KAGAT-KAGAT ni Tristan ang kuko habang patuloy na nagmamaneho. Hindi siya pwedeng magkamali—hinding-hindi dahil mula noong una niyang makita si Temyong sa Bulacan noon, talagang tinandaan niya na ang pagmumukhang iyon. Kahit na medyo pumayat ito, hindi niya maipagkakaila na iyon talaga ang step-father ni Gaia. “Bakit siya naroon sa building na ‘yon?” tanong niya pa habang ipa-park ang sasakyan. Pagpasok niya, nakita niya si Lucas na naroon na sa restaurant at may hawak nang menu. “Sorry, na-late ako ng ilang minuto.” Naupo siya sa tapat nito at sinuklay ang buhok gamit ang kamay. “It’s alright. Kararating-rating ko lang din naman. What do you want to eat?” “Busog ako. May Gin Tonic ba sila? Iyon na lang ang akin.” “Doon na lang tayo sa bar counter nila. Akala ko kasi hindi ka p

