang masasampal ng babaeng 'to! Susugurin na dapat ni Matilde si Kellie na takot na takot nang bigla siyang itulak ni Nestle. Doon siya bumalik sa kasalukuyan. "Bakit patanga-tanga ka riyan?" tanong pa nito sa kanya. Hindi siya makapaniwalang daydream lang 'yon. "W-wala. Ano kasi...nagugutom kasi ako kaso nagbago ang isip ko. 'Di na pala ako kakain." Inalog niya pa ang ulo niya habang sinasabayan siya ng kaibigan na maglakad sa building lobby. "Alam mo bang trending ka?" tanong pa nito sa kanya. "Ano'ng pinagsasasabi mo riyan?" lukot ang mukhang tanong niya. "Gagi ka kasi. Sinuntok mo 'yong lalaking walang kalaban-laban. Akala tuloy jowa mo." Ibinigay ni Nestle ang cellphone niya at pinanood ang video habang nasa elevator sila. Hindi makapagsalita si Gaia. May isa pa nga siyang nakitang post na ginawang meme ang pagsampal niya sa lalaki. "Alam mo, 'di mo kilala 'yang nabangga mo..." "Sadly, kilala ko na siya. Siya 'yong may-ari ng Kim Sarang's Cafe na malapit sa amin." Ibinigay niya kay Nestle ulit ang cellphone. "Kung minamalas ka nga naman talaga. Paniguradong alam na noong lalaki na nag-trend kaming dalawa dahil sa ginawa ko." Napasandal siya sa malamig na dingding ng elevator saka sumimangot. Panibagong problema na naman 'to. "Hindi lang siya may-ari ng isang milk tea cafe, ang angkan nila ang isa sa top 5 riches families hindi lang sa Pilipinas kundi sa buong Asia! Hindi mo ba alam 'yon? Does the surname Montelumiere didn't ring any bell to you?" tanong pa sa kanya nito. "Montelumiere? Eh, hindi naman 'yon ang apelyido niya. Kim ang nakalagay roon sa leaflet—Lucas Kim," hirit pa nito. "No, girl. You've got it all wrong. He is Lucas Montelumiere-Kim. At pinsan niya 'yong namigay ng cosmetic productions galing AML Cosmetics na si Asher Justin Montelumiere dito noong nakaraang buwan. Hindi mo na ba naaalala? Nanalo ka pa nga ng make up set noon." Natahimik siya habang ninanamnam ang mga sinabi ni Nestle. Nahinto siya sa pag-iisip nang biglang magbukas ang pinto ng elevator. "Kumusta kaya 'yong survey ko." Nag-aalangan pa siyang pumasok sa office lobby. "Kailangan n'yong mag-usap ni Henry, Gaia." "Bakit?" "Dahil mukhang alam na ni Matilde na ikaw ang girlfriend ni James." Huminto siya sa paglalakad. "A-ano?" "Oo, eh. Hindi ko alam kung paano n'ya nalaman. Pero galit na galit siya habang kinakausap niya si Henry noong naka-off ka." Nanuyo ang kanyang lalamunan. Parang gusto niya na lang mag-back out. "Huwag na lang kaya akong pumasok." Malungkot na ngumiti si Nestle sa kanya. "Face it now, Gaia. Kung hindi ngayon, kailan? Araw-araw mong magiging kalbaryo 'to kung aatras ka. Nakipag-break ka na naman, hindi ba? Hindi masamang umamin sa kasalanan, tandaan mo 'yan. Ang nakakabadtrip ay 'yong ikaw na nga ang kabit, ikaw pa ang matapang." "Hindi naman ako gano'n." "Kaya nga. Mas mabuti na 'yong ganoon. Ikaw na nga may kasalanan, ikaw pa matapang. Halika na, pumasok na tayo. Kung pagsalitaan ka niya, pasok sa kaliwang tenga tapos labas sa kabila." Naglakad na sila patungo sa hallway ngunit napahinto si Gaia. "Teka..." "Bakit?" "Paano kung sa kanang tenga?" "'King ina ka naman, Gaia. Akala ko naman kung gaano kaimportante 'yang sasabihin mo. Bahala kang mangisay mamaya." Mas nauna nang pumasok ang kaibigan sa production floor habang siya ay nagtungo muna sa locker room upang ilagay ang bag doon. "Galit na galit si Miss Matilde sa kabilang prod kahapon, ah." Narinig niya ang usapan ng dalawang babae na nasa b****a ng women's comfort room. "Bakit?" "Kausap niya si TL Henry. Nasa team n'ya noon 'yong kabit ni James na team mate niya rin. Kung hindi raw aamin 'yong babae, ire-report daw ni Miss Matilde si Henry dahil pinabayaan niya lang na ganoon ang nangyari." Nahinto si Gaia sa pag-aayos ng gamit. Tumayo siya at nagmadaling pumunta sa production floor. Hindi ko hahayaang may ibang