WALANG imik at sabay na napabuntong-hininga sina Six at Marijean nang makaalis si Lucas sa headquarters. Alam na nilang mangyayari ‘to pero hindi ganito kabilis. “Ano’ng gagawin natin ngayon?” tanong ni Marijean sa lalaki. “Hindi ko pa alam. Pero paniguardong magagalit sa atin si Ate Bettina kapag nalaman niyang nasa Black Moon na si Lucas,” tugon nito at saka naupo sa swivel chair. “Kailangan ko na bang mabahala ulit?” tanong pa nito. Ngumuso ang lalaki at tumango. “Yeah. Pero hangga’t wala pa tayong nakukumpira, kumalma ka na muna. Ako na ang bahala sa kaso na ‘to, Marijean. Ikaw na ang bahala sa ibang kaso. Tutulungan ko si Lucas sa assignment na ‘to.” “Okay. Pero katulad ng dati, i-inform mo ako sa lahat ng kilos mo, Six. Ayoko ng nangangapa lalo na’t medyo nasa delikadong si

