“MAG-focus ka lang kay Gaia. Huwag mo na munang intindihin si Temyong dahil kami na ang bahala sa kanya. Huwag kang mag-alala kasi babalitaan ka naman namin kung sakaling may mahanap kaming lead dahil konektado na ang assignment mo sa tinatrabaho namin ngayon.” Kahit iyan ang habilin ni Marijean kay Lucas ay kating-kati ang kamay niya na nasa manibela ngayon na magpunta sa Diamond Empire para i-check kung ano ang mayroon sa kumpanyang iyon pero dahil malalim na ang gabi, mas minabuti na muna niya na umuwi na. Napag-isip-isip niyang mas mahihirapan siya kung mag-isa lang siyang pupunta roon lalo na’t wala pa siyang mga gamit. Bagsak ang katawan niya sa kama pag-uwi. Narining niya ang pag-beep ng kanyang cellphone at nakita niya ang limang mensahe galing sa kanyang ina na si Bettina. May