taong madamay o magsakrispisyo dahil sa kagagawan ko. Pagbukas niya ng pinto ay pinagtinginan kaagad siya ng mga taong naroon. Mapanuri ang mga tinging iyon na sinalubong niya isa-isa. "G-Gaia..." Nakita niya ang pagtayo ni Henry. Nilapitan niya ito sa cubicle at kinausap. "Where's she?" tanong niya sa team leader. "Sino'ng hinahanap mo?" "Si Matilde. Nasaan siya?" "Gaia, huwag ngayon." "Nasaan nga siya? Gusto ko siyang makausap. Aamin na ako sa kanya basta huwag ka lang niyang i-report, Henry. Wala ka namang kasalanan dito, eh." "Huwag ngayon, Gaia. Save it. You are scheduled for board review on Thursday." "Bakit? Bakit ayaw mong kausapin ko siya? Akala ko ba gusto mong kumawala na ako. Break na kami ni James, Henry. Niloko niya ako. Hindi ako nakinig sa 'yo." "Alam ko. Alam ko na ang tungkol diyan pero hindi ito ang tamang oras para roon." "Bakit nga?" Huminga muna nang malalim si Henry upang humugot ng lakas ng loob na sabihin ang isang bagay na lubhang ikagugulat nito. "Nakunan si Matilde." Bagsak ang balikat niya. Nanlamig ang mga kamay. "N-no way." "Nakunan siya kahapon. Habang pinapagalitan niya ako, dinugo siya. Wala si James sa tabi niya noong isugod ko siya sa ospital. Ako ang nagsugod sa kanya kahit na masasakit ang mga salitang nabitiwan niya sa akin." "P-paano nangyari 'to?" "Nakausap ko siya nang masinsinan bago pa 'yong nangyari kahapon. Napapansin niyang parang umiiwas si James sa kanya. Hindi na sumisipot si James sa wedding preparations nila." "B-bakit? Hindi naman kami nagkikita na. Ang tagal na." "Dahil kay Kellie. Mas gusto niya si Kellie. Naibibigay no'n 'yong mga kailangan niya." Na-gets na 'yon. Na-gets niya, totoo. Nakaramdam siya ng selos, galit, at pagtatampo. "Naibigay naman ni Matilde sa kanya ang kailangan niya, ah? Bakit? Kahit hindi na ako. Pero bakit kailangan niya pang humanap ng iba?" "Alam mo ang sagot." Dahil akala ni James ay bibigay siya sa mga pa-sweet nito. Akala ng lalaki ay habang lumalalim ang koneksyon nila ay maihihiga siya nito sa kama. "Hindi ako makapaniwala." Napailing siya sa pagkadisgusto. "Sinabi ko na sa 'yo...hindi katulad mg iniisip mo si James. Iba siya. Ibang-iba." "K-kumusta si Matilde?" "She's fine now. But the baby is gone." "K-kasalan ko 'to..." "You can go now, Gaia. Maghanda ka dahil alam niyang kayo ni Kellie ang mga babae ni James. Kung gusto mo pang mag-stay rito, ikaw na ang bahalang mangumbinsi sa kanya na bigyan ka pa ng second chance." "Actually, alam ko na talagang mangyayari 'to kaya nauna na akong nagdesisyon sa magiging kapalaran ko." Sumandal siya sa swivel chair habang pinapakinggan siya ni Nestle na katabi niya sa kanan. "Mag-re-resign na ako, Henry." "Gaia..." Malungkot itong ngumiti. "Hindi na ako masaya. Noong una, oo. Pero ngayong ganito na ang nangyayari, hindi na. Masyado nang naaapektuhan ang trabaho ko...pati kayo damay dahil isang team tayo. Kapag mataas ang paglagpak ng isa sa amin, apektado ang buong team. "Hindi kaya ng konsensya ko 'yon. Ayokong may ibang taong nadadamay sa kagagahan ko. Kasalanan ko 'to. Dapat ako lang ang magsa-suffer." "Gaia, may iba pang paraan," sabi pa ni Henry. "Kung meron, ano? Kahit ako walang maisip na magandang paraan para matakasan 'to, eh. Tama 'yong sinabi ni Nestle kanina. Kailangan ko nang harapin 'to." Tumayo na siya. "Magre-resign na ako sa Thursday pagkatapos ng board review. Wala akong pakialam kung sampal-sampalin niya ako o murahin sa paghaharap namin..." Tinapik niya si Nestle at Henry. Napalunok pa siya kasabay ang pagpipigil na tumulo ang mga luhang kanina pa gustong kumawala sa nga mata niya. Nakasira siya ng pagsasama. Napakatay siya ng isang baby na wala namang kasalanan. Napailing siya. "In the first place, deserve ko ang masaktan dahil nakihati ako," sabi niya bago naglakad paalis.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD